Elementary pa lamang si Fina noon ay may lihim na siyang paghanga sa kababatang si Elcid. Anak ito ng mayari ng nagiisang malaking Ricemill sa kanilang bayan. Ang bayan ng San Jose. Madalas kasi siyang ipagtanggol nito sa mga kaklase niyang lalaki na madalas nambubully sa kanya. Kaya naman mas lalo siyang humanga dito at pakiramdam din niya espesyal ang turing sa kanya ng kababata. Kaya naman lagi niya itong ipinagdadala ng kakanin, ang halayang ube na gawa ng kanyang ina na paboritong-paborito ni Elcid. Lagi niya itong kasabay sa paguwi, sa paggawa ng mga aralin at madalas nilang tambayan ang Library, pati na rin sa kanilang recess, kasama ang isa pa niyang kababata na si Lani. Kahit pa nais ng mga magulang ni Elcid na sunduin na lamang siya ng kanilang driver pagkatapos ng klase, mas pinipili paring makisabay ni Elcid sa kanila ni Lani sa paglalakad. Hindi naman kasi kalayuan ang kani kanilang mga bahay mula sa kanilang eskwela. Napakaganda rin naman kasi ng takipsilim sa kanilang lugar. Tahimik at napakpresko ng hangin sa hapon. At natutuwa siya kay Elcid dahil kahit na angat sila sa buhay ay hindi parin siya umaasta na parang hindi anak ng isang may-ari ng isang kumpanya. Hindi nito kailan man ipindama sa kanilang magkaibigan ang agwat ng estado nila sa buhay. Kaya ganun na lamang ang pagkagiliw niya kay Elcid at ganun din naman sa kanya ang kababatang si Lani.
Isang araw habang abala si Fina sa pagtapos ng kanyang aralin sa Library, bigla na lamang ang pagsulpot ni Elcid. Naupo ito sa kanyang tabi. Mukhang seryoso at tahimik ito kumpara sa dati. Nag alangan man, tinanong niya ito kung bakit siya tahimik. Hindi kasi ganun si Elcid kapag silang dalawa lamang ang magkasama. Madalas kasi ito'y makulit sa kanya. Kaya't bigla ang kanyang pagtataka sa inaasal ng kababata.
Seryoso ang kanyang mukha na parang may gustong sabihin. Habang siya'y patuloy sa pagsulat sa kanyang notebook ay nakadama siya ng biglaang pagkabog ng kanyang dibdib sa hindi malamang kadahilanan.
Ng hindi makatiis siya na ang bumasag sa katahimikan ni Elcid." Anong nangyari" tanong ni Fina
Nagalangan si Elcid sabay buntung hininga."Matagal ko na sanang gustong sabihin na..."pagbitin ni Elcid sa sasabihin.
"Na ano?" Tanong ni Fina
At hindi nagtagal sinabi na rin ni Elcid ang gustong ipaalam sa kababata.
"Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo para mas mapalapit pa kay Lani,"Hindi siya nakaimik. Nagpatuloy naman si Elcid at hindi alintana ang pananahimik ng kababata.
"Gusto ko sanang ligawan siya." patuloy ang pananahimik ni Fina. Pilit kinakalma ang sarili sa narinig. At tulalang nakatitig sa kababata na parang wala siyang narinig.
Kinuha ang kanyang pansin ni Elcid.
"Hoy Fina!" Bulong niya ng may diin.
"Narinig mo ba ang sinabi ko?"Natauhan naman si Fina sa bulong ni Elcid.
"Pero ang babata pa natin Elcid sa mga ganyang klaseng relasyon." Saad ni Fina."Alam ko".. Sabi naman ni Elcid.
"Pero gusto kong mapalapit pa ng husto sa kanya. Pagkatapos ng taong ito malapit na tayong mag highschool, kaya malay mo sa panahon na yun eh maari ng maging kami ni Lani."
"Gustong-gusto ko si Lani. At sana matulungan mo ako na makilala pa siya ng lubusan". Dagdag pa ni Elcid."Ewan ko sayo!" Inis na sabi ni Fina. Sabay hablot sa bag at pamartsang lumabas ng Library.
"Anong nangyari dun?" Pagtatakang tanong naman ni Elcid sa sarili.
Tumuloy na lamang si Fina sa school Gym para magpalipas ng oras, at doon patuloy na kalmahin ang sarili sa nasaktang damdamin.
-o-
Kinagabihan hindi tuloy siya mapakali. Hindi rin makatulog sa nalaman. Sa loob-loob niya eh nagseselos siya sa kanyang kababatang si Lani. Tumayo siya at humarap sa salamin. Pinagmasdan and sarili. Siya namang pagpasok ng kanyang ina sa kanilang silid.
"Anak hindi kapa natutulog? May pasok kapa bukas sa eskwela."
"Hindi po ako makatulog Nanay."
"May problema ka ba sa iyong mga aralin anak?"
"Wala ho Nay". Matamlay na sagot niya sa ina.
"Pero bakit parang may iniisip ang aking prinsesa?" Pansin ng kanyang ina.Hindi na lamang siya kumibo. Napapangiti na lamang siya tuwing sinasabihan siya ng kanyang ina na siya ang kaniyang Prinsesa. Minsan kasi ay hindi niya maiwasang ikumpara ang kanyang sarili sa kababatang si Lani. Si Lani kasi ay may malakremang kutis na maaring nakuha niya sa banyagang amang hindi na rin kinamulatan mula ng ipanganak ito. Mahaba ang buhok na mala mais ang kulay. Matangos ang kanyang ilong at may katangkaran din ito sa batang edad kumpara sa kanya. Siya naman ay may mala morenang kutis, maliit ang ilong na hindi naman pango, maninipis ang kanyang mga labi, hindi siya katangkaran, mahaba rin ang kanyang itim na itim na buhok. Pero ang laging puna sa kanya ng kanyang ina at ibang mga kamag-anakan ay ang mapupungay niyang mga mata. Sadyang napakahaba kasi ng kanyang pilikmata na nakuha sa kanyang yumaong Ama. Minsan ay nahihiya pa nga siya tuwing napapansin ang mga ito.
Ipinagwalang bahala na lamang niya ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Nagpaalam na rin sa kanyang ina na matutulog na.
Kinabukasan pagpasok palang ni Fina sa gate ng kanilang eskwelahan dinig na dinig na niya ang pagtawag ni Elcid.
"Fina! Fina! Fina!" Tawag ni Elcid. Sinadya niya itong hindi pansinin.
"Sera-fina De Jesus!" Napahinto siya sa pagtawag ni Elcid. Si elcid lamang kasi ang tumatawag sa kanya ng buong pangalan niya tuwing gusto siya nitong inisin. Hindi kasi niya gusto ang pangalan niya dahil sa madalas nga siyang tuksuhin na "Sira-fina".
Gusto sana niyang iwasan ito. Ngunit huli na sapagkat naabutan na siya ng kaibigan."Ano nasabi mo na ba?" Tanong ni Elcid.
"Hindi pa!" Pasimangot niyang sagot."Sige na naman Fina..." Pakiusap ni Elcid.
"Bakit hindi na lang kasi ikaw ang magsabi?" Pagrereklamo sa kaibigan.
"Mas maganda kasi kung manggagaling muna sayo. Dahil alam kong mas malapit kayo ni Lani sa isat-isa. At mas lalong lalaki ang pagasa ko kung ikaw ang magiging tulay sa amin." Paliwanag ni Elcid.
Inis man si Fina, pikit matang pumayag siya sa pakiusap ng kababata. Ngunit isa lamang ang pakiusap niya rito. Sasabihin lamang niya kay Lani ang pakay nito at hindi na siya gagawa ng paraan para sa kanilang dalawa. Sumangayon naman si Elcid.
"O siya! Sige na! Sasadyain ko siya sa kanila bukas ng hapon at ng matigil kana sa kakulitan mo!" Inis na sabi sa kababata.
"Thank you so much Fina". Isa kang mabuting kaibigan". At nagpaalam na ito sa kanya upang daluhan ang kanyang teammates sa basketball para sa kanilang practice.
Naiwan naman si Fina na nakamasid lamang sa papalayong si Elcid. Pakiramdam kasi niya kasabay ng gagawin niyang pagrereto kay Elcid kay Lani ay kasabay rin ng paglayo ng loob ng kababata sa kanya. At napagtantu ng kanyang batang puso na nasasaktan siya, naninibugho sa kababatang si Lani. Minsan nahiling tuloy niya sa sarili na sana siya na lamang si Lani...
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.