32. Laurent's Fate

24.7K 1K 160
                                    

LARA

Tatlong marahang katok ang nagpatigil saaking paghikbi. Buong araw din akong walang ginawa kundi magkulong sa kwarto. Hindi na ako nakausap ni Laurent matapos kong marinig ang buong usapan nila ni Priam. Lingid sa kaalaman ng lalaki na sinundan ko ito kanina upang dalhin ang tinimpla kong inumin nito. Hindi rin alam ng dalawa na naroon ako sa umpisa pa lang ng pag-uusap nila.

Ang ihabilin ako sa taong hindi ko lubusang kilala, ang iwan akong muli, ang maniwalang tapos na ang napakahaba kong paghihintay at pagdurusa. Hindi ko napigilang maiyak nang marinig ko ng buong-buo ang usapan ni Priam at Laurent. Ang masakit, ako na naman ang magiging dahilan ng paglayo niya. Laurent carries a number of awakened monsters inside him and he needed isolation for us to be safe. Kusang pumasok ang ilan sa mga awakened sa braso niya nang mabuksan ang lagusan nang gabing mapaslang ako ni Cael. Naiintindihan ko ang bahaging iyon. Pero masakit lang tanggapin na sa kabila ng lahat ng pagtatanggol at sakripisyong ginawa niya, wala akong magawa para tulungan siya. I am still the useless Lara. Naturingan akong total keeper pero wala akong kakayahan para iligtas siya at tanggalin ang mga halimaw sa braso niya.

Muling nasundan ng marahang pagkatok ang nasa pintuan. Naroon pa pala ang taong naghihintay na pagbuksan ko. Muli kong isinubsob ang mukha ko sa malambot na unan saka tinabunan ang ulo ko ng isa pang unan. Wala akong balak na pagbuksan ang kung sinomang naroon. Hindi na natigil ang pagkatok. Pabilis ng pabilis at palakas ng palakas na tila naubusan na ng pasensya ang naroon. Hindi na ako nakapagtimpi kaya kaagad akong bumangon para pagbuksan ang kanina pang makulit na nangangatok.

Pabigla kong pinihit ang seradura habang nakapinta sa mukha ko ang sobrang pagkainis. Nakatayo sa harap ko si Priam na magulo pa ang buhok. Nakatitig ang kulay karagatan nitong mga mata sa mukha ko.

"Anong kailangan mo?" asik ko. Hindi ako sanay magsuplada sa tao pero sadyang nadala lang ako ng magkakahalong emosyon sa dibdib ko -lungkot, inis at lumbay. Namumugto pa ang mga mata ko na hindi ko alam kung napansin niya.

He sighed so deep and closed his eyes abruptly. Then stared at me like he's about to freeze me, "Laurent is leaving." He said calmly.

"Let him leave," usal ko. Ramdam kong biglang bumigat ang aking dibdib nang sabihin ko ang mga katagang 'yon. Parang sasabog na ang puso ko at tuluyan nang mawawasak iniisip ko pa lang na aalis na siya.

"I know that's not what your heart is saying," tumalim ang mga tingin nito na parang napipikon na sa inaasta ko. "Lara, don't make it hard for him to do this. You know that he's doing this for you. You don't treat someone who gives you unconditional love that way. It's hard for you. That's given! But it is harder for him to carry on with a heavy heart knowing that anytime things can change so fast without him. Bababa ka ba o bubuhatin pa kita pababa?"

Bigla akong naalarma sa sinabi nito. Ayoko sa ideya niyang bubuhatin ako. Ni madikit sa katawan niya ay hindi ko ginusto. "Nasa pamamahay kita!"

"I don't fucking care princess!" bulyaw nito saakin. Napuno na ito at halatang gagawin na nito ang banta niya. Knowing Priam Cloud -the antsy, bossy, insecure and impatient mercenary chief.

Napabuntong hininga ako saka napasandal sa pintuan. Hindi ko naman talaga kayang tiisin si Laurent. Pero parang hindi ko rin kayang makita siyang umalis. Parang iniisip ko pa lang, nanghihina na ako. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng masaganang luha sa aking mga pisngi. Kaagad ko iyong pinunasan gamit ang aking mga palad sabay singhot sa nagbabadyang tubig sa aking ilong.

"I hate seeing you that way. It breaks my heart," mahinang bulong ng lalaki na sa tingin ko'y hindi niya namalayang sabihin. Sinubukan niyang pagtakpan ang mga nasabi na niya at muli itong nagtaas ng boses, "Bumaba ka na! Don't prolong the agony Lara, alam mong kailangan mong harapin ang pagkakataong 'to. Laurent is waiting at the gate."

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon