Nagmamaneho na si Elcid pauwi ng mansion. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Hindi mawaglit si Fina sa kanyang isip.
Naisip niya kung paano tingnan ni Tristan si Fina. Naiinis siya sa isiping nagkakamabutihan ang dalawa."Eh ano naman sa iyo kung magkamabutihan yung dalawa?"
Para siyang baliw na kinakausap ng literal ang sarili. Napapailing na lamang siya.Naisip niya si Fina at ang anyo nito kaninang naglapat ang kanilang paningin. At ng yapos niya ang mga kamay nito, bigla na lamang parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. At ang mga mata nito, nangungusap, napakaamo at napaka ganda. Hindi niya iyon nabigyan ng pansin noong sila ay nasa Elementarya pa lamang. Napakasimple ng ganda nito. At nakakabighani ang kanyang simpleng mga ngiti.
"Oh my God!" Elcid don't tell me you have a thing for her?" Tanong sa sarili.
"No! She's just a friend and that will remain the same." Pagtatalo ng isip niya.
Parang nahiya tuloy siya sa sarili na pinagiisipan niya si Fina ng ganoon. Nirerespeto niya ito bilang babae. Pinilit na lamang niyang palisin ang isipan tungkol sa dating kababatang si Fina.Samantala, habang naghihintay si Fina kay Tesa, malayo naman ang lakbay ng kanyang isip. Sinamahan siya ni Tristan na hintayin si Tesa, nagpumilit ito kaya pumayag na rin siya.
"Alam mo sigurado akong magugulat si Pia pag nalaman niyang magkakaroon tayo ng bagong drummer."
"Fina..." Pagkuha ng kanyang pansin ni Tristan."Ha? Ano ulit sabi mo?" Tanong ulit nito. Nahalata ni Tristan na lipad ang isip ni Fina.
"Wala naman. Hindi importante."
"Fina, pwede ba akong magtanong sa iyo?"
"Oo naman. A- ano naman yun?"
"Pwede ba kitang dalawin sa bahay niyo."
"Ha!?" Gulat na reaksiyon niya.
"Dalaw ba sinabi mo?" Paguulit pa niya."Oo, Fina. Gusto kitang dalawin sa inyo."
"Tristan bakit?"
"Gusto ko sanang gawing opisyal na ang panliligaw sa iyo. Yun eh kung papayag ka?" Walang paliguy-ligoy na sabi nito.
"Ha?! Ah-eh..." Nauutal niyang sagot.
Siya namang pagtawag ng parating na si Tesa.
"Friendship!!!" Pasigaw na tawag ni Tesa sa dalawa."Heto na pala si Tesa."
Yun na lamang ang nasabi niya. Hindi niya malaman kung anong isasagot kay Tristan."Friend, thank you sa paghihintay ha?"
"Sorry at na-late din ako."
"Ito naman kasing si baklitang Marco hirap maka-gets sa mga nota! Kainis!""Uyy Tristan buti na lang sinamahan mo si Fina maghintay."
"Okay lang. Anytime." Sabi pa ni Tristan.
"So pano halika kana at umuwi na tayo." Pagyaya na ni Tesa.
"Ihahatid ko na kayo." Pagaalok ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.