Chapter 33.1

962 32 14
                                    

Habang patungo sa labas ng mansiyon  ay tahimik lamang ang dalawa. Naroroon na rin ang sasakyan at bago pa niya mabuksan ang seradura ay walang kibong kinuha ni Elcid ang  bitbit niyang paso ng orchid at leche flan.  Napatingin siya sa binata ng kuhanin ang mga ito sa kanya.

"Thank you." Sabi niya ng hindi parin naalis ang tingin kay Elcid.


"You're welcome." Sagot naman nito ngunit hindi ito nakatingin sa kanya.
Sumakay na siya sa harapan at isinara na ni Elcid ang pinto at lumulan sa driver seat.

Ilang minuto na silang naglalakbay at hindi napigil ni Fina ang sarili. Nakakabingi kasi ang katahimikang ipinapakita ni Elcid. Alam niyang dahil ito sa kanyang pagtanggi sa pagibig nito. Ngunit hindi naman dahil sa hindi niya mahal ang lalaki.

"Elcid, yung tungkol kanina? Sana maintindihan mo ako." Sabi ng dalaga.


"Oo naman Fina, naiintindihan kita. Pasensya ka na kung mapilit ako. Gusto ko kasing maging totoo sayo. Hindi kita masisisi kung ganun ang pakiramdam mo lalo na pagkatapos ng mga nangyari sa amin ni Pia. Kaya rerespetuhin ko ang desisyon mo. Pero hindi ibig sabihin na may mababago sa nararamdaman ko para sayo. At isa lang sana ang ipakikiusap ko, hayaan mo lang akong mahalin ka."

Napatitig naman si Fina kay Elcid. Kahit habang nagmamaneho ito habang sinasabi ang mga iyon ramdam niyang sinsero ito sa mga sinabi. 'Sa tamang panahon Elcid.' Gusto niyang isaloob sa binata ito ngunit mas pinili niya na sarilinin na lamang iyon.

Nang makarating na sila sa tapat ng bahay nina Fina nakita nila si Aling Sol na nag-aabang na sa may kahoy na gate nina Fina. Pagkaparada ni Elcid ay siya namang daling pagbaba ni Fina sa sasakyan. Sinalubong siya ng Ina ng may pag-aalala. At kasunod na rin ito si Elcid.


"Fina, saan ka ba nanggaling bata ka?" Hindi naman galit ang kanyang ina bagkus mas kita dito ang pag-aalala.
Nagmano naman ang dalaga kasunod si Elcid at nagpaliwanag sa ina.

Humingi naman ng paumanhin si Elcid at sinabi na kasama dapat nila ang kanyang Nanay Pasing para maghatid kay Fina ngunit hindi pa mabuti ang pakiramdam nito.

"Okay lang naman kung ikaw ang kasama ni Fina, Elcid. Alam ko kasing hindi mo siya pababayaang umuwi mag-isa. Pero sa susunod dumaan muna kayo dito sa bahay para alam ko at hindi naman ako nag-aalala. Alam mo namang kaisa-isang prinsesa ko lang si Fina. Ayaw kong mapaano ang dalaga ko." Pagpapaalala ni Aling Sol.

"Tatandaan ko po iyan." Tugon naman ng binata.

"O siya lumakad ka na rin at gabi na. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo iho. At salamat ulit sa paghatid kay Fina." Pagtataboy na nito.

"Salamat din ho." Sagot ni Elcid.
"Fina, yun nga palang mga bigay ni Nanay Pasing nasa sasakyan pa. Kukunin ko lang." Baling niya sa dalaga.

Pagbalik nito ay iniabot ang mga dala. Inabot naman ito ni Aling Sol at nagpasalamat kay Elcid. Nauna na rin itong pumasok sa bahay nina Fina. Inihatid naman ni Fina si Elcid malapit sa gate. Nakatingin lamang siya at nakatitig sa magkalapat niyang mga kamay habang mabagal na naglalakad. Nasa kanyang tagiliran naman si Elcid.


Nang nasa tapat na sila ng gate ay nagsalita ang binata.
"Mauuna na ako Fina. Salamat sa pagpapaunlak mo sa imbitasyon namin ni Nanay Pasing." Sabi ng binata.


"Walang anuman. Salamat din sa pag-imbita." Sagot niya ng hindi pa rin makatingin ng deretso sa mata ng binata.

Inabot ng binata ang isang kamay niya at masuyo itong hinalikan at dinala sa kanyang dibdib. Iniangat ang baba ng dalaga upang tumingin ito sa kanya. Tinitigan si Fina ng may pagsuyo.
"Maghihintay ako, hanggang sa maging handa ka na. Goodnight..." Sabi ng binata. Binitawan na siya nito at tuluyan ng umalis.

Napangiti naman ang dalaga sa sinabi nito. 'Maghihintay si Elcid.. At panghahawakan niya ang mga salitang binitawan ng binata.'


Pagpasok niya ng bahay ay nadatnan niya ang kanyang ina na nakaupo sa sala at abalang nananahi ng telang hawak nito. Tutuloy na sana siya sa kanyang silid ng mapatda siya sa pagtawag nito.
"Anak pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ng ina.


Kumabog naman ang kanyang dibdib. 'Naku Fina patay kang prinsesa ka!' Sabi ng isip niya. Lumingon naman siya at umupo sa upuan malapit sa tabi ng ina.

"Nililigawan ka ba ni Elcid?" Direktang tanong nito.

"Ho? Ah-eh.. Hin-Hindi ho." Sagot niya sa ina. Hindi kasi niya alam kung nanliligaw ba si Elcid. Hindi naman kasi direktang nagsabi ang binata na liligawan siya nito. Kaya iyon ang sinabi niya sa kanyang ina. Gulong-gulo din siya sa sitwasyon nila ni Elcid. Mas nauna pa kasi ang kanilang paghahalikan bago pa ito magsabi ng nararamdaman sa kanya.
'Hayy naku nakakaloka.' Sabi niya sa sarili.


"Ano iyon?" Tanong ulit ng ina.

"Ha?! Nay wala ho. Pero Nay, ayokong maglihim sa inyo. Si Elcid kasi...." Nabitin ang kanyang sasabihin.

"Kasi ano anak?" Naghinhintay ang kanyang ina.


"Kasi Nay nagtapat siya ng damdamin sa akin."pagtatapat sa ina.
"Mahal daw niya ako." Sunod na sabi niya.

"Ano naman ang sagot mo?" Ang kanyang ina na parang kinakabahan sa isasagot niya.

"Sabi ko ho, hindi..." Hindi maipinta ang kanyang mukha sa harapan ng ina. Nahihiya kasi siya at naiilang na pagusapan ang mga ganoong bagay.

"Sinabi mo na hindi mo siya mahal?" Ulit pa ng ina.


"Eh kasi Nay, alam niyo naman na naging sila ni Pia. Si Pia diba kilala niyo? Kaya parang pakiramdam ko kapag naging kami ni Elcid parang feeling ko sinulot ko siya ganun." Paliwanag sa ina.

Gustong matawa ng kanyang ina sa kanya, ngunit pinigilan naman iyon ni Aling Sol. Gusto niyang paalalahanan ang anak. Alam niyang balang araw ay darating ang mga ganitong pagkakataon.
"Nakita ko si Elcid, hinalikan niya ang kamay mo kanina." Sabi ng ina na seryoso ang mukha nito.

"Hooooo!?????" Gulat na sabi niya at namula ang kanyang mga pisngi.
'Diyos ko Nay, buti na lang yung sa halik sa kamay lang ang nakita niyo. Kung nakita niyo siguro yung halik sa mga labi ko baka kalbuhin niyo ako Nay.' Sa isip lamang ito sinabi ni Fina.

"Fina anak, hindi naman maiiwasan na may magkagusto sayo. Dalaga ka, at hindi maiiwasan na walang binatang gustong manligaw at magkagusto sayo. Pero gusto lang kitang paalalahanan anak. Bata ka pa, tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Huwag ka munang makipagrelasyon anak. May tamang panahon para diyan. May mga pangarap ka hindi ba? Tuparin mo muna ang mga iyon anak. Gagawin ko ang lahat para maabot mo ang mga pangarap mo na iyon. Tayong dalawa ang magtutulungan. Basta ba focus ka lang anak, ha?" Pakiusap ng ina.


"Opo Nay. Tatandaan ko po ang mga bilin niyo." Niyakap na lamang niya ang ina upang bigyan ng kapayapaan ang loob nito.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon