Chapter 31.2

676 24 6
                                    

Lumipas ang maghapon at hindi nakita ni Fina ang anino ni Elcid sa kahit saang bahagi ng eskwelahan. Dati rati ay napapadaan ito sa kanilang classroom . Hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa labas tuwing may dadaang mga kalalakihan. Balisa siya ayaw niyang mamiss si Elcid ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na mag-asam na makita ang binata. Hindi bale makikita naman niya ito mamaya sa kanilang practice sa banda. Kumbinsi niya sa sarili.

Wala siyang naintindihan sa lecture ng kanilang teacher. Parang lumipas lamang ang oras ng kaydali sa lalim ng kanyang pag-iisip. Si Elcid lamang ang laman ng utak niya. Hindi man lamang siya nakapag take down ng notes kaya hiniram na lamang niya ang kwaderno ni Tesa para sa bahay na lamang ito gawain. Nang madismiss na sila sa klase ay nagpaalam na si Tesa sa kanya.


"Hindi na kita mahihintay mamaya Fina. Maaga kami matatapos sa Drum and Lyre practice ngayon." Sabi ni Tesa.


"Okay sige. Mag-ingat ka na lang ha." Bilin sa kaibigan.


Sabay sabay na silang lumabas ng klase kasama si Tristan. At tumuloy na sila ng ng binata sa practice. Pagdating ng mga ito ay naroon na rin ang iba maliban kay Elcid.

"Si Elcid na lang ba ang hinihintay?" Tanong ni Tristan sa grupo.


"Hindi daw makakarating bro. Tinawagan ako kaninang umaga." Sabi ni Carlo.



"Ah ganun ba?" O sige ako na lang muna ang sa drums." Sabi ni Tristan.


Nag-aalala naman si Fina sa narinig. Hindi na lamang siya nagpahalata. Ayaw niyang usisain si Carlo at baka ano pang isipin nito. Ano kayang nangyari kay Elcid?' Bakit kaya hindi ito dumating ngayon? Baka naman iniiwasan na siya nito dahil sa nangyari. Paranoid na naman siya. 'Fina magfocus ka nga!' Sabi sa sarili.

Pagkatapos ng kanilang ensayo ay nauna na rin siyang nagpaalam sa grupo. Kailangan kasi niyang habulin ang last trip pauwi sa kanilang lugar. Habang papunta sa may waiting shed lumilipad ang kanyang isip. Wala sa loob na umupo siya sa may upuan doon katabi ng isang batang lalaki na naghihintay rin ng jeep. 'Ano kayang nangyari kay Elcid?' Paulit-ulit na tanong ng isip niya. Ipinilig na lamang niya ang mukha sabay buntong hininga.
Hindi niya namalayan na nakaalis na pala ang batang kanyang katabi. Hindi niya binigyang pansin ang lalaking umupo pagkaalis nito sapagkat hindi parin mawaglit sa isip niya ang binatang si Elcid.

"Huwag mong masyadong isipin iyon. Mahal ka nun." Biglang sabi ng isang pamilyar na boses sa kanyang tabi.

Nang lumingon siya ay walang iba kundi si Elcid. Malawak ang mga ngiti nito sa kanya.

Para siyang nakakita ng multo sa pagkagulat. "El-Elcid? A-a-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa binata ng hindi makatitig sa mga mata nito.


"Nagbakasakali kasi ako na maabutan pa kita. Galing kasi akong hospital. Kaya hindi ako nakapasok at naka-attend sa practice." Saad ng binata.

"Hospital?! Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Sa tonong may pagaalala dito.


"Okay lang ako. Hindi naman ako ang nahospital eh." Paliwanag ng binata.


"Ah-ehhh buti naman... Pero sino ang nasa hospital?" Tanong niya ulit sa binata.



"Actually kasama ko siya ngayon. Ayun oh.." Sabay turo ni Elcid sa may sasakyan at may matandang babaeng kumakaway sa nakabukas na bintana ng sasakyan ng binata.


"Si Nanay Pasing?!" Gulat niyang sabi at napatayo na siya ng tuluyan. Kumaway din siya sa matanda.


"Oo eh. Tumaas kasi ang blood pressure niya kanina. Kaya sinugod ko na sa hospital baka kasi mapano pa." Sabi ni Elcid.

Napatingin siya ng deretso sa binata ng marinig ang nangyari. Napangiti siya ng matipid dito. Sadyang napakabait ni Elcid. Ni minsan ay hindi itinuring nito ang kanyang Nanay Pasing na iba sa kanya. Nakikita niya ang pag-aalala at pagmamahal ng binata sa kanyang tagapangalaga.

"Gusto ka sana naming imbatahan na maghapunan sa bahay kung ok lang?" Kapagdakay sabi nito.

Hindi naman niya alam ang kanyang isasagot sa binata. Nais ng loob niyang sumama ngunit hindi umaayon ang isip niya.
"El-elcid pauwi na rin kasi ako at hindi ako nakapagpaalam baka mag-alala si Nanay." Pagtanggi niya sa binata.

"Pwede ba kitang ipagpaalam sa inyo?" Giit pa ng binata.

Bago pa siya nakasagot ay narinig na niya ang pagtawag ng papalapit na si Nanay Pasing.
"Fina! Elcid! Ano pa ang ginagawa niyo diyan halika na kayo at umuwi na tayo." Pagyaya na ng matanda na nakalapit na sa kanila.
"Fina, iha kumusta ka na?" Hinalikan pa siya at niyakap ng matanda.

"Nay Pasing kayo ho ang kumusta? Okay na ho ba kayo?"

"Oo okay na ako salamat. Alam mo na kapag nagkakaedad ka na hindi mo na talaga maiiwasan ang mga ganitong klaseng karamdaman." Sabi ng matanda.
"Malaki nga rin ang pasalamat ko dito sa alaga ko at hindi niya ako pinababayaan." Dagdag pa nito. Umakbay naman si Elcid sa matanda at ngumiti dito.

"Nay Pasing hindi mo na kailangang magpasalamat. Alam mo namang love na love kita!" Sabi ni Elcid.
Natutuwa naman siya sa nakikita niyang closeness ng dalawa. Hindi tuloy mapigilan ni Fina ang hindi mahawa sa pagkakangiti ng mga ito.

"Nay Pasing hindi po daw makakasama si Fina. Baka kasi mag-alala si Aling Sol kung late na siya makauwi." Sabi ni Elcid.

"Ganun ba? Sayang naman. Pwede ka namin ihatid ni Elcid. Simpleng hapunan lang naman iyon. Hindi ka naman gagabihin ng sobra kagaya ng dati. At hindi naman kalayuan ang bahay niyo kaya ihahatid ka namin ni Elcid. Akong bahala sa Nanay Sol mo." Pilit ng matanda sa dalaga.

Hindi na rin nakatanggi si Fina sa paanyaya ng matanda. Palagay naman ang loob niya sa mga ito. Pagkatapos ng hapunan ay magpapahatid na siya sa mga ito.
Nang makarating sila sa Mansiyon ay mabilis na inalalayan ni Elcid si Nanay Pasing na makababa ng sasakyan. Sumunod na rin si Fina. Sumalubong naman ang isa pa nilang kasambahay at kinuha ang mga gamit na kanilang dala.
Aktong dadamputin ni Fina ang isang bag upang tulungan ang mga ito ngunit biglang dinampot din iyon ni Elcid at hindi maiwasang mahawakan nito ang kanyang mga kamay.
Naghinang ang kanilang mga mata ng ilang segundo. Kumabog na naman ng kaylakas ang dibdib ng dalaga. Ito kasi ang unang pagkakataon ng kanilang pagkikita at pagkakadikit simula ng halikan siya ng binata noong nagdaang gabi.

"Ako na Fina." Sabi ni Elcid ng hindi parin binibitawan ang kanyang mga kamay.

Natauhan naman siya ng marinig ang sinabi ng binata. At patay malisyang binitawan na rin ang bag. Tumuloy na sila sa kabahayan. Inakay niya si Nanay Pasing at tinulungang makaupo sa may Sofa.

"Iha halika at magkwentuhan muna tayo. Malapit na yata maluto ang hapunan."
Sinamahan nga niya ang matanda at nagkwentuhan sila nito. Nagpaalam naman si Elcid at tumuloy sa kwarto nito.

Buti na lamang at hindi sumamang makipagkwentuhan ang binata sa kanilang dalawa ng matanda. Hindi niya malaman ang ikikilos sa harapan ni Elcid. Pagkatapos ng nangyari kagabi parang normal naman ang kilos ng binata sa palagay niya. Wala itong binabanggit. 'Mabuti naman sabi ng isip niya. Kung kinalimutan na ng binata ang nangyari siguro ay mas makabubuti iyon para sa kanila.' Kumbinsi niya sa sarili.
Ngunit bakit parang inaasam-asam niya ulit ang mga bisig ng binata. Ang mga yapos nito at matamis nitong halik.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon