Halos liparin ni Elcid sa pagmamaneho ang daan patungo sa kanilang bahay. Mag-aalasiyete na kasi ng gabi at ayaw na ayaw niyang male-late sa dinner. Alam kasi niya makakarinig na naman siya ng sermon sa kanyang ina. Hindi na siya nakapasok sa huli niyang klase sa hapon dahil dumaan pa siya sa practice ng bandang kelan lang niya sinalihan. Siya kasi ang kinuhang drummer dito. Mabilis siyang natuto sa instrumento dahil narin sa ibinili siya ng kanyang Papa ng instrumentong ito noong nakaraang kaarawan niya. Nagenroll din siya ng summer class para dito.
Sa halos magtatatlong taong nakalipas mula ng lumipat sila sa maynila, hindi lumaon ay nakasanayan na niya ang buhay doon.
Pinilit niyang libangin ang sarili sa ibang paraan mula ng hindi na siya makapaglaro ng basketball. Ilang beses kasi siyang nahuli ng kanyang mama na nagsisinungaling tuwing magpapaalam na pupunta sa mga kaibigan at pupunta lamang ng mall para mamasyal.
Hanggang sa nagsawa na rin siya kakasermon ng kanyang Mama kaya siya na mismo ang tumigil kahit labag ito sa loob niya.
"Sir, pinapatawag po kayo ng inyong Mama." Sabi ng kanilang kasambahay. Bago pa siya makapasok sa kanyang silid.
"Bakit daw?"
"Hindi ko po alam Sir."
"Basta ang bilin lang po ni Maam, puntahan niyo siya sa study room pagkadating na pagkadating niyo."Kinabahan tuloy si Elcid.
Hindi mapakali sa pagiisip kung ano na naman ang nadiskubre ng kanyang Mama sa mga pinag gagagawa niya.Sumunod naman siya sa sinabi ng maid.
Kumatok siya sa pinto at pinihit ang seradura.
Nadatnan ang ina na nasa upuan ngunit nakatalikod sa kanya.
"And where have you been?"
"Sa s-school Mama."
"Are you sure?"
Hindi siya nakaimik. Alam na kasi niya na may alam na ang kanyang Mama sa mga kapalpakang nagawa niya.
Pinihit nito ang upuan at Humarap sa kanya. Nanatili sa kinauupuan nito.
"Elcid, can i ask you something?"
Mahinahon pa nitong tanong."What is it Mama?"
"Gusto mo pa bang mag-aral?
"Makatapos?" "Magcollege?""Of Course Mama." Tugon niya.
Ngunit bigla na lamang ibinagsak sa harapan niya ang isang sulat na galing sa eskwelahan niya. Kasama rin nito ang mga report cards niya na may pulang marka na indikasyon na bagsak ang grado niya.
"Then how do you want to explain this?!!!!!" Galit ng sigaw ng kanyang Mama.
"All this time, hinayaan ka namin ng iyong Papa to do what you want!" "Maliban na lang sa basketball mo!"
"We gave everything you need!"
"Tapos eto??!"
"Malalaman ko na lang na bagsak ka sa ibang mga subjects mo?!""And today, saan ka nanggaling?!"
"I went to school Mama." Sagot niya.
"And then where?!"
"Hindi mo pinasukan ang last subject mo hindi ba?!""Your teacher called here and they where looking for you!" "Did you forget na may school protocol sila sa mga estudyanteng hindi sumisipot sa mga subjects?"
"And this wasn't the first Elcid!"
"Do you think im stupid na hindi ko malalaman ang mga kalokohan mo?!" "Or do you think your smarter than me?!"
Gigil na gigil na ang kanyang ina sa galit.Nakayuko lamang si Elcid. Tinanggap lahat ng sermon at galit ng ina.
"I am so disappointed Elcid."
"This time hindi na ang iyong Papa ang masusunod!"
"And he will not be happy knowing all of this." Banta ng ina.
"I want you to not leave this house until i say so!"
"But Mama!" Protesta niya.
"But what?!" "No buts..."no malls, no phone calls, no bands and no meeting friends!"
Understand?! Mariing sabi nito."And you better start packing your things."
Kinabahan tuloy si Elcid. Palalayasin naba siya ng kanyang ina?
"I've already talk to your Tita Claire. You're going back to San Jose!" Pagdedeklara nito.
"What????"
"Pero Mama?!" Protesta ulit niya.
"After i got used to living here in Manila now. Ngayon mo pa ako ipapadala sa San Jose?! Why do you want me to go back there? My friends are here!""Ganyan na ganyan ang sinabi mo dati! That your friends are there in San Jose."
"Hindi ba yun ang gusto mo dati? Halos kaladkarin mo nga ako pabalik ng San Jose! And now that im sending you back ikaw naman ang may ayaw?!""Elcid! Grow up! At your age you should start thinking what you really want."
"Now get your act together because whether you like it or not you will go back to San Jose!!!" Pagdidiin nito.
"Doon mo tatapusin ang highschool at hindi ka babalik ng Manila hanggat hindi kapa nakatapos." Intiyendes?!!!"Pwede ka ng bumalik sa kwarto mo!" Pagtatapos ng kanyang ina sa usapan.
Lumabas na nga siya at padabog na isininara ang pintuan.
Napapikit na lamang si Miranda sa desisyong ginawa para sa anak.
All she want is what's best for his son. His only son. She will do everything she can para magkaroon ng direksyon ang buhay nito.Pagpasok ni Elcid sa kwarto niya, pinagsusuntok niya ang mga unan sa kama. Sa estado ng desisyon ng kaniyang ina hindi na ito mababago pa. Wala itong desisyon na hindi nabali.
Sa kabilang banda naisip niya bigla ang sinabi ng kanyang ina na pagbalik sa San Jose.
Parang may naramdaman siyang pananabik. Naisip din niya na baka manibago siya. Marami na rin kasi siyang hindi kilala doon maliban na lamang sa mga dati niyang kakilala noong nasa Elementarya pa siya.Biglang bumalik sa kanyang alaala si Fina. Ang napakabait na si Fina.
"Kumusta na kaya siya?"
"Ano na kayang hitsura nito ngayon!?"At nagbalik sa kasalukuyan.
Naiinis siya, naguguluhan.
Gusto na kasi niya ang buhay sa siyudad.
Pero gaya ng pinal na desisyon ng ina
"Whether you like it or not." Naalala pa ang bawat katagang sinabi nito."I hate this!!!!aarghh!!! Nakadapang pagwawala niya sa ibabaw ng kanyang kama.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomantiekNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.