50. Zero

17.9K 855 106
                                    

JULIUS (JOLLY)

"Alvis!" Nasambit ko nang tanawin ko kung saan nagmumula ang nakakasilaw na liwanag. Hindi ako nagkamali. Si Alvis nga ang dumating at mukhang may nagbago sa itsura nito lalo na ang kanyang mga pakpak.

The highest order of archangels! Alvis has the mystical pure white wings of six -with two wings covering his face, with two covering his feet, and with two majestically flapping in the air. Alvis's blond hair was burning and his body was covered by metallic sheet that shines with his right hand holding a burning thunder sword.

"Agila!" malakas na sigaw ni Amber na namimilipit ang kaliwang binti. Nasa tabi nito si Silex na sugatan din at halos hindi makabangon dahil sa tindi ng sugat na natamo.

Then a growl from Laurent came suddenly!

Hindi pa man nakakababa sa lupa si Alvis ay mabilis na itong sinugod ng nagwawalang si papa lulu. Ni walang welcoming remarks o kamustahan sa A-Team. Inasahan ko naman 'yon dahil nga sa sitwasyon ng dark summoner na ngayo'y tuluyan nang inangkin ng mga awakened sa katawan niya. Sa pagdating ni Alvis, may isang bahagi sa aking isipan na umaasang maiiba ang mga pangyayari. Pero sa buong buhay ko, wala pang mintis ang mga nakikita ko. Lahat ng mga nakita ko at nangyari ay bahagi ng 99.99% accuracy ng aking premonition.

Alam kong magkakaroon ng seraphim wings ang future general na si Alvis. Alam kong sa kanya ginamit ni Mistress Fhaun ang six remaining runes sa Cairos dahilan para magising ang totoo niyang kakayahan. Pero hindi sapat ang seraphim wings para sa napakaraming awakened beings na nananalaytay sa katawan ni Laurent. It would take atleast ten seraphim archangels to defeat the awakened beings. Alvis would fail, because I have seen Golarus' rebirth.

Golarus is the ultimate keeper. The monster is way too powerful for us.

Isang lahi lamang ang may kakayahang pigilan si Golarus at ang iba pang awakened beings -ang dugong Hearthopia. Si Lara at ang kapatid nitong si Cael. Sa kalagayan ngayon ni Lara, alam kong parang imposible nang maipon pa niya ang apat pang guardians dahil gising na ang mga halimaw sa katawan ni Lulu. Si Cael, hindi pa panahon ni Cael ngayon. Nakita ko na ang lahat sa kanya. Kung kailan magigising ang totoo niyang lakas na dapat sana'y kapantay ng kanyang kakambal na total keeper.

"Mama lala. Papa lulu." Biglang bulong ng isang mahinang boses sa aking tagiliran. Alam kong si Blaire 'yon. Ang huling book keeper at rare keeper ng kanyang lahi, ang bunga ng pagtatalik ng liwanang at dilim. May magagawa ba siya sa sitwasyon ngayon? Hindi ako sigurado dahil noong una pa lang ay hindi ko na mabasa ang hinaharap nito. Mysterious and intriguing kagaya ng naramdaman ko kina Lara at Ruru. Hindi kaya si Blaire at si Ruru ay-

"Chief! You have to find a way to hold Laurent still!" pinutol ng sigaw ni Alvis ang malalim kong pag-iisip. "You know we can't beat him on a hand-to-hand combat! Let's take him as a team!"

Umaalingawngaw ang malakas na boses ng seraphim angel na dinig ng lahat ng naroon. I know they needed to do it. Laurent was unstoppable and his power was eminent beyond comparison. Everyone agreed to take Laurent down together. Probably, bring him back.

Alvis raised up the A-Team's morale. It gave us hope.

Nagawang tumayo ni Amber sa gitna ng pinsalang natamo ng katawan nito. Muli kong narinig ang pagtawag niya sa kanyang arma suit. Amber was then covered by her icy combat armor. "Sanare omnes!" She casted her spell raising the crystal staff on her right hand. Isang asul na bilog na liwanag mula sa hawak na tungkod ni Amber ang kumalat sa buong isla. Bawat sugatang keeper na dinaaanan ng pinakawalang spell ni Amber ay naghilom at nabigyan ng panibagong lakas.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon