Malapit ng maghapon bago natapos ang kanilang Intrams. Tuwang- tuwa ang lahat. Halos hakutin ng Junior level ang mga awards. Sa sports, calisthenics, dance etc. Masaya ang lahat na nagbalik sa silid kung saan nila iniwan ang kanilang mga gamit. Hindi na sumama pa si Elcid sa grupo. Napansin ni Fina na parang nagmamadaling umalis ang binata pagkatapos kausapin si Mr Santos. Si Pia naman ay sadyang nagpahuli upang mapaghandaan ang kaniyang pag-arte.
Pagpasok nina Fina sa silid kasama ang iba pa nakuha kaagad ng kanyang pansin ang kumpol ng mga pulang rosas. Lumapit si Fina sa kinaroroonan ng kanyang bag. Akala niya ay doon ito nakapatong ngunit nasa ibabaw pala iyon ng bag ni Pia. Hindi niya maiwasang hindi mapatitig sa bulaklak lalo na sa note na kasulat dito. Nabasa niya iyon. Galing iyon kay Elcid.
"Oh my..." Mabilis namang lumapit si Pia at dinampot ang mga bulaklak. Binasa ang nakasulat dito ng may malawak na ngiti. Sinamyo ang mga bulaklak at nakangiti parin sa nakasulat na note ni Elcid.
"Oh Elcid.. You're so sweet." bulong pa nito na animoy kinakausap ang sarili.
Hindi maiwasan ni Fina na hindi mapatitig sa mga bulaklak. Kayganda ng mga iyon. Napaka-sweet naman ni Elcid at napakaswerte naman ng babaeng katabi niya.
Tumikhim si Tesa at kinuha ang kanyang pansin.
"Fina, halika ka na. Nagyayaya si Mr Santos may konting salo-salo daw."
"Ah sige." Hindi pa rin maalis ang tingin kay Pia.
Hindi naman kumibo ang kaibigang si Tesa. Napapaisip kasi ito. Nagtataka kung bakit naman bibigyan ni elcid ng mga bulaklak si Pia. Wala ng namamagitan sa dalawa. Ngunit sabagay baka kaibigan na lamang ang turing ng binata dito. Kung tutuusin ay may pinagsamahan naman ang dalawa.
Napansin niyang parang nawalan ng sigla si Fina.
"Cheer up na friend. Hayaan mo ipapabili kita ng bulaklak kay Tristan! Mas madami pa sa rosas na iyon!" Gustong palubagin ni Tesa ang lungkot na nakikita sa kaibigan. Nasasaktan kasi ito para sa kanya.
Parang may kakaiba sa mga kilos ni Pia naisip ni Tesa. At naalala niya kaninang sila ay umalis ng silid ay wala naman sa tabi ng bag ni Fina ang bag nito. At nagpaalam ang dalaga na may nakalimutan daw ito sa silid kaya nga ito nahuli at hindi nakasama sa pagtanggap ng award. May hinala siyang palabas lamang ito ng dalaga upang ipabatid kay Fina na espesyal parin ang trato ni Elcid dito. Gusto nitong inggitin ang kaibigan niya. 'Humanda ka Pia ka! Malalaman ko rin kung ano ang palabas mo!' Sabi nito sa isip.
Hindi na lamang sinabi ni Tesa ang kanyang mga haka-haka tungkol kay Pia sa kaibigang si Fina. Wala pa naman siyang ebidensiya at kailangan niyang malaman mismo kay Elcid kung siya nga ba talaga ang nagbigay ng bulaklak na iyon kay Pia. Lalakasan niya ang kanyang loob na tanungin si Elcid. Para iyon sa ikatatahimik ng loob lalo ng kaibigan niya. Hindi naman ang tipo ni Elcid ang magsisinungaling. Kung siya man ang may bigay ng bulaklak kay Pia wala namang kaso iyon. Gusto lang niya itong malaman para maklaro ang kanyang isipin.
Nagtungo sila sa isang kainan na animo ay bahay kubo. Umarkila na lamang si Mr Santos ng isa sa mga naka standby na Jeepney sa tapat ng kanilang campus upang sabay-sabay na silang makarating doon kasama ang mga banda at ang mga kasama sa Sayaw. Sumama rin si Miss Bea. Hindi naman sumama si Pia sa kanila. Akala kasi nito ay hindi makakasama si Elcid dahil nauna na itong nagpaalam kanina. Kaya hindi na lamang siya sumama at idinahilan na may party silang dadaluhan ng kanyang Tita Maribel.
Nagsibabaan na ang lahat sa sasakyan at pumasok na sa compound. Malaki ang kubo na iyon. May mga nakahanda ng pagkain para sa kanila. Ngayon lamang nakarating si Fina sa lugar na iyon. Para itong private property kung tutuusin. May mga ibat-ibang puno ang nasa paligid nito gaya ng mangga, caimito, chiko at niyog. Napakapresko doon at may duyan pa sa may kalapit na maliit na kubo.
Sinalubong na sila ng mga taong naroroon. Kinausap naman ni Mr Santos ang matandang babae na sumalubong sa kanila.
"Magandang araw ho! Ako po si Mr Santos at kami po ang mga kasamahan ni Elcid." Pagpapakilala ng teacher.
"Halika kayo at tumuloy na sa kubo. Inihabilin na kayo ni Elcid. Nakahanda na ang pagkain at maari na kayong magsimula."
"Sir, you mean Elcid prepared this for us?" Tanong ni Tristan.
"Ah Oo, kinausap niya ako kanina bago pa ang award ceremony. Sabi niya manalo o matalo magsalo-salo daw tayo. Kaya missing in action din siya kanina." Sabi pa ng teacher.
"Nasaan nga po pala si Elcid?" Tanong ni Mr Santos sa matandang babae.
"Umuwi lang sandali at baka pabalik na rin iyon. Bilin niya pagdating niyo magsimula na kayo at huwag niyo na siyang hintayin." Sabi ng matanda.
"Heto talagang si Elcid napaka unpredictable ano? Ang bait naman niya para magpahanda pa ng ganito. Parang gustong magpa-impress!" Sabi pa ni Tesa at tumigin kay Fina.
"Kaya naman niya. Kaya naman niyang bayaran ang lahat ng pagkain na yan kasi mayaman siya. At sorry na lang siya hindi sumama ang babaeng gusto niyang ma-impress." Walang ngiting sabi ni Fina.
"Seryoso friend?! Tsk! Tsk! Naku huwag kang masyadong magreact ng ganyan baka masanay ka. Hindi ka pa nagkaka-boyfriend bitter ka na kaagad!" Sabi pa ni Tesa.
Umismid naman ito sa kanya.
"okay guys halika na kayo let's eat." Sabi ng teacher. Lumapit na ang lahat nagsipagkuha na ng pagkain.
Nang makakuha ng pagkain sina Fina naupo naman sila sa isang long table kasama ang iba pa. Napansin naman ni Mr Santos ang pagdating ng isang sasakyan.
"Heto na yata si Elcid." Sabi nito.
Dumating na nga ang binata at mukhang bagong ligo pa ito. Sinalubong naman siya ni Carlo at inaya ng kumain. Tumuloy siya sa long table kung saan nakaupo na ang lahat.
Nakatuon naman ang atensyon ni Fina sa kanyang pagkain at pilit inignora ang pagdating ni Elcid.
Kunut noo namang nakatitig ang binata sa dalaga. Hinahanap nito ang bulaklak na inaasahan niya ay bitbit ng dalaga. Ngunit bakit walang bulaklak na dala si Fina? Siguro ay iniwanan lang nito iyon sa Jeep na kanilang sinakyan. Sagot naman ng isip niya.
"Elcid saluhan mo na kami. We all deserve a feast like this. Thanks sayo ha. You're so thoughtful." Sabi naman ni Miss Bea.
"Wala pong anuman. We all work hard for it kaya deserve po nating lahat ito." Sagot naman niya ng walang kapreskuhan.
Kumuha na siya ng makakain at pinaupo naman siya ni Tesa sa tabi nito. Napalagitnaan na si tesa nina Fina at Elcid. Bago pa makaupo si Elcid ay binati pa si Fina. Tumango lamang ang dalaga at walang kangiti-ngiti. Habang kumakain ay nagkukwentuhan naman sina Tesa at Elcid.
"Fina do you like dessert?" Tanong ni Tristan.
"Sure." Sagot niya.
Nang akmang tatayo na si Tristan ay tumayo na rin siya upang sumama sa binata.
Napahinto naman si Elcid sa pagsubo ng pagkain at sinundan ng tingin ang dalawa. Hindi tuloy niya narinig ang tanong ni Tesa.
"I'm sorry Tesa, ano na nga ulit ang tinatanong mo?" Balik tanong nito. Naudlot naman ang gustong itanong ng dalaga sa biglaang paglapit ni Mr Santos at kinausap si Elcid. Hindi na siya nilubayan ng teacher kaya kukuha na lamang siya ng pagkakataon na matanong si Elcid bago sila maghiwa-hiwalay mamaya.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.
