71. The Signs and Stars

17.3K 881 135
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***



MAGRET

Lara and Laurent disappeared before my eyes. Nagtaka ako kung may nabago ba sa timeline at parang imposibleng mangyari ang lahat. Hindi pwedeng mamatay ang pinakamakapangyarihang pares ng Cairos.

"Blaire... Peorion..." mahina kong banggit habang lumilipad ang mahiwagang bula ng legendary witch na si Amber. Hinagilap ko kung nasaan ang dalawa na kanina'y nasa harapan ko lang. Posible kayang nilusaw na rin sila ng orasan dahil sa pagkawala nina Lara at Laurent?

Hindi maaring mawala ang kambal na siyang natatanging tagapagligtas ng kanilang henerasyon. K-kapag nangyari iyon, mawawala ang lahat ng sakripisyong ginawa ng A-Team. Mawawala ang kapayapaan sa mundo dahil tuluyan nang naputol ang salinlahi ng mga total keepers!

Nataranta ako. Muling kong hinagilap ang dalawa sa paligid pero wala na akong makita kundi ang kaulapang halos yakapin ako sa pag-akyat ng bubble shield. "Blaire! Peorion!" sigaw ko gamit ang natitira kong lakas.

Isang nakakabinging katahimikan ang sumagot saakin. Nakaramdam ako ng panghihina. Napatingin ako sa mga tala sa kalangitan at muling humiling. "Mga tala na kaloob ng pinagpalang langit, hiling ko para sa Cairos ay dinggin. Bigyan mo ng ngiti ang bukas. Bigyan mo ng kapayapaan ang bawat pusong nangangarap. Dinggin mo ang hiling ng bawat pusong wagas..." paulit-ulit kong bigkas hanggang sa sakupin ng dilim ang aking ulirat....

ALVIS

Nagising ako sa isang malaking silid at kaagad kong naramdaman ang hapdi sa aking sintido. Nakahiga ako sa isang malambot na kamang may makapal na kobre. I hit my head during the battle at Shi. Pero nasaan ako ngayon? Sino ang nagdala saakin dito?

"Alvis!" isang boses bata ang narinig ko mula sa bukana ng pintuan. Pamilyar saakin ang boses na 'yon.

"Headmaster Phobus?" tawag ko sa batang kakapasok pa lang. Suot nito ang paboritong asul na damit na parang pangmanika.

Ngumiti ito bago lumapit sa kinahihigaan ko. Nanlilitis ang mga matang pinagmasdan ako. "Mabuti naman at gising ka na. Tatlong araw kang tulog at walang malay dito sa healing center. Kamusta ang ulo mo?"

Hindi ako kaagad nakasagot. Tatlong araw? That was three days without any idea what have happened to my friends. Biglang pinagsakloban ng pangamba ang mukha ko na siya namang napansin ni Phobus.

"You hit your head so hard nang tumama ang bubble shield ni Amber sa isang malaking bato," napailing-iling ito saka nagpatuloy, "that girl is really something. Naalala ko sa kanya si Mistress Fhaun. Minus the noise ofcourse."

"A-are they alive?"

"They a-"

"Agila!" Isang maingay na boses ang biglang pumasok sa silid! Nang lumingon ako'y isang nagtatatakbong Amber na kasunod sina Herina at Priam ang nakita ko. Nakaramdam ako ng kaba nang wala nang sumunod sa tatlo.

Naupo si Amber sa gilid ng kama pagkatapos nitong guluhin ang mahaba ko nang buhok. Nakamasid lang so chief na tila seryoso at may malalim na iniisip habang si Herina'y pangiti-ngiti lang sa isang sulok habang namumula ang pisngi.

"Where are the others?" tanong ko.

Nagkatinginan silang lahat at tila hindi alam ang sasabihin saakin.

The Seekers (TKS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon