Mula ng gumawa siya ng paraan upang magkalapit si Elcid at Lani, unti-unti nabawasan ang pagsasama nilang tatlo. Madalas ay lagi niyang nakikita ang dalawa na magkasama, nagtatawanan at masaya. Hindi maiwasan ni Fina ang magtampo sa mga ito. Akala kasi niya ay itinuring siyang tunay na kababata ni Lani. Hindi siya manhid para hindi maramdamang iniiwasan siya ng mga ito at nais na masolo ang isat-isa..
Isang araw pagkatapos ng kanilang klase, napansin niyang nagmamadaling lumabas ng kanilang classroom si Lani. Hinabol niya ito.
"Lani! Lani!!!". Tawag sa kababata. Halos hangos siyang habulin ito.
"Uuwi ka na ba?"
"Sabay na tayo." Sabi ni Fina.Alanganing sumagot si Lani.
"Sorry Fina, hindi pa ako uuwi. "Dadaan pa ako gym". Na parang nainis pa ito sa kanya.
"Ah ganun ba?" Pagwawalang bahala na lamang ni Fina. Hinihintay niyang imbitahan siya nito sa pupuntahan. Dati rati kasi ay sabay-sabay silang tatlo nina Elcid nagpupunta sa school gym upang samahan ang lalaki sa kanyang pagparatcice ng basketball. Ngunit pansin niya na ayaw siyang makasama ng kababata.
Hindi na rin ito sumasabay sa kanya sa paglalakad umuwi. At hindi lingid sa kanya kung bakit.
Madalas itong dumiretso sa kanilang school gym pagkatapos ng klase.
Minsan ay sinundan nya ito ng lingid sa kaalaman ng kababata. Hindi na siya nagulat ng nalaman na si Elcid ang pinupuntahan niya doon. Ngunit hindi niya maiwasang masaktan dahil hindi naman kailangang itago ni Lani sa kanya kung may espesyal din siyang pagtingin para kay Elcid. Itinuring nya kasi itong hindi iba sa kanya. Kapatid na rin kung tutuusin. Ngunit hindi pala ganun ang turing sa kanya ni Lani. Ipinararamdam kasi nito na hindi sila magkaestado sa buhay. Lalo na ngayon na mas malapit na siya kay Elcid.Hindi naman mayaman sina Lani. May negosyong palabigasan ang kanyang Ina sa Bayan ng San Jose. At number one supplier nila ang mag-asawang Thomas at Miranda Villaflor ang mga magulang ni Elcid.
Masakit man ay pinilit ni Fina na ilayo ng tuluyan ang sarili sa dating mga kababata. Itinuon niya ang kanyang sarili sa pag-aaral. Sumali din siya sa binuong Choir ng kanilang section para sa mga ginaganap na misa sa tuwing unang Linggo ng buwan sa kanilang eskwelahan. Napilit siya ng mga ito at nakiusap na rin ang isa pang paborito niyang guro na si Maam Bermudo. At pumayag na rin siya kapagdaka. At sa ganoon ding paraan unti-unti na siyang nasanay na hindi na siya kabilang sa mundo ni Elcid at ni Lani.
Ngunit hindi parin niya tuluyang maiwasan si Elcid. Ito kasi ang napiling sakristan ng pari para sa gagawaing misa sa kanilang eskwela. May mga pagkakataong nagtatagpo ang kanilang tingin nga tingin. Nginingitian siya nito sa tuwina, ngunit lagi namang paiwas ang kanyang tingin.
Alam kasi niyang may mga pares ng matang laging nakamasid sa kanya. At walang iba kundi si Lani.Isang araw ng linggo pagkatapos ng misa sa eskwela ng araw na iyon, hindi napansin ni Fina ang paglapit ni Elcid.
"Hi Fina! Kumusta kana?" Bati ng dating malapit na kababata.
Pinilit niyang ngumiti ngunit hindi kay Elcid nakapako ang kanyang tingin. Kundi sa nakasimangot na si Lani na nasa di kalayuan."Ok naman". Tipid niyang sagot kay Elcid at hindi makatingin sa mga mata ng kababata. Batid ng bawat isa na parang may tension na namamagitan sa kanilang dalawa.
"Fina may gusto sana akong ipaalam sayo." Sabi ng batang lalaki.
Napansin nitong parang malungkot ang mga salita ni Elcid. At parang wala ring sigla ang kanyang mga mata ng mapatingin dito.
Biglang kinabahan si Fina sa itinakbo kaagad ng kanyang isip. Inaasahan kasi niya na sasabihin ni Elcid na nagkakamabutihan na sila ni Lani.
Ngunit hindi naman iyon kaila sa mga ikinikilos ng dalawa. Ngunit iba parin kung si Elcid mismo ang magsasabi sa kanya. Kahit paano ay may kirot siyang naramdam sa isang bahagi ng kanyang dibdib.
"Fina, gusto ko sanang malaman mo na.." Pagpapatuloy ni Elcid. Ngunit naputol ang gustong sabihin ng biglang lumapit na sa kanila si Lani.
Walang kiming umabresyete ito kay Elcid at sinabing naghihintay na ang kanilang driver at gusto na nitong magpahatid kay Elcid.
"Sige Elcid, mukhang kailangan mo na palang samahan si Lani." Pagtatapos niya sa kanilang paguusap.
Hindi niya maiwasang hindi isipin kung ano ang gustong ipaalam ni Elcid sa kanya. Hindi na laman niya ito binigyan ng pansin. Hindi naman siguro ito ganun kaimportante.
-o-
Huling buwan ng pasukan, nalalapit na ang pagtatapos ni Fina sa ikaanim na baitang sa Elementarya. Narinig na lamang niya sa isang team mate ni Elcid sa Basketball ang balita na bigla na lamang lumuwas ang buong pamilya ni Elcid sa Maynila. Ayon sa isang ka-team ni Elcid na si Duffy bigla raw ang pagalis ng mga ito sapagkat ipinatawag daw ng kanyang lolo sa Ama ang kanyang mga magulang upang dalidali itong lumuwas ng Maynila. Mahina na raw kasi ito at nais nang kaniyang lolo Ignacio na makipagayos sa anak na lalaki.
Sa kwento ng mga taga San Jose ipinagkait kasi nito ang yaman dahil hindi pabor ang kanyang lolo sa ina ni Elcid. May iba itong napipisil na mamanugangin para sa ama. Ngunit ipinaglaban ng kanyang ama ang pagibig sa kaniyang ina. Kapalit naman nito ay ang pagdadamot sa kayaman ng kanyang lolo.
Kinabukasan maagang pumasok si Fina sa eskwela. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Ayaw niyang maniwala na umalis na si Elcid. Kaya pilit niyang inabangan ito. Mula sa kanyang silid aralan ay tanaw niya ang malapit na gate. Una narin niyang pinuntahan ang school gym na madalas tambayan ng kababata. Ngunit wala ito roon.
Halos magkandahaba na ang kanyang leeg kahihintay sa pagpasok ni Elcid sa gate. Ngunit lumipas ang maghapon hindi niya nakita ang kababata. Napansin din niyang hindi rin pumasok si Lani sa kanilang klase sa araw na iyon.
Hindi niya maiwasang hindi magalala para kay Elcid. Nung huli kasi silang magusap ay may gustong ipaalam ang kababata.
"Sana ok lang siya".. Bulong sa sarili.
"Pero bakit hindi man lang siya nagpaalam sa akin kung totoong umalis na siya?" Tanong sa sarili.Siya na rin mismo ang sumagot sa sariling tanong.
"Bakit ikaw ba si Lani.?" Kasabay ng pagbuntung hininga...
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.