Chapter 25.1

657 28 1
                                        

Kaybilis lumipas ng mga oras ng araw na iyon. Pagkatapos ng parada ay nagsitipon na ang lahat sa kanilang school gym. Naroon na rin ang banda at handa ng tumugtog. Pagkatapos ng opening prayer ng kanilang principal na si Mrs Claire Belmonte ay sumunod naman ang pagbibigay respeto sa bandila ng Pilipinas at inawit ang Lupang Hinirang.

Habang nasa saliw ng awit ng Lupang hinirang ang lahat sa may backstage naman ay naghihintay na ang grupo na sila'y tawagin na at ipakilala. Hindi na naman mapakali si Fina at pinag-lalabanan ang stage fright nito. Lumayo muna ito sa mga kasama para mapakalma ang sarili. Ayaw kasi nitong hawaan ang mga kasama sa nerbiyos niya. Palakad-lakad na naman ito. Muntik pa itong mapatid sa isang chord na nakaharang sa kanyang harapan.
Bago pa siya matapilok ay maagap siyang sinalo ng mga bisig ni Elcid. Napahawak ang dalaga sa mga braso nito.

"Fina, are you okay? Stage fright attack?" Tanong ni Elcid.

Napatingin siya ng deretso at napatitig sa binata sabay tango ng dalaga.

"Here, drink this." Inabutan siya ni Elcid ng bottled water na dala nito.

Hindi na niya ito tinanggihan. Sobrang tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan dahil na rin sa kakabuntung hininga ng napakalalim. Walang hiya-hiya niyang nilagok  ito ng deretso sa harapan ni Elcid hanggang sa maubos ang laman ng botelya. Pagkatapos niyon ay kasabay ang pagbuga ng hangin sa bibig. Nasa harapan parin niya si Elcid.

Walang kakurap-kurap itong nakatingin lamang sa kanya ng may ngiti sa mga labi. Hindi kasi lubusang maintindihan ni Elcid si Fina. Nanibago siya sa inakto ng dalaga. Minsan kasi ay napakatahimik nito. Napaka unpredictable ng mood nito. Pero natuwa siya dahil hindi siya nito winalang bahala. Hindi kagaya kanina sa loob ng kanyang sasakyan ay sobrang tahimik ito na parang walang kasama.

"Feel better?" Kapagdaka ay tanong ng binata.

"Yes, salamat ha." Tipid at nahihiyang ngiti naman niya sa binata.

"Walang anuman." Inilahad nito ang kamay para abutin kay Fina ang pinaginuman nito.

Nang maiabot na ng dalaga ang botelya ay kinuha ni Elcid ang mga palad ng dalaga. Inilakip doon ang panyo ng binata.

"Wipe your mouth and your face. Pinagpapawisan ka na sa kaba. Just inhale- exhale! You can do this." Sabay bulong nito sa tenga niya at pinisil pa ang mga palad nito. Iniwan na siya ng binata upang mapag-isa ng sandali.

Natulala naman si Fina sa napakalambing na pag-aalala ni Elcid. Bakit ba may bahagi ng puso niya ang madaling mahaplos ng binata. Sa mga simpleng bagay na ginagawa nito. Pero para sa kanya ay napakahalaga niyon. Ayaw niyang maramdaman na apektado siya nito. Pero hindi niya minsan kayang sukilin ang nararamdaman.
'Oh Elcid, please don't make me fall for you over and over again.' Sabi ng isip niya.

Sumunod na rin siya sa binata pagkaalis nito upang daluhan ang mga kasama.
Pagkatapos ng pambansang awit ay ipinakilala na sila ni Mr Santos bilang announcer sa araw na iyon para sa kanilang performance.

"Ladies and gentlemen. The pride and joy of San Jose High please welcome the undefeated SJ Medleyyyyy!!!!!"

Sabay-sabay na silang lumabas at pumwesto na si Fina sa gitna ng entablado. Hawak pa rin nito sa kanyang mga kamay ang panyo na iniabot ni Elcid kanina. Nakita naman ni Elcid na pinahiran pa ulit ng dalaga ang noo nito ng kanyang panyo at hindi maiwasang mapangiti. Para siyang kinikilig ng hindi niya mawari.

Sumenyas na si Elcid at tuluyan ng pumaimbabaw ang saliw ng musika.
Sigawan ang lahat ng mga estudyante at iba pang mga bisita. Nagulat si Fina sa dami ng nanonood. Hindi niya akalain na dinayo ng mga bisita ang kanilang school para lamang makadalo sa kanilang Intrams. Pinayagan kasi ang mga estudyante na maaring magpapasok ng mga kamag-anak o kaibigan basta lamang may mga visitors pass ang mga ito. Gusto kasing siguraduhin ng Faculty  ang kaayusan ng Intrams at ayaw nilang buksan ang eskwela sa publiko para na rin sa seguridad ng mga mag-aaral. May mga inimbitahan ding mga guro sa mga karatig bayan upang maging hurado sa mga patimpalak.

Hindi magkamaliw sa tuwa ang mga estudyante. Sumasabay pa sila sa awitin ni Fina na 'Don't speak' ng popular na bandang No Doubt. Nawala na ang kanyang kaba sa mga sandaling iyon. Naaaliw siya na makita ang mga estudyante na sumasabay sa kanyang awitin. Ang pag-awit kasi ang isa sa mga passion ng dalaga.
Ngunit bigla niyang naisip na malapit na siyang umalis sa grupo sa sandaling panahon. Naramdaman tuloy niya ang pagdadalawang isip. Aalis nga ba siya? Kailangan ba? Kung aalis siya parang inamin na rin niya sa kanyang sarili na siya ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Pia at Elcid. Pero bakit niya hahayaang maapektuhan siya ni Pia sa mga bagay na gusto niyang gawin? Ngunit makakabuti iyon sa kanyang katahimikan. At mas mabuti na rin na tuluyan niyang maiwasan si Elcid. Makabubuti iyon para sa kanyang damdamin. Isasalba niya ang kanyang sarili bago pa siya tuluyang masaktan.

Pilit iwinaksi ni Fina ang mga bagay na iyon na biglang pumasok sa kanyang isip. Sa oras na iyon gusto niyang maging masaya at ang ma-enjoy ang kanyang performance. Saka na lamang niya iisipin kung kailan ang tamang pagkakataon para sabihin sa buong grupo ang kanyang pamamaalam.

Pagkatapos ng isang kanta ay sinundan pa ito ng dalawa pa. At ang huling inawit ni fina ay kanyang Female version na awitin ni Ariel Rivera na 'Sa aking puso'. Hinayaan ni Fina na anurin siya ng awitin. Napagawi ang kanyang tingin kay Elcid. May ngiti sa labi ng lalaki at kinindatan pa siya nito.

Hindi naman maiwasang hindi kiligin ng dalaga at pakiramdam niya ay namumula ang kanyang mga pisngi sa ginawa ng binata. Nakita rin niya sa may babang bahagi at harapan ng stage ang kanyang kaibigang si Tesa. Napakalawak ng ngiti nito. Alam niyang nakita ni Tesa ang ginawa ni Elcid. Nag-thumbs up pa ito sa kanya. Nang matapos ang awitin palakpakan ang lahat.

Inabot na ni Mr Santos ang mic. Nagpasalamat ito sa banda. Umuungot pa rin ang mga estudyante na kumanta pa ang mga ito. Ngunit may mga aktibidades pa na gaganapin sa araw na iyon isa na rito ang kanilang Sayaw sa Bangko.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon