70. Without the Other

16.5K 870 105
                                        

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Labis akong nataranta sa nakita ko. Uulan ng dugo! Kung hindi mapaghahandaan ng A-Team ang pagsabog ng master of keeps, kasama silang sasabog! Hindi pupwede! Hindi dapat mangyari ang nakita ko! Kailangang may gawin ako kahit na labagin ko pa ang batas ng orasan!

Kailangan nila ako!

Mabilis akong dinala ng aking mga paa palapit sa abalang A-Team. Mautal-utal pa ako nang tangkain kong sabihan sina Lara sa susunod na mangyayari. Walang lumalabas sa bibig ko dahil pinangungunahan ng malakas na kabog ng dibdib ko ang mga salitang dapat ay magsisilbing babala sa kanila.

Sa wakas ay napansin ako ng nakaluhod nang si Amber na labis na ang panghihina. Nagawa pa ako nitong taasan ng kilay sa kabila ng sitwasyon niya. "Ssss-sss-sasabog si Golarus! Kailangan niyong lumikas dito bago kayo lusawin ng pagsabog ng master of keeps!"

Nagitla si Amber. Sa gitna ng nagtatalsikang hibla ng liwanag ay nagawa kong pagmasdan ang mukha nito. Tila iyon na ang huling ngiting kaya niyang igawad saakin. Gumilid ang mga likidong dulot ng kanyang kalungkutan at hinaplos nito ang ulo ko.

Naiiyak na rin ako sa tila pamamaalam ni Amber pero umiling-iling ako at malakas na sinigawan ang amo ko, "Wala nang dapat mamatay! Kaya itigil mo na ang kaartehan mo Amber! Gamitin niyo ang natitira niyong lakas para lumikas dito!"

Sa tingin ko ay narinig ng lahat ang boses ko. Lumingon silang lahat sa kinaroroonan ko pero wala ni isa ang humakbang paatras para makaiwas sa nakaambang pagsabog ng halimaw.

Nakatingin saakin si Mortem ng matagal ngunit mabilis din itong nag-iwas ng tingin nang mapansin ko. Mabilis nitong tinungo ang kinaroroonan ng hari at ng hukbo nito at malakas na hinila ang malagkit na likidong nakabalot sa kanila. Laking gulat ng lahat nang magawa nitong punitin at putulin ang malagkit na hibla na iyon at mapatakas ang hukbo ng kaharian.

Imbes na tumakbo palayo sa kinaroroonan ng master of keeps ay kaagad na lumapit ang hari at ang mga kasama nito sa kinatatayuan nina Lara. Tinulungan ng mga nilang bumangon ang mga nanghihinang miyembro ng A-Team pati na rin ang reyna Elmaea at ang batang si Peorion. Sa gitna ng sagupaan ng malakas na enerhiya mula kay Lara at ng halimaw ay nagpumilit sina Alvis, Priam, Amber, Cael, Miranda, Herina, Magret at Blaire na hindi sila aalis sa likod ng nakikipagsagupaang total keeper. Kahit walang imik ang transmogrified na si Silex ay nanatili itong nakatayo sa tabi ng A-team at gayon din si Mortem na nasa likuran ng lahat.

"Hindi ko iiwan si Lara!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Amber na inaalalayan ng dalawang kawal, "bitiwan niyo ako! K-kung a-ayaw n-niyong g-gawin ko kayong kambal na strawberries!"

"Ama, umalis na kayo dito!" Cael uttered with pain and wiped his teary eyes with the back of his hand, "Kailangan ako ng kapatid ko!"

"Hindi namin iiwan si Lara!" ani Alvis.

"I'm staying as well!" untag ni Priam habang sapo ang braso.

"Ako din!"

"Ako din po!"

"Hindi n-"

"Umalis na kayo!" malakas na sigaw ni Lara na hawak parin ang malakas na energy beam na pinapakain kay Golarus. "Ilang minuto na lang at sasabog na siya! K-kailangang may maiwan saatin! Kung hindi ko ito gagawin, lahat ng sakripisyo, lahat ng pinaghirapan natin, masasayang!"

"Lara, I am not leaving you!" sumamo ni Amber, suminghot pa ito saka nagpatuloy, "Hindi mo pwedeng gawin 'to mag-isa!"

"We're a team Lara! No one should be left behind!" Priam insisted.

Mangiyak-ngiyak na rin si Lara at sa basag na tinig, sinambit nito, "Yes. We are a team. Kaya nga A-Team diba? There's no denying that we are A TEAM, but you have done so much! I have to do my part afterall. I am a member of a team, I trust the team, I yield to it and sacrifice for it, because we, not each of us, is the ultimate victor. Amber, you have proven your worth as my best friend. Priam, Alvis, Silex, Magret, Miranda, Laurent you all have proven what an A-TEAM should be. Herina, thank you for doing this. Simula ngayon ay bahagi ka na ng grupo. Cael, Peorion, Blaire... I -I love you guys... at dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ko sa inyo kinakailangan kong masigurong ligtas kayo!"

Mortem growled as if he was trying to dispute what Lara had decided.

"I have to do this! Kailangan niyo nang umalis nakikiusap ako!" Then Lara cried so hard as pain started covering his pretty face.

Nobody moved.

Then one gesture from the total keeper shicked us. Idinikit ni Lara ang isa nitong kamay sa balikat ni Amber. Isang dilaw na liwanag ang naglakabay mula sa katawan nito patungo sa nanghihinang si Amber. Ilang saglit lang ay kusang naghilom ang mga sugat ng amo ko at bumalik sa normal na kulay ang kutis nito. Lara healed Amber instantly for some reasons.

Amber cried in defeat. Tila nabasa na nito ang nilalaman ng utak ni Lara. Humagulgol ito at mabilis na yumakap sa kaibigan na nakatuon na naman ang mga kamay kay Golarus. Umiyak ito sa likuran ng total keeper habang mahigpit na nakayakap. "H-how could you do this? How could you decide for us to leave if we want you around us? Hindi ito pwede.... Ang daya-daya mo!"

Napayuko si Lara. Hindi na rin nito napigilang umiyak habang nakayakap si Amber. Hinaplos nito ang palad ng kaibigan. Pinisil saka tinanggal mula sa katawan nito. "Please do it Amber. For me?"

Umiling-iling si Amber at parang batang humahagulgol dahil wala na itong magawa sa kagustuhan ng kaibigan.

"This is my only wish Amber. Save the people I love. Save yourself and the rest of Cairos!" Lara's last words made Amber even cry harder. As if the dagger in her chest cut deeper. Pursigido ito sa pinaplano at pati si Amber ay walang nagawa.

Umatras si Amber na parang hinahanda ang sarili sa paghihiwalay nila ng kaibigan. Hindi humihiwalay ang titig nito kay Lara na tila iniisa-isa ang bawat detalye ng muka nito upang hindi makalimutan. Mukhang naninikip ang dibdib nito dahil sa gagawin. Huminga-hinga pa ito ng malalim upang mag-ipon ng lakas. Nang bahagyang kontrolado na niya ang sarili habang walang humpay ang pagtulo ng luha sa pisngi niya, muli itong nagsalita. "L-lara, I'm sorry..."

'Yon lang ang huli kong narinig bago ko napansin ang pagtango ni Lara habang nakangiti ng matipid at pigil na pigil sa pag-luha. Bago ko pa man pigilan ang pinaplano ng total keeper ay isang spell na mula kay Amber ang aking narinig.

"Bulla scutum levitante!"

Tumubo ang isang mamasamasang bola mula sa aking paanan at gayon din sa iba pang naroon. Naramdaman kong binalot ako ng isang bula na gawa ni Amber at mabilis itong lumutang sa ere dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba. Nagsiliparan ang mga bulang nakabalot sa mga taga Cairos kasama na ang A-Team maliban sa isang malaking aninong nakatayo lang sa likod ni Lara -si Laurent.

Nagitla ako sa nakita. Hindi nagawang balutin ni Amber si Mortem. Anong dahilan ng lahat? Hindi kaya lihim siyang kinausap ni Laurent na iwan ito kasama si Lara gamit ang kanyang telepathic powers?

Napatingin ako kay Amber. Nakatanaw ito sa kinaroroonan nina Lara habang hindi parin matigil sa pag-iyak. Nagwawala naman sa loob ng bula sina Priam, Alvis at Cael na pinipilit makalabas. Papataas na ng papataas ang mga bula. Halos hindi ko na maaninag sina Lara sa kinaroroonan ko ng isang malakas na pagsabog ang gumimbal saaming lahat. Inabot ng malakas na pwersa ang pagsabog at halos liparin ang lahat ng bubble shield ni Amber palayo sa isla ng Shi.

A commotion and a blinding light. Then the bubble that carried me started rolling in the air. The last sight I had was the world from the outside of the bubble spinning non-stop...

Lara... Laurent...

###

The Seekers (TKS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon