Chapter 8.1

920 27 1
                                    

Kagagaling lamang ni Fina ng Library at masusing binubuklat nito ang mga Librong hiniram.  Hindi  nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang nilalakaran ng lumiko siya sa isang pasilyo. Siya namang pagliko rin ng nagmamadaling lalaki.

"Ayyyy!!" pasigaw na reaction ni Fina at muntik na siyang matumba dahil sa lakas ng pagkakabunggo sa kanya. Nagsambulatan din ang mga dalang libro.

"Sorry Miss!" Anang lalaki.

Hindi na lamang niya ito pinansin at kaagad pinulot isa-isa ang mga librong nagsambulatan sa sahig.


"Sa susunod kasi magiingat ka hindi naman playground ang pasilyo para magtatakbo dito noh?! Sambit nito sa inis niya. Atubili parin siya sa pagdampot sa mga gamit ng biglang tawagin ng lalaki ang pangalan niya.

Pagtayo niya at pag-angat ng tingin ay muntikan na siyang mahimatay ng makita ang kaharap.

Napatda rin ang lalaki sa pagkakita sa kanya.


"F-Fina? Fina De Jesus???" Kita sa lalaki ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito.

"El-Elcid?" Hindi halos mabanggit ni Fina ang pangalan ng dating kababata sa pagkagulat din nito.


"Yes! it's me Fina!" "Oh God! Kumusta ka na?" "it's been a long time!"
" I can't believe you're here." sabi pa nito.
"Dito ka pala nag-aaral?" "Anong section mo?" Sunod-sunod na tanong ni Elcid.


"Ahm- O-okay naman." Nauutal pa niyang sagot.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Alanganing tanong niya. At sadyang hindi sinagot ang ibang mga tanong nito.


"Ahhh I'm looking for the Principal's Office, Claire Belmonte?"
"Alam mo ba kung nasaan banda yun?" Tanong ng binata na may ngiti sa mga labi. Titig na titig pa rin ito kay Fina.


"Oo nasa may lampas ng D wing." sagot naman niya.


"Fina nagtransfer nga pala ako dito." Pagimporma ng lalaki.


Namilog ang mga mata ni Fina sa sinabi ni Elcid. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito sa ganung pagkakataon at ngayon malalaman niya na sa San Jose High na rin mag-aaral ang lalaki.


"Ah ganun ba?!" tipid na reaksyon ni Fina at hindi nagpahalata sa kabang nadarama.

Hindi siya makahagilap ng iba pang sasabihin sa lalaking kaharap. Kaya minabuti niyang magpaalam na dito.


"S-Sige mauuna na ako, may practice pa kasi kami ng Choir eh."

"Sumali ka rin pala sa Choir dito?" Parang ayaw pa siyang pakawalan ni Elcid sa dami ng tanong nito.


"Ah - Oo."  "Sige Elcid mauuna na ako medyo late na ako sa practice." sabay kunwang tingin sa relo at nagsimula na siyang maglakad ng pagkabilis para makalayo na sa lugar na iyon.


Kunut noo namang naiwan si Elcid. May gusto pa sana siyang itanong kay Fina ngunit parang ayaw siya nitong kausap.


"Anong nangyari dun?" Sabi pa sa sarili.


Nagtungo na lamang siya sa  kanyang sadya.


Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon