Sa loob-loob ni Pia inis na inis siya at hindi na lamang niya ito ipinahahalata sa kasintahang si Elcid. Kung bakit kasi sa lahat ng oras eh lagi na lang paimportante si Fina. Laging kailangan masigurado na okay siya. At hindi rin niya maiwasang hindi magselos dahil na rin sa kabaitan ng nobyo nito sa kanya. Minsan gusto niya tanungin si Elcid kung may paghanga ba ito kay Fina. Minsan kasi sa kanilang mga ensayo ay nahuhuli niya ito na nakapako ang tingin kay Fina. Ngunit hindi niya ito masita. Gusto na lamang niya magmasid at ayaw niyang bigyan ang kanyang sarili ng dahilan para magselos kay Fina.
Mas may tiwala siya sa kanyang sarili kung ikukumpara kay Fina. Mas hamak naman ang ganda niya dito. At mas angat ang pamilya niya kumpara sa kanya. Nasa ganoong isipin siya ng biglang magsalita si Elcid."Ah Fina, nakapagpaalam ka na kay Aling Sol tungkol sa out of town natin sa Ilocos?" Pagbasag ng katahimikan ni Elcid.
"Oo, nabanggit ko na sa kanya?" Sagot naman nito.
"Pumayag ba siya?" Tanong ulit ni Elcid.
"Oo nga Fina, pumayag na ba ang Nanay mo? Tutal naman idadaan ka na namin ni Elcid sa inyo kung gusto mo ipagpaalam ka na rin ni Elcid?" Pagsabat at pasarkastikong tanong naman ni Pia.
Naramdaman naman iyon ni Elcid sa mga binitawang salita ng kasintahan. Titig lamang ang ginawa nito sa kanya at walang salitang sinabi.
Nahalata naman ni Fina na parang may tensyon na namamagitan sa dalawang magkasintahan.
"Ah okay na yun Pia, hindi na kailangan. Ako na ang bahala doon.""Iyon naman pala Babe, she's fine and no need to worry about it." Pa-sweet na nakangising sabi pa ni Pia kay Elcid. Sabay ismid pa nito.
Tahimik na lamang nagmaneho si Elcid at hindi na nagtanong pa kay Fina. Hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla na lamang nagbago ang mood ng kasintahan. At bigla pa siyang tinawag nitong "babe" na hindi naman nila tawagang magkasintahan.
Nakarating na nga sila sa bahay ng Tita Maribel ni Pia.
"Let's go Babe." Pagyaya ni Pia kay Elcid.
"Hindi mo ba yayain si Fina sa loob?" Si Elcid.
"Sandali lang naman tayo eh." Sagot ni Pia.
"Okay lang ako maiwan dito sa
sasakyan. Sige pumasok na kayo sa loob, dito na lang ako maghihintay." Sabi ni fina."You heard her?" Okay lang daw. Are you coming or not? If you like dito kana lang din maghintay." At walang sabi-sabing bumaba ang dalaga ng sasakyan at pabagsak na isinara ang pintuan.
"Anong nangyari dun?" Tanong ni Elcid sa sarili na iiling-iling.
"Sundan mo na siya Elcid." Sabi naman ni Fina.
"Are you sure okay ka lang maiwan dito?" Tanong ulit nito.
"Okay na okay. Sige na puntahan mo na siya." Nakangiting sabi nito sa binata.
"Okay, ill make sure sandali lang kami." At nagpaalam na ang lalaki.
At ang pilit at malapad na ngiti ni Fina kanina lang na kausap ang binata ay napalitan ng lungkot.
Lungkot na hindi niya maipaliwanag. Damdamin na pilit niyang kinikimkim sa loob niya. Ayaw niyang makaramdam ng sakit. Ngunit iyon ang kanyang nadarama tuwing makakaharap niya sina Pia at Elcid. Minsan tinatanong niya ang kanyag sarili kung 'masokista ba siya?' Alam na niyang malabo ang lihim na pagmamahal niya kay Elcid, ngunit heto pa rin siya sige lang ng sige. Patuloy na minamahal siya ng lihim. Kayhirap nga palang mahalin ang isang tulad ni Elcid. Parang kaylapit lamang nito sa kanya, abot kamay pero ang totoo ay kay layo ng agwat nila sa isat-isa.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomantikNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.