Hindi mawala sa isip ni Elcid ang kanyang nasaksihan. Parang may punyal na tumarak sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan na matatagpuan si Fina at Tristan sa ganoong akto. Kung anu-anong mga bagay ang nagsalimbayan sa kanyang isip.
Bumalik na siya sa umpukan ng grupo at tahimik na naupo sa tabi ni Pia. Nakikinig lamang siya sa patuloy na kwentuhan ng mga ito. At siya namang sabay na pagbalik ni Tristan at Fina.
Napansin naman ni Fina ang parang galit na tingin na bumabalatay sa mukha ni Elcid. Nagtaka tuloy siya kung ano ang nangyari dito at bigla na lang nag-iba ang timpla nito.
Kani-kanina lang eh hagikgikan sila ni Pia."Bro, okay ba?" Biglang tanong ni Carlo kay Tristan na nakangisi na parang may ibig sabihin.
Tumango lamang si Tristan at ngumiti.
Nagtatanong naman ng tingin ni Tesa kay Fina.
"I think it's getting late." Si Elcid.
"Fina, baka hinahanap ka na ni Aling Sol." Saad ni Elcid."Ah Oo nga pala." Sabay tingin sa relo nito.
"Fina, ihahatid na lang kayo nina Cris at Carlo. Si Dave na ang maghahatid sa akin at kay Pia."
"O sige." Pagsang ayon naman ni Fina.
"Tristan, maybe i can drive Fina and Tesa home? Kung okay lang sa iyo?"
Malapit lang naman ang bahay nila from our place. Para hindi na rin lumayo sina Cris at Carlo."
"And besides, ako ang nagpaalam kay Aling Sol na ihahatid ko siya."Wala namang nasabi si Tristan. Tumingin na lamang siya kay Fina bilang permiso kung okay lang dito ang magpahatid kay Elcid.
Tumango na lamang si Fina at nginitian si Tristan.
Bigla na namang parang dumilim ang mukha ni Elcid sa ganoong pagtitinginan ng dalawa.Hindi rin naman maipinta ang mukha ni Pia. Nais sana niyang makasabay si Elcid pauwi. 'Bakit ba lagi na lang si Fina ang inaalala nila?'
Naisip din niya na abala naman kay Elcid kung magpapahatid pa ito sa kanya. Ngunit sinubukan pa rin niya."Ah Elcid, is it okay kung ikaw na lang din ang maghatid sa akin? I know a shortcut to our house. Pagkatapos nating e-drop off sina Fina. We can take the backroad after Tesa's Place?"
"Of course! No problem. I don't really mind." Sagot naman ni Elcid.
"Okay, we better get going." Sabi ng binata at tuloy-tuloy ng lumakad patungo sa sasakyan nito. Sumunod naman si Pia.
"Dave , salamat sa pag-imbita."
"Magiingat ka."Paalam ni Fina."Don't worry Fina magkikita pa naman tayo. May mga papers pa akong dapat kuhanin sa school." Bumaling naman ito kay Tristan.
"Bro! Tiwala lang." Paalala pa nito.
Iiling-iling naman si Tristan at nagyakap pa ang dalawa.
Habang nilalakbay na nila ang daan nagsalita naman si Elcid. Nakatingin ito sa langit.
"It looks like its going to rain hard."
Pagkasabi noon ay bigla na lamang kumulog at kumidlat ng pagkalakas.
"Eeehhhhh!!! Pagsigaw ni Pia.
"Gossshhh. I'm scared!" Maarteng sabi nito.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
Любовные романыNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.