Chapter 36.1

570 23 2
                                    

Lumipas ang maghapon pilit kinalimutan ni Fina ang naging usapan nila ni Elcid kanina sa library. Pagkagaling niya roon ay dumeretso na siya kaagad sa kanilang classroom. Nadatnan na niya doon si Tesa at tahimik na umupo ang dalaga sa tabi ng kaibigan.


"Bestfriend, kumusta naman?" Tanong ni Tesa.

Tumingin lamang si Fina sa mga mata ng kaibigan at walang mga salitang sinabi.

Nakuha naman ni Tesa ang ikinilos ng kaibigan. Hinayaan na lamang muna niya si Fina na respetuhin ang pananahimik nito.


"Fina, kung kelan ka handang pag-usapan alam mong nandito lang ako ha?" saad pa ni Tesa.

"Ano ka ba Tesa, hindi naman katapusan na ng mundo." Birong sagot na lamang niya sa kaibigan. Makinig na lang tayo ng lecture mas maigi pag-aaral ang asikasuhin natin. Pabirong sabi sa kaibigan. Ngunit sa loob-loob ni Fina ay walang katumbas na sakit ang kanyang nadarama. Parang may aspili na unti-unting tumutusok sa puso niya tuwing maaalala niya ang katagang sinabi ni Elcid. "Hanggang dito na lang muna tayo Fina".

Natulala na naman siya at ipinilig ang isipin. Ayaw na niyang balikan ang tagpong iyon sa isip niya. Ang mahalaga ngayon ay ang bigyan niya ng atensiyon ang mga mahalang bagay sa buhay niya. At iyon ay ang pag-aaral niya at paghandaan ang kinabukasan niya. At ang damdamin niya para kay Elcid? Kakayanin niyang huwag na itong bigyan ng pansin. Sinabi na lamang niya sa kanyang sarili na may  mga bagay talagang hindi mo maipipilit kung hindi talaga pwede. Lalo na kung magkaiba ang mundong ginagalawan niyong dalawa. Yun na lamang ang paalala niya sa kanyang sarili.


Pauwi na sila ni Tesa ng hapong iyon ng habulin sila ni Tristan.


"Finaaaa!!!! Pagtawag nito at hangos ng maabutan ang dalawa.


"Tristan kung makatawag ka naman parang may sunog!" sabi ni Tesa.


"AH sorry..." Kakamot-kamot na sabi ng binata at hinarap si Fina.

"Fina nakapagset na nga pala kami ng meeting para sa Ilocos trip natin. Sa isang linggo na iyong trip natin kaya just to finalize everything,  sa Thursday na natin pag-usapan ang lahat to review our checklist. At nasabi ko na rin pala sa lahat."

"Okay." simpleng sagot naman ng dalaga at pilit ngumiti.


Hindi naman iyon nakaligtas sa binata. Napansin kasi niyang kanina pa matamlay ang dalaga ng nasa silid aralan pa sila.

"Parang hindi ka naman excited ah? Dahil iiwanan mo na kami sa banda kaya hindi kana masyado excited sa trip ganon ba yun?" Pabirong sabi pa ni Tristan.


"Hindi naman sa ganon. Pagod lang siguro ako Tristan." Sagot naman ni Fina sa binata.

Nagkatinginan naman sina Tesa at Tristan at nagkaintindihan ang dalawa. Batid nilang mag pinagdadaanan si Fina. Ano man iyon ay maghihintay silang si Fina ang magsabi. Hindi naman namalayan ng tatlo na padaan si Elcid kung saan sila naroroon.


"Hey Bro!" Tawag naman ni Tristan sa binata. Kinawayan niya ito para lumapit ka kanila. Tumalima naman si Elcid kahit nakaramdam ito ng pagkaalangan ng makalapit sa tatlo. Hindi siya makatingin kay Fina. At iwas tingin din naman ang dalagang si fina. Nag-usap pa ang dalawang binata ng kaunti.

Batid ni Tesa na gusto ng umalis ni Fina sa pagiging tahimik nito. Kaya siya na mismo ang nagsalita para magpaalam sa dalawang binata.

"Tristan, mauuna na kami ni Fina ha, baka kasi di kami makaabot sa last trip." Paalam ni Tesa.

"Ganoon ba, idadaan ko na kayo." Pagmamagandang loob naman ng binata.


"Naku huwag na siguro. Meron pa naman kaming masasa......"

"Sige Tristan, kung okay lang sayo pwede mo ba kami idaan sa bahay? May niluto nga pla kami ni Nanay na kakanin para makapag-uwi ka rin para sa Mommy mo." Biglang sabat naman ni Fina at hindi na natapos ni Tesa ang sasabihin.


Kitang kita rin ni Tesa ang biglang pagbago ng reaksiyon  ng mukha ni Elcid. Pagkasabi niyon ng kaibigan. Naging seryoso ito at matiim ang pagtitig kay Fina. Parang balewala lamang naman kay Fina ang presensya ni Elcid.

"Sige ba!" Masayang ayon naman ni Tristan. Sinakyan na lamang niya ang kaibigang si Fina dahil malakas ang pakiramdam niya na may kinalaman kay Elcid ang mga bagay na ikinikilos nito ngayong araw.


"So halika ka na?" Pagyaya na ni Fina.

"Ah-eh sige! Sige! Bro mauuna na kami sayo." Paalam naman ni Tristan kay Elcid.

Tumango lamang ang binata at hindi parin naaalis ang tingin kay Fina.


Nauna naring naglakad si Fina at sumunod na rin ang dalawang kaibigan.

"Fina, i hope okay lang kay Elcid ang paghahatid ko sayo?" Biglang tanong ni Tristan.


"Bakit naman hindi?" Sagot ng dalaga.


"Kasi girl kung nakita mo lang yung reaksiyon ni Elcid kanina baka hindi ka na makapag-'Bakit naman hindi diyan'?" Sabat naman ni Tesa.


"May problema ba kayo ni Elcid?" Tanong pa ng binata.


"Problema? Bakit naman kami magkakaproblema? Ano bang meron?" Patuloy pa rin ang pagmamaang -maangan ng dalaga.


"Fina my friend, kilala ka na namin ni Tristan. If there's something wrong we know, because your actions speaks louder than your words!" Sabi pa ni Tesa.


"Thats true. Fina if there's anything we can do for you, let us know. We're your friends." Dugtong naman ni Tristan.


"Alam niyo kayo, masyado na kayong OA! I'm fine! I'm alive and breathing! Thats all that matters!"Nakukulitang sabi ng dalaga.


"Okay, if you say so. whatever it is, we know you got it. Ikaw pa! Ikaw yata si Miss Serafina De Jesus, ang pinaka- optimistic and pinaka- positive person na nakilala ko sa buong buhay ko." Ngiting sabi pa nito.


"You know guys, i thank you both for your concerns. Just let me be. Ibigay niyo na sa akin ang araw na ito. I promise it will be okay tomorrow." Seryosong pakiusap naman ng dalaga. Umayon naman ang dalawang kababata nito.


Sa kabilang banda ay naroroon si Elcid. Tulala sa loob ng sasakyan. Alam niyang wala siyang karapatang magselos. Ngunit parang pinipiga ang puso niya tuwing maiisip niya na magkasama ang dalaga at ni Tristan. Lalo na kung makapagsolo pa ang mga ito sa loob ng sasakyan. Naisip niyang siya dapat ang naroon sa tabi ni Fina hindi si Tristan. Ngaun ay naging malaking pangamba sa kanya ang bagay na ito. Naisip niya si Tristan, alam niyang noon pa man ay malapit na ito kay Fina bago paman siya bumalik sa buhay ng dalaga. Naisip niya na baka ituloy pa rin ng binata ang panliligaw nito. Kahit alam niyang noong una pa lamang ay tinanggihan na ito ni Fina. Hindi naging kumportable ang kanyang pakiramdam sa isiping iyon. Ngunit ano pa ang kailangan niyang gawin, nakausap na niya si Fina. At sa tono ng pananalita nito ay alam niyang nasaktan niya ang dalaga. Pakiramdam nga niya ay parang binabalewala na siya ng dalaga. Gusto man niyang magsisi at bawiin ang sinabi huli na ang lahat. Pero gusto pa ring maniwala ni Elcid na may pag-asa parin ang pagmamahal niya kay Fina sa darating na mga panahon.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon