Nagmano si Fina sa nanay ni Tesa at ganun din si Elcid. Ipinakilala naman ni Tesa si Elcid sa kanyang Nanay.
"Nay si Elcid po pala ka-schoolmate namin. Bandmate naman siya ni Fina." Pagpapakilala ng dalaga.
"Kumusta po kayo?" Bati ng binata.
"Mabuti naman salamat. Aba'y kaygwapo naman ng batang ire!" Puna ng ina ni Tesa.
"Nay huwag niyo po masyadong iparinig yan kay Elcid, baka mamihasa po!" Pagbibiro naman ni Tesa.
Ngiti lamang si elcid at kakamo-kamot sa ulo dahil sa hiya.
"Teka Tesa kukunin ko lang yung mga prutas mo sa trunk." Kapagdakay sabi nito."Hindi na ba kayo tutuloy sa loob para makapag palamig man lang Fina?" Tanong ng ina ni Tesa.
"Hindi na ho Nay. Tutuloy na rin po kami medyo pagod na po sa haba ng araw."
Pagtanggi naman ng dalaga.Pagbalik ni Elcid ay bitbit na nito ang mga prutas. Iniabot na iyon kay Tesa. Nagpaalam na ang dalawa sa mga ito.
"Elcid, salamat sa paghatid. Ingatan mo ang kaibigan ko ha?" Bilin pa nito sa binata.
"Oo naman." Simpleng tugon nito.
"Bye bestfriend, peace tayo ha?" Sabi pa ni Tesa.
"Ewan ko sayo..." Sabi na lamang ni Fina.
Patungo na sila ni Elcid sa sasakyan at pinagbuksan siya nito ng pintuan sa harap ng passenger seat. Kinakabahan na naman si Fina. Ngunit hindi na lamang siya nagpahalata sa binata.
Sumakay na siya at nagpasalamat.Wala namang kibo ang lalaki. Naka-focus lamang ito sa pagmamaneho. Ngunit hindi na napigilan ni Elcid ang katahimikan na namamagitan sa kanila ni Fina.
"Okay ka lang ba Fina?" Tanong nito.
"Oo okay lang."
"Ahhmm.. alam mo pinakukumusta ka nga pala ni Nanay Pasing. Hindi ka na daw kasi niya nakita pagkatapos ng dinner sa bahay. Gusto ka yata niyang bigyan ng kanyang mga tanim na Orchids."
Walang ibang paksang alam pagusapan si Elcid kaya ng maalala niya ang sinabi ng kanyang tagapangalaga ay iyon ang naisip niyang sabihin."Naku nakakahiya naman. Pakisabi huwag na. Pero salamat, at pakikumusta mo na rin ako sa kanya." Sabi naman ng dalaga.
"Sige makakarating."
Fi-Fina, pwedeng magtanong?" Sabi ng binata."Ha? Ano yun?"
"Galit ka ba sa akin?"
"Galit? Bakit naman ako magagalit?"
"Ah wala naman, akala ko kasi galit ka sa akin. Naisip ko kasi baka may nagawa akong hindi mo nagustuhan."
"Ha???! Wala naman akong dahilan para magalit. Pwera na lang siguro kung may nagawa ka talagang hindi ko nagustuhan diba?"
Nang masabi ni Fina ang mga katagang iyon ay bigla siyang nagsisi kung bakit lumabas iyon sa bibig niya. Napakagat na lamang siya sa labi at kunway tumingin sa labas ng bintana upang hindi mahalata ni Elcid ang panghihinayang niya sa sinabi. Naisip tuloy niya na para siyang isang girlfriend na nagseselos. Pero totoo namang nagseselos siya. Pero kailangan bang ipaalam niya ito kay Elcid? 'Fina pinahamak mo pa ang sarili mo.' Sa takbo ng isip niya.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.