Chapter 34.2

504 21 3
                                    

Napabalikwas si Fina ng bangon ng makarinig siya ng tilaok ng manok ng kanilang kapit-bahay. Nakatulugan na pala niya ang pag-iisip kay Elcid. Hindi na rin siya nakakain ng hapunan at mukhang hinayaan na siya ng kanyang ina na makapagpahinga. Sabay ng pagkalam ng kanyang sikmura, dali-dali na siyang bumangon at tumuloy sa paliguan. Habang hinihilod ang katawan ay na kay Elcid parin ang isip niya. Binabalikan ang matamis na halikan na kanilang pinagsaluhan. Napapikit pa siya at sumilay ang mga ngiti sa labi. Nasasabik siyang Makita ang binata, siguradong sa araw na ito ay magkikita na sila ni Elcid. Ngunit naalarma ang kanyang isip na ano kaya ang kanyang mukhang ihaharap sa binata. Nahihiya siya dito, hindi dahil sa hindi niya sinagot ang inilahad nitong damdamin para kanya, kundi ang kanilang matamis na halikan na hindi mawagli-waglit sa kanyang isip.

"Fina, anak?" Napaigtad naman si Fina at tuluyang naudlot ang kanyang imahinasyon. Kinatok na siya ng kanyang ina sa banyo.

"Anak dali-daliaan mo diyan at baka dumating na sina Tesa para daanan ka!" May diin sa boses at paalala ng kanyang ina.

"Opo Nay, matatapos na ho.." sagot naman niya.

"Mauuna na akong umalis, may dadaanan pa ako sa Bayan bago pumasok sa patahian. Sana ay huwag kang masyadong magpagabi mamaya. Kaagad ka ng umuwi pagkatapos ng ensayo ninyo, kailangan ko ng tulong mo may nag-order sa akin ng kakanin."

"Sige ho Nay, maaga po ako uuwi." sagot naman niya. nagtataka lamang siya dahil sa tono ng pananalita ng kanyang ina na parang may halong pag-uutos at inis ito. Ngayon lamang niya narinig sa ina ang ganoong tono ng boses. Dati rati naman ay ok lang dito ang minsay gabihin siya dahil alam naman nitong may maghahatid sa kanya. Napaisip tuloy siya. Ngunit hindi na lamang niya iyon masyadong inalala. Baka pagod lang ang kanyang ina.


Pagbaba nila ng tricycle ng kaibigang si Tesa, kaagad ay naghagilap ang kanyang mga mata. habang sila'y naglalakad ng kaibigan patungong classroom ay halos suyurin ng kanyang mata ang kabuuan ng eskwela. Hinahanap ng mga mata niya si Elcid. Ngunit hindi niya iyon nakita. Napabuntung hininga tuloy siya ng napakalalim at hindi alintana na pinagmamasadan pala siya ng kaibigang si Tesa.


"Fina, okay ka lang ba?" Mukhang balisa ka aha?" tanong nito.


"Ha? okay lang naman. Medyo napuyat lang kagabi." dahilan na lamang niya.


"Alam mo ganyan talaga kapag na-iinlove, may kasamang puyat, minsan balisa, at minsan may kasama ring taghiyawat. Madalas kapag hindi mo nakikita hinahanap-hanap mo, kapag andiyan naman deadma ka lang kunwari para hindi halata." Pautloy ng kaibigang si Tesa.

"Umarangkada ka naman diyan! Bakit naranasan mo na bang ma-inlove? Tanong naman niya kay Tesa.


"Hindi pa! pero ganun yung mga nababasa ko sa mga pocketbooks. At sa mga ikinikilos mo, malamang in-love ka! At huwag na nating itanong kung kanino, dahil alam naman natin kung sino ang nagpapatibok-bok ng iyong puso!!" May halong kilig pa ang boses ng kaibigan.


"SSShhhhh!! Magtigil ka nga Tesa!" Suway niya dito ngunit hindi na rin niya mapigilang hindi mapabungisngis sa tinuran ng kaibigan.


Nang malapit na sila sa may pintuan ng kanilang classroom napahinto siya at ganoon din ang kaibigang si Tesa. Sa may di kalayuan ay naroon ang isang bench na nasa ilalim ng puno at tanaw na tanaw niya sina Pia at Elcid na parang seryosong nag-uusap.

Natulala siya at parang huminto ang pagtibok ng kanyang puso. Parang may kakaiba siyang nararamdaman at bigla na lamang nag-init ang kanyang mukha. Bago pa sila tuluyang makapasok ni Tesa sa silid aralan, bigla na lamang tumayo ang dalawa sa hudyat ng bell para sa umpisa ng klase. Nakita pa niyang inalalayan ni Elcid si Pia sa pagtayo nito. At ng mapabaling ang tingin ng binata sa kanilang kinaroroonan ay nagtagpo ang kanilang paningin.

Walang naging reaksiyon si Fina kundi ang magbaba na lamang ng tingin, at tuluyan ng pumasok sa kanilang klase. Tahimik siyang umupo ganoon din si Tesa at pinagmasdan siya ng kaibigan.

"Psstttt!!!" Mahinang tawag ni Tesa. Sumenyas pa ito ng thumbs up para kumpirmahin kung okay lang siya.

Tumango na lamang siya dito at pilit na ngumiti.

Pagkatapos ng kanilang huling subject ay niyaya na siya ni Tristan na sabay magpunta sa practice. Kinukulit siya nito kung pwede bang siya na lamang ang kanyang date sa Prom.

"Fina, akala ko bang friends tayo? Wala naming malisya ang pagyaya ko sayo. Bakit may ino-oo-an ka na ba na maging Promdate mo?" Tanong ng binata.

"Wala noh!" Tanggi niya sa binata at may halong katotohanan naman ito.

"Hindi ko nga rin alam kung aattend ako sa Prom." Sabi niya sabinata.

"Ano?! Bakit naman?" Gulat na tanong ni Tristan.


"Wala lang, gastos lang iyan." Matamlay na sabi ng dalaga.


"Alam mo Fina, hindi mo naman kinakailangang bumili ng mamahaling damit, pwedeng simpleng gown lang. Wala naman iyon sa nagsusuot, nasa nagdadala yun." Saad ng binata.

Tahimik pa rin si Fina habang patuloy pa rin si Tristan sa pagsasalita. Malayo ang lipad ng kanyang isip. May mga tanong sa isip niya lalo ang pagkakita niya kina Elcid at Pia kanina. Ano ba ang meron sa kanilang dalawa? Ano ang kanilang pinauusapan? Nagbago na ba ang pag-iisip ni elcid at nareliaze na mahal pa rin niya si Pia? Ano na lang ang sinabi nitong maghihintay siya?" Napukaw naman ang kanyang malalim na pagiisip sa mga sinabi ni Tristan.

"Ah basta Fina, aattend ka! Ako ang bahala. Kung kinakailangang ipagpaalam kita sa nanay mo gagawin ko. Alam mo minsan lang maranasan ang maging Highschool kaya huwag natin palampasin ang mga ganitong pagkakataon, kasi this all about making memories especially with friends."


Pagpasok nila ng silid ni Tristan naroon na ang ibang miyembro. Kabilang si Elcid. Saglit na nagtama ang kanilang paningin. Ngunit ang lalaki ang unang umiwas. Binati nito si Tristan at parang sadya siyang hindi pansinin ng binata.

Hindi niya maiwasang hindi magdamdam. Parang nung isang araw lang ay halos ayaw siyang bitawan ng lalaki sa pagkakayakap nito sa kanya. Pero bakit parang iba ang ikinikilos nito ngayon? Tanong ng isip niya. Pilit siyang kumilos ng normal sa kanyang mga kasama, at pilit nakikipagtawanan sa mga ito, ngunit sa isang bahagi ng isip niya ay may pangamba.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon