15. When Hearts Assume

27.8K 1.1K 160
                                        

Dedicated to amorecoruja. Thank you for recommending this to your friends.

***********

"Nagdala ka ng lason sa mismong kwarto ko?" galit na singhal ni Amber. Nanlilisik ang mga mata nito na tila sasabog sa sobrang galit. Sa kilos ng mga kamay nito ay tila gusto niyang lukutin ng buhay ang walang malay na si Nicali Sin.

"Get me a robe Amber!" napasigaw ako sa sobrang hiya. Mabilis kong ipinantakip ang katawan ng buhat kong assassin sa hubo kong katawan. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi pati na ang tainga. Nakakahiya.

Tinaasan pa ako ng kilay nito saka inismiran bago siya nagcast ng spell without any wand, "Operi eum stolam!" Pagkatapos ay bumalik ang anyo nito sa isang galit na dragon na handang magbuga ng apoy.

In an instant I was covered with a white cottony robe. Naramdaman ko ang kusang pagsuot ng tela sa aking katawan. Nagulat pa ako dahil sa ginawa nitong pagcast ng spell na walang gamit na wand. Amber has improved.

"Now that you are totally wholesome, ipaliwanag mo saakin kung anong ginagawa ng babaeng yan dito?" her tone never changed. Tila kumakanta parin ito sa sobrang taas.

"We need to get her to Miranda! Kailangan niyang gumaling. She's our primary lead."

"Nuff!" she scoffed as if she's not yet done and would not allow me to bring the assassin elesewhere, "walang makakapunta kay Miranda hangga't hindi mo-"

"Amber, stop it okay. Trust me," I cut her words.

Nagulat naman ito sa inasta ko at parang natauhan. She met my serious gaze at saka ito kumalma na parang naintindihan nito ang pahiwatig ng mga titig ko. "Ofcourse, knowing you... hindi ka susugod dito ng hubad kung hindi mabigat ang dahilan," bulong pa nito na unti-unti nang lumapit saakin para kumapit bago ako naglightning transmission.

Nasa hardin sina Miranda at ang iba pa. Kasalukuyang inaaliw sila ng kumakanta at sumasayaw na si Jolly na nasa ibabaw ng lamesa habang nakapalibot sina Lara, Silex, Cael, Kaiser, Miranda at Priam katabi ang alaga nitong aso na si Joku. Magkakapareho ang naging reaksyon ng mga ito sa biglaang pagsulpot namin ni Amber at ng assassin. Tulala at walang namutawing salita sa kanilang bibig.

"Hey guys! Surprise! Alvis has a new girlfriend!" bulalas ni Amber bilang bating pambungad.

Nagkatinginan ang lahat. Napangiti ng makahulugan si Silex, Kaiser at Cael. Nagulat si Lara. Nalito si Miranda at tila wala namang pagbabago sa reaksyon ng mukha ni Priam.

"Really?" takang tanong ni Lara na hindi ko alam kung natutuwa o dismayado dahil sa babaeng buhat-buhat ko na unti-unti niyang nakilala.

"Look, guys... No!" bigla akong nawalan ng sasabihin ng magkasalubong ang tingin namin ni Lara.

Natawa si Amber. Malakas. Sobrang lakas na halos ikabingi ng lahat. Umandar na naman ang kalokohan nito.

"Amber stop it. Maingay masyado, kailan ba magmimilagro nang matahimik ka naman?" Silex tried to stop Amber but it didn't work. Napakamot na lang ito sa ulo.

Hinintay ng lahat na mapagod ito kakatawa at kusang tumigil sa kakatawa.

Nangyari nga pagkatapos ng ilang minuto.

"Okay, nilabas ko lang ang nararamdaman ko okay? Kaya huwag nyo akong husgahang nababaliw ako because I am mentally stable." Napalingon ito saakin saka halos humagikgik, "Kasi tong si Alvis, biglang sumulpot sa kwarto ko na hub-"

"Guys, we have a lead. Kailangang magamot natin ang babaeng 'to para mahanap natin si Laurent," putol ko sa sasabihin ni Amber.

"Wait, what?" kunot-noong tanong ni Priam.

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon