61. Confined Keepers

18.8K 788 44
                                    

Evil fiends, dark zombies, large scorpions, wild cranes, giant rats, three-headed snakes and their kinds surrounded the A-Team. We are seemingly outnumbered and overpowered.

Kahit na sabihin pang na kay Lara na ang anim niyang guardians kasama na rin ang nanumbalik na kapangyarihan ni Laurent. Kahit na isipin kong mas lumakas na ngayon si Alvis dahil sa ikinabit sa kanyang runes ni Mistress Fhaun dahilan ng pagkakaroon nito ng Seraphim wings. Nandiyan din si Priam na pakiramdam ko'y hindi pa inilalabas ang isandaang bahagi ng kanyang kakayahan at ang misteryosang dark spells ni among Amber. Naroon ang reyna, isang total keeper na limitado na at bilang ang kakayahan pati na rin ang batang si Peorion. Hindi parin namin kakayanin ang kalaban.

Nararamdaman ko ang lakas ng kapangyarihan ng mga nakapalibot saamin. Nag-uumapaw. May halong gigil at galit. Saan nanggagaling ang poo't sa kanilang mga puso? Ano ang naging dahilan ng lahat ng kinikimkim nilang galit sa dibdib?

Isa. Dalawa. Hanggang umabot sa numerong hindi ko na mabilang. Sari-sari ang mga nakita kong larawan. Iba-ibang imahe. Hindi ko kilala kung sinu-sino ang mga iyon pero sigurado akong mga mga mukha 'yon ay konektado sa mga pwersang nakapalibot saamin ngayon. Nakakapanindig balahibo habang walang tigil sa pagsulpot ang mga larawang posibleng mangyari sa susunod na oras.

"Mukhang may mga nakatagong lihim sa islang ito. May nga nakatagong sikreto lalo na sa dark army," mahina kong sambit sabay siksik sa mga kagamitan ni Amber na nasa loob ng poku bag nito. Mas maigi nang tiisin ko ang samo't saring amoy sa loob kaysa tuluyan akong mawalan ng pang-amoy kapag napahamak ako.

"Parang walang kinikilalang sinomang nilalang ang mga nasa paligid kundi ang mga kauri lang nila. Kailangan natin silang malusutan bago natin marating ang kuta ni Amry!" narinig kong untag ni Laurent. Mukhang mapapalaban nga ang A-Team. Sa tono pa lang ng boses ni papa lulu ay alam kong wala na itong balak umatras.

"We should team up!" I heard ninong pripri's urgency in his voice. "Lara, stay with Peorion and queen Elmaea. Amber, Nicali and Alvis will take the monsters behind us. Laurent, fight with me!"

Hindi ko napigilang sumilip sa bungad ng bag ni Amber. Tama ba ang narinig ko na "fight with me" ni Priam Cloud? Is chief making ways to easily reconcile with his long lost kin?

Nakita ko ang pagtango ni Laurent na tila walang tutol sa sinabi ni Priam. Nasilayan ko naman ang pagsalubong ng mga kilay ni Amber nang tumayo sa tabi nito sina Nicali at Alvis. Nangangamoy ampalaya na si Amber sa sobrang pait.

Mukhang hindi pa napapawi ang galit ni amo sa katraydoran ni Nicali. Pero hindi ba't kaya nabuhay si Herina at nakaligtas sa sumpa niya ay dahil siya lang ang hindi nagtraydor sa tatlong Nicali? Anong problema ngayon nitong si Amber at mukhang ang bitter niya sa earth?

"Stop staring me that way Jolly," dinig kong sabi ni Amber saka nagpalabas ng isang malaking water energy ball na halos humalik sa mukha ko. Handa na siya sa pagsugod.

Mabilis namang pinalibutan ng berdeng enerhiya si Nicali kasunod ng nakakasilaw na paglabas ng liwanag sa katawan ni Alvis. Nang lingunin ko si Lara'y katabi nito ang ina at nasa likuran nila ang tila kalmadong si Peorion. Sa unang pagkakataon ay nakita kong magkaharap sina Laurent at Priam. Walang imik ang bawat isa na parehong binabalot ng kani-kanilang properties. Magkasabay pang itinaas ng dalawang lalaki ang kanilang mga kamay bago tuluyang naghawak. Mag-u-unison raid and dalawa!

Magkakaalaman na! Malalaman na ni Laurent and katotohanan kapag nakita nito ang nilalaman ng isip ni Priam. Ito ba ang nakikitang paraan ng mercenary chief para ipaalam sa dark keeper na siya ang panganay nitong kapatid? Knowing Priam, hindi sa ganitong sitwasyon niya sasabihin ang katotohanan. Posible kayang kaya niyang itago ang bahaging iyon ng kanyang pagkatao kay Laurent? Isang highly trained keeper si Priam, kaya nitong kontrolin ang mga properties ng mas mahusay sa kapatid. Maaaring kaya din niyang huwag ipakita kay Laurent ang kanyang sikreto. Kaya ba kampante siyang makipagsanib pwersa sa dark keeper?

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon