Chapter 31.1

514 15 1
                                    

Naghahagilap ang mga mata ni Fina pagpasok nila ni Tesa sa gate ng school. Kinakabahan siya, baka makita niya si Elcid ng hindi inaasahan at hindi niya alam kung paano haharapin ito. Kanina pa siya nagdadalawang isip kung attend ba siya ng kanilang practice mamaya sa banda o hindi.

"Hoyyyyy! Wala ka na namang kibo diyan?!" Puna ng kaibigang si Tesa.


"Ha?! Ahhh may naalala lang ako." Simpleng tugon niya. Hindi niya masabi sa kaibigan ang nangyari sa kanila ni Elcid ng nagdaang gabi. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman ang kanyang ginawa. Alam niyang makakarinig na naman siya ng sermon dito.


"Oo nga pala kahapon nakita ko si Elcid nakaparada sa may gate hinahanap ka niya sa akin. Nakapagusap na ba kayo?" Tanong ng kaibigang si Tesa.



"Ha?! Ah- O-o- Oo!! Nasabi ko na sa grupo kahapon na aalis na ako ng banda." Imporma niya kay Tesa.



"Ano naman ang reaksiyon nila? Nalungkot ba? Alam kong iisa lang naman ang maligaya diyan sa pag-alis mo. Yung karibal mo!" Biro pa nito.



"Anong karibal pinagsasabi mo diyan?! Hindi kami magkaribal ano!" Depensa niya sa sarili.



"Eh bakit ba napaka defensive mo ngayon?! Oo nga pala, wala na sina Elcid at Pia, kaya hindi kayo maituturing na magkaribal. Available na si Elcid!" Nakangiting sabi pa ni Tesa at tiningnan pa siya ng makahulugan nito.


"Eh ano naman ngayon kung available na siya?!" Kunway masungit  niyang sabi.


"Wala naman. Iniisip ko lang kung may pag-asa na ako sa kanya." Saad ni Tesa ng may nakakalokong ngiti pa rin.


"Anooooo?!!!" Anong sinabi mo???!" Parang biglang uminit ang ulo niya sa narinig na sinabi ng kaibigan.


"O teka lang easy my friend...Eh bakit galit ka?! Joke lang noh?! Ano ka ba?! Kalma ka lang. Binibiro ka lang galit kaagad?"


"Ah- hindi noh! Bakit naman ako magagalit. Kung type mo si Elcid eh di..." Naputol ang kanyang sasabihin ng sumabat ang kaibigan.

"Hoy Fina! Huwag mo ng tapusin yang sasabihin mo. Wala akong type kay Elcid noh?! Atsaka hindi ako ang type niya."


"Eh sino naman?" Patay malisya niyang tanong sa kaibigan.


"Bakit hindi mo siya tanungin? Basta ako may alam ako. Naghihintay lang ako ng mga mangyayari." Sabi pa ni tesa na may kilig sa boses nito.

Hindi na lamang siya nagsalita sa sinabi ng kaibigan. May mga kahulugan ang mga sinabi nito. Hinila na lamang niya ito papunta sa kanilang classroom. Baka makita pa nila ng hindi inaasahan si Elcid at baka mahinatay pa siya. Iniisip niya kung sasabihin ba niya kay Tesa ang nangyari kagabi? Nahihiya siya sa kaibigan. Alam niyang ginawa niya ang lahat para maiwasan si Elcid ng tuluyan. Ngunit kabaliktaran naman ang nangyari. Kung kailan paalis na siya sa grupo ay saka pa may nangyari. Naisip niya na mas maigi na rin siguro na maaga siyang nagpaalam sa grupo ng kanyang pagalis sa banda. Dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan si Elcid kung nagkataon. Lalo na kung nasa paligid lamang ang dating kasintahan nitong si Pia pagkatapos ng nangyari sa kanila ng binata.
Naisip din niya ang dalagang si Pia. Ano na lamang ang sasabihin nito? Na totoo pala ang binibintang nito sa kanya? Ngunit hindi niya sinadyang mangyari ang lahat ng nangyari. Wala sa kanyang kontrol kung nagkahiwalayan ang dalawa. At ginawa niya ang mga dapat niyang gawin para maiwasan ang mga ito. At ng hindi siya madamay sa hindi pagakakaintindihan ng dalawa.

Ang nangyari kagabi ay hindi dapat nangyari. Hindi niya napigilan ang kanyang damdamin. Nawala siya sa katinuan ng hayaan niya si Elcid na halikan siya nito. Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa isip niya at pumayag siya. Naglakbay na naman ang isip niya sa tagpong iyon ng halikan siya ni Elcid. Napangiti siya ng wala sa loob at hindi niya namalayan na tinatawag na pala ang kanyang pangalan  ng kanilang teacher. Siniko siya ni Tesa at mabilis namang bumalik sa kasalukuyan.

Bumulong sa kanya si Tesa.
"Ano bang nangyayari sayo? Natutulala ka na naman!" Tanong ni Tesa.


"Wala! Okay lang ako. Giit niya.


"Hindi ako naniniwala sayo. May hindi ka sinasabi sa akin. Ano ba ang nangyari? Si Elcid noh?" Pilit pa nito.


"Pwede ba mamaya na lang tayo mag-usap mamaya marinig pa tayo." Sagot na lamang niya kay Tesa.

"Humanda ka mamaya." Banta pa ng kaibigan. 


Nang humudyat na ang alarm para sa kanilang recess ay hinila siya ni Tesa palabas ng classroom. Wala na siyang nagawa kung hindi sumama sa kaibigan. Hindi na niya maipagkakaila ang bagay na gusto niyang ilihim. Nakarating ang dalawa sa may bahagi ng Gym. Sinigurado ni Tesa na walang makakarinig ng kanilang pag-uusap. At sa wakas ay binitiwan na nito ang kanyang mga kamay.

"O ngayon magkwento ka na." Utos ng kaibigan.

"Anong ikukwento ko?" Patuloy parin niyang pagmamaang-maangan.


"Kilala kita Fina. Ilang taon na rin tayong magkaibigan? Kilala ko yang mga ikinikilos mo. Lalo na kung may inililihim ka. Basang-basa na kita ng malinaw pa sa tubig! At malakas ang pakiramdam ko na may hindi ka sinasabi sa akin." Patuloy pa rin nito.


"Ewan ko sayo masyado kang mapag-isip." Sabi ni Fina dito.


"So ganun na ngayon? Lihiman na lang? Akala ko pa naman ako ang bestfriend mo. Sige sarilinin mo na lang yan." Ismid ni tesa at malungkot na umupo ito sa konkretong hagdan at nangalukbaba.

Hindi rin niya natiis ang kaibigan at tumabi siya dito.
"O sige na, sige na! Sasabihin ko na. Ang kulit mo hindi ka talaga titigil?! Sasabihin ko na sayo pero ipangako mo na sa atin lang ito ha Tesa?!"
Bigla ng umaliwalas ang mukha nito pagkasabi niyon.
"Mangako ka muna!" Ulit niya dito.



"Oo pangako! Cross my heart wala akong pagsasabihang iba. Dali na magkwento kana, tagal oh."

Ikinuwento na nga sa kaibigan ang nangyari sa kanila ni Elcid ng nagdaang gabi. Kilig na kilig naman ito sa mga sinabi niya. Naisaloob din niya ang guilt na kanyang nararamdaman para kay Pia at sa kanyang ina. Sinabi naman ng kaibigan ang kanyang pananaw sa sitwasyon nila ni elcid. Hindi siya nito hinusgahan bagkus ay masaya pa ito para sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng mga nangyari. Wala silang relasyon ni Elcid. Naisip niya na gaya niya ay baka nadala lamang si Elcid sa mga nangyari. Lalaki ito at nagkaroon na ng karanasan sa mga ganoong bagay.  Walang sinabi si Elcid ng tungkol sa nararamdaman nito. Ganun din naman siya. Ngunit sabi ng lalaki ay maguusap silang muli. 'Ano kaya ang paguusapan nilang muli?'


"Huwag kang masyadong mag-isip ng sobra. Alam mo, kung malinis ang intensiyon sayo ni Elcid gagawin niya ang bagay na nararapat. Kaya relax ka lang. Siya ang lalaki at hayaan mo siya na siya ang unang kumausap sayo." Sabi pa ni Tesa sa kanya ng mapansin na mataman na naman siyang nagiisip.


"Salamat Tesa." Sabi niya sa kaibigan at nagyakap pa ang dalawa.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon