His scent-is like a drug I can't resist- addicting, irresistible and consuming. Napasinghap ako ng malalim habang nakalingkis ang mga bisig ko sa katawan niya. This is real. Napagtanto ko nang malanghap ko ang pabango niya sa ikalawang pagkakataon. Napapisil ako sa likod nito at naging dahilan 'yon para lingunin niya ako at titigan.
His dark raven mysterious eyes left me speechless. Hindi parin ako nakakawala sa hipnotismong dulot ng makapangyarihan niyang mga mata. His lips were as red as the crimson blood na tila gusto akong halikan ng mga sandaling iyon. I damn miss this guy. Pakiramdam ko'y dinala ako ng tagpong iyon sa isang dimensyon kung saan nagiging oras ang bawat patak ng segundo -bawat pagkurap niya ay bilang ko, bawat paglunok niya ay dinig ko at bawat paghinga niya ay nararamdaman ng balat ko. Kung mali ako at panaginip lang ang lahat, sana'y mahulog na ako sa pinakamalalim kong pagtulog at huwag nang magising pa.
"Kumapit ka," mahina niyang sabi. Narinig ko 'yon pero parang nawala ako sa huwisyong sumunod habang ninanamnam ang pagkakataon. "Lara I said hold tight!"
Sa lakas ng pagkakasabi niya, boluntaryong nagising ang aking sistema at tila naalimpungatan sa tunay na sitwasyon. He was telling me to hold tight so that he could take me somewhere with his majestic wings. Those dark wings that saved me many times. Napakapit ang kamay ko sa kanyang balikat at batok. His arms wrapped around my waist.
"Close your eyes, iikot tayo," mahinahon nitong sabi. Halos masinghap ko ang sariwang hangin mula sa bibig nito. Nakakadeliryo. Hindi niya alam kung gaano ako nangulila sa kanya. Kung gaano ako nagdusa at gaano kahaba at kasakit ang paghihintay ko sa pagkakataong ito. Wala siyang ideya kung anong nararamdaman ko habang magkayakap kami. Hindi man niya alam kung ano ang saloobin ko, alam ko na sa mga mata niya, walang nagbago -mahal parin ako nito. Masidhi, buong-buo at walang alinlangan.
Sumunod ako sa kagustuhan niya. Napapikit ako at napakapit ng mahigpit na sa tingin ko'y naramdaman niya kaya siya napahalik sa bumbunan ko saka niya mahinang sinabi, "I'll keep you safe just close your eyes and hold tight honey."
Honey. Singtamis ng mga salita at ng kahulugan nito. Lihim akong napangiti.
That's the most reassuring promise I have heard in years. After all the heartache and abandonment, my heart started to mend and almost healed. All I needed was a scent, a hug and a promise from him.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon, naramdaman ko ang mabilis na pag-ikot ng mundo ko. Mas lalo kong pinaigting ang pagsara ng mga talukap ko habang nakayakap sa matipuno niyang katawan. Napasubsob ako sa pawisan nitong dibdib hanggang sa tuluyan na akong malunod sa nakakahilong mosyong binuo ng mabilis niyang pag-ikot. Naisalarawan ng isip ko ang mga pangyayari habang nakasara ang aking mga mata -mabilis na pag-ikot ang ginawa ni Laurent para makabuo ng isang whirlwind at maitaboy ang mga kalaban. Ilang segundo ang hinintay ko hanggang sa biglaang tumigil ang mabilis na paggalaw. Nangingilo pa ako nang imulat ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang mainit niyang palad nang kulungin niya ang tigagal kong mukha. Hindi ko mapigilang isara ang aking mga mata para namnamin ang sandali.
"Breath," mahina niyang bulong saka hinaplos-haplos ang mukha ko gamit ang kanyang mga hinlalaki, "now open your eyes and look at me."
"Laurent." Sa wakas ay nasabi ko ang pangalan niya. Kasabay no'n ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Iniangat ko ang aking mga palad para hawakan ang mga kamay nitong nakadampi sa aking mukha. Naramdaman kong totoo nga ang lahat. Totoong nasa harap ko siya. Totoong siya ang nagligtas saakin. Totoong buhay siya.
Napansin kong wala na ang mga tumidos na kanina'y kumuyog saakin. Nang ilibot ko ang paningin ay nagitla ako sa nakita -nakapako sa lupa ang mga tumidos gamit ang matutulis na itim na espadang hugis balahibo na galing sa pakpak ni Laurent. Naisip kong parang naging isang matigas na bakal ang bawat piraso ng pakpak ng lalaki at pinagsasaksak ang mga ito habang kami'y umiikot. Namangha ako sa bagong kakayahan niya.
BINABASA MO ANG
The Seekers (TKS #2)
FantasyWattys 2016 Winner for Talk of the Town Category The death of evil is temporary. For when the strongest abhorrence lingers beneath Like a seed sown by darkness and evil It will make its way to bear chaos. Lucky are those who know nothing what lies...