Chapter 15.2

629 27 0
                                    

Araw ng Sabado. Napaaga ang bangon ni Fina ng umagang iyon. Alam niya kasing namili na ang kanyang ina ng mga rekado para sa mga kakanin na kanilang gagawain para kay Elcid. Sigurado na naman siyang sasakit ang katawan niya. Ayaw kasi niyang ang kaniyang ina ang gumawa ng lahat dahil pagod na ito sa trabaho maghapon sa pinapasukan nitong Alteration.

Naghilamos na siya at nagluto ng almusal. Batid niyang maaga ring darating ang kaniyang kaibigang si Tesa para tulungan sila sa pagluluto.

Patapos na siya sa pagluluto at halos handa na ang almusal ng marinig na niya ang malakas na boses ng kaibigan.

"Finaaaaa!!! Tao po!" Tawag nito.

Pinagbuksan niya na ito ng pinto.

"Pakihinaan ang volume, masyado pang maaga mambulabog ng kapitbahay."

"Hindi ba pwedeng goodmorning muna ang isalubong mo sa akin friend?"

"Edi goodmorning!"

"Tamang-tama pala ang dating ko. Ipinaghanda mo na ako ng almusal."

"Oo, nakakahiya naman kasi sayo. Ikaw pa naman lahat ang maghahalo ng mga kakanin lalo na ang ube! Haha" pagbibiro ni Fina.

"Alam mo ano bang meron yang ube ni Nanay Sol at ang sarap ano?"
"Pati si Elcid eh na-addict yata."

"Oo nga eh, nung mga bata pa kami madalas ko siyang dalhan noon, lagi kasi niya akong sinasalo sa mga nambu-bully sakin. Kaya bilang pasasalamat binabaunan ko siya ng ube ni Nanay. Tuwang-tuwa naman lagi."
Nakangiti pa siya habang  nagkukwento.

"Uuyyyy reminiscin'.... " pagbibiro ni Tesa.

"Tigilan mo nga yan!" Saway niya.

"So, bukas pupunta ka na hindi ba?"
Pagpapalit naman ng paksa ni Tesa.

"Naka-Oo na ako kay Tristan, dadaanan daw niya ako."
"Bakit hindi ka kaya sumama?"

"Ako? Bakit naman ako sasama? Atska hindi naman ako imbitado noh?"
"Nakakahiya baka sabihin gate crasher ang beauty ko!"
"At panigurado hindi magiging excited si Pia na makita ako, may masasabi na naman iyon."
"Kaya mo yan, idaan mo lang sa pagkain bukas kung medyo naiinis ka na sa nakikita mo." Biro pa nito.

"Kumain na nga tayo para makapagumpisa na. Padating na rin niyan si Nanay galing ng pamamalengke."

Inumpisan na nga nilang ihanda ang lahat para pagdating ng kanyang Ina ay madali silang makapagumpisa sa pagluluto.

-o-

At sa wakas ay natapos din ang kanilang mga niluto. Pwera pa kasi sa mga kakanin ay may idinagdag pa ang kanyang ina na isang putahe para kay Elcid.
Tuwing Pasko lamang niya iniluluto ang Aroz Valenciana nito, pero iniluto iyon para kay Elcid bilang regalo. Pasasalamat daw dahil lagi daw siyang inihahatid nito tuwing gagabihin siya sa paguwi.

Pagod na pagod sila ni Tesa. Nakaidlip na rin ito sa kanilang sala habang nagpapahinga.
Siya naman ay tinapos ng balutin ang mga bilao ng kakanin. Naihanda na niya ang lahat. Mamayang hapon na kasi ito dadaanan ni Elcid. 

Nagsiyesta na rin ang kanyang ina. Siya naman ay nagpahinga rin ng kaunti at nilinis ang sarili.
Nagpaalam na rin si Tesa bago ang hapon. May mga tatapusin pa daw kasi itong mga aralin.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon