67. The Prince of Cairos

17.6K 873 156
                                    

The battle of light and darkness echoed all over island. I heard voices of pain and sorrow. Some struggle to fight for the living and some fight to kill every hopes and dreams. Kagaya ng madalas na sinasabi noon ng mga magulang ni Amber sa kanya, 'The victory to war is never easy and never achieved, because everyone loses everyone.

Halos napantayan na ng mga hukbo ng Cairos na sinamahan ng mga transmogrified keepers ang kampon ng kadiliman. Marami parin ang nasawi at nagtamo ng sugat. Marami ang kusang bumigay at kinain na ng kahinaan ang buong sistema. Marami ang nagbuwis ng buhay at nagpaubaya sa nakaukit na kapalaran.

Wala paring tigil sa pakikipaglaban si Lara kasama ng iba pang mga keepers. Nagpapalitan parin ng kani-kanilang kapangyarihan ang dalawang reyna ng Cairos na sina Elmaea at Amry. Samantalang si Haring Theodore nama'y nagawa nang makalapit sa kinaroroonan ng anak na total keeper kasama ng tatlo pang rare keepers.

Lumaban naman ng sabay sina Amber at ang transmogrified form ni Silex na hindi ako sigurado kung nakikilala pa ang babae. Nasa likuran ng mga ito si Herina at ang iba pang kauri ni Silex na walang tigil sa pagpapakawala ng kanilang malalakas na earth keeps.

Nasa kalagitnaan ng palitan ng kapangyarihan sina Amry at Elmaea nang mapansin ko ang mabilis na paggalaw ng mga awakened beings sa tagiliran nito. Lumabas ang mga hibla ng kuryente sa kanilang mga kamay at sabay-sabay nilang inihampas 'yon sa abalang si queen Elmaea. Halos mangisay ang reyna sa natamong atake mula sa mga awakened at nabitawan nito ang enerhiyang nakatulak sa pinakawalang dark beam ni Amry.

"Ina!" malakas na sigaw ni Lara na abala sa pakikipagbakbakan. Sinubukan nitong lapitan ang inang reyna ngunit nahirapan ito dahil na rin sa sobrang lakas ng mga tumidos na nakapalibot sa kanya.

Tatamaan na sana ng dark beam si reyna Elmaea nang biglang tumalon ng mabilis si Silex patungo sa harapan nito. Sinangga niya ang kapangyarihan ng itim na reyna at tinamaan ang likuran nitong nababalot sa metal. Napadaing sa sakit si Silex habang nakaluhod paharap kay Elmaea.

Nang tuluyan nitong nainda ang sakit na dulot ng dark beam ng reyna ay mabilis itong lumingon sa gawi ni Amry at nagpakawala ng isang malakas na alulong. Lahat ng transmogrified keepers na naroon ay kusang nagpakawala ng malalakas na enerhiya patungo sa kinaroroonan ni Amry.

Amry saw what was coming to her. Mabilis nitong binalot ang sarili ng isang makapal na baluti na gawa sa maitim na uri ng metal. Bago pa man ito tamaan ng sunod-sunod na enerhiya mula sa mga transmogrified ay nakabuo na siya ng isang makapal na force field palibot sa kinaroroonan niya. Nagpakawala ito ng isang malutong at nakakarinding halakhak habang balewalang tinatanggap ng harang nito ang mga pinakawalang energy balls.

Silex growled before he leaped towards Amry. With a huge earth energy balls on both hands, he threw sideward punches to break the force field. Akala ko hindi niya magagawang basagin ang harang ni Amry pero laking gulat ng lahat ng mawasak nito ang magkabilang bahagi ng force field. Sa pangatlong suntok niya na nababalot ng malakas na enerhiya ng lupa, ay nagawa niyang mabasag ang harang ni Amry.

Nasangga ni Amry ang kamao ni Silex gamit ang kanyang dalawang kamay. Mabilis nitong binalot ng itim na hiblang may kaakibat na kuryente ang kamao ni Silex saka pinisil at nagpakawala ng malakas na boltahe ng kuryente dahilan para mapadaing sa sakit ang lalaki. Amry electrocuted Silex until the latter can no longer bear to stand.

Lara tried to ran towards the two to save Silex from Amry's killer attack but she was attacked simultaneously. Nahirapan itong makalapit sa lalaki dahil sa dami ng nakaharang sa kanya.

"Silex! Silex no!" malakas na sigaw ni Amber na tila alam na ang susunod na mangyayari.

Death flashed through my eyes. Nagsimulang magsitayuan ang mga balahibo ko nang makita ko lahat. There was a blinding light that made a pair of silhouette -a standing Amry and a transmogrified Silex on his weak knees. Amry raised a pointed object. Silver glitter flashed through the edges of the sword that was casted with poison.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon