Sa likod ng dilim ay nakakubli si Elcid. Pagkatapos nilang maglaro ng Basketball ay hindi na siya sumama sa grupo na kumain sa labas. Natalo sila ni Cris sa pustahan. Silang dalawa ang magkateam. Ibinigay na lamang niya ang kaniyang share sa kanilang dinner. Humanap na lamang siya ng madadahilan para hindi na makasama. Hindi naging maganda ang kanyang laro kanina dahil na rin sa pag-iisip kay Fina. Sana ay sumama ito sa kanila. Sana ay inanyayahan niya ito kanina. Ngunit napag-alaman niya kay Tristan na kailangan na nitong umuwi dahil tutulungan pa ang ina nito at alam niyang mapupuyat na naman ang kanyang mahal na Fina. Kaya nagpasya siyang tumungo sa bahay ng dalaga. Hindi niya nais na kausapin ang dalaga, gusto lamang niya itong makita at masilayan ang mga ngiti nito. Nagbakasakali lamang siya, Matagal siyang naghintay sa labas ng bahay nina Fina. Nagpasya siyang iparada ang kanyang sasakyan sa may kalayuan upang hindi nito mapansin kung lumabas man ito.Aalis na sana siya ng mga sandaling iyon ng makita niyang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay ng dalaga. At doon ay pinagmasadan niya ang dalaga. Nakatingala ito sa langit. At parang may ibinubulong sa kawalan. Hindi na niya namalayan na nakapaglakad na pala siya sa may tapat ng gate nina Fina. At ng magmulat ang mata ng dalaga ay nagulat ito. Dahil sguro sa pagkagulat ay ipinikit ulit ng dalaga ng mariin ang mga mata. Ngunit nagpasya si Elcid na bigla na lamang tumakbo sa may kadiliman. Nagtago siya sa may malabong na halamanan sa may tapat ng gate nina Fina. Kinakabahan siya at naguguluhan. Tinatanong ang sarili kung ano ba ang mga pinag-gagagawa niya. IIsa lang ang malinaw sa kanya, mahal niya si Fina at hindi niya matiis na hindi ito makita at makasama. Ngnunit paano ang pakiusap ng ina nito? Ayaw niyan g suwayin ang pakiusap nito. Pero ayaw din niyang saktan si Fina. Nakita niya dito na tahimik ito kanina, at may lungkot sa mga mata nito. Lalo na ng magsalubong ang kanilang tingin. May mga tanong ang mga mata ng dalaga na hindi niya alam kung paano sasagutin. Hindi rin naman sinasandya ni Elcid na makita sila ni Fina nagkausap sila ni Pia kaninang umaga. Bigla na lamang kasi itong dumating at umupo sa tabi niya habang inaabangan niya si Fina kanina sa may bench malapit sa silid aralan ng dalaga.
Hindi datnan ng antok ang binata. Mas pagod ang kanyang isip sa kaiisip kay Fina kaysa sa pagalalaro niya ng basketball kanina. Alam niyang kahit ano ang kanyang gawin at sabihin sa dalaga ay masasaktan at masasaktan ito.
Naalala niya noong mga bata pa sila ni Fina, alam niyang espesyal na ito sa kanya. Minahal niya ang dalaga ng lihim. Alam niyang bata pa siya noon at may kapilyuhan. Ngunit pansin niyang may mga pagkakataong naiilang ang batang si Fina sa kanya. At ganun din naman siya. Naisip niya noon na subukang pagselosin ang kababata at sinabi dito na gusto niyang magkamabutihan sila ni Lani, ang nagiisang babaeng kababata ni Fina. Kinulit niya ito hanggang sa pumayag itong siya ang maging daan upang mapalapit kay Lani. Hindi niya akalain na sa dahilang iyon ay tuluyan na silang magkakalayo ni Fina. Nagbago rin ang trato ni Lani dito. Umiwas ang batang si Fina sa kanilang dalawa ni Lani. Huli na ang lahat ng naisin niyang muling mapalapit dito. Sapagkat ng mga panahon na iyon ay kinailangan ng kanyang pamilya na lisanin ang San Jose.
Sa kasalukyan naman naisip ni Elcid kung kailan napalapit na siya kay Fina ay doon pa mangyayari ang lahat ng ito. Abot kamay na lamang niya ang dalaga, ngunit hindi pa rin pwede. Nakatulog na siya ng tuluyan sa isiping iyon.
Kinabukasan.
Nasa may sulok na bahagi ng library sina Tesa at Fina ng mga oras na iyon. Abala silang dalawa sa pagbabasa at hindi namalayan ang paglapit ni Elcid. Napaangat naman si Tesa ng tingin at nagulat ng biglang makita si Elcid. Batid niyang may nangyayari sa pagitan ng dalawa. Bigla niyang bahagyang sinipa ang paa ni Fina sa ilalim ng mesa atsaka tumikhim. Nag-angat din naman ng tingin si Fina at napatingin kay Tesa. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga. Sabay ngumuso naman si Tesa sa kanyang likuran. Laking gulat niya ng lumingon at naroon si Elcid. Nagkatitigan pa ang dalawa, kumabog ng kaybilis ang kanyang dibdib. Nagbaba siya ng tingin at patuloy na nagbasa.
Nagkatinginan naman sina Tesa at Elcid. Naintidihan naman ni tesa ang ibig ipahiwatig ng lalaki. Kaya nagpaalam ito kay Fina.
"Ehem! Fina, may nakalimutan pala ako sa classroom. Kukunin ko lang at babalikan kita okay?"
"Teka sasabay na ako sa'yo." Sabi naman ni Fina. Tatayo na sana siya ng biglang magsalita si elcid.
"Fi-fina, can we please talk?" Pakiusap ng lalaki.
"Sige mauuna na ako Fina. Mukhang may nais sabihin sayo si Elcid." Nagpaalam na nga si Tesa sa mga ito.
Napaupo naman ang dalaga. At umupo na rin si Elcid sa tapat nito.
"Elcid, i dont think this is the right place to talk. Nasa loob tayo ng library." Mahina niyang sabi.
"Gusto lang talaga kasi kitang makausap."
"sige sabihin mo na ang gusto mong sabihin.
"Fina, i want to apologize." Umpisa ni Elcid.
"For what?"
"Sa nangyari noong nagdaang gabi. I just realized its really inappropriate. Alam ko na sinabi ko sayo na maghihintay ako sayo hanggang maging handa ka. I want you to know that I really mean it Fina. It's just that, maybe for now we have to focus on things that are very important to us. I know you have dreams Fina. At ayokong maging distraksiyon ako sa buhay mo para maabot ang mga pangarap mo. I want you to be successful in life. Kaya siguro... hanggang dito na lang muna tayo." Ginagap naman ng lalaki ang kamay ni Fina pagkasabi niyon.
Hindi naman kaagad nakapagsalita ang dalaga sa mga sinabi ni Elcid. Nasaktan siya sa mga sinabi ng binata. Ilang sandali rin niyang prinoseso ang mga sinabi nito. At bigla niyang binawi ang kamay sa lalaki. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Ayaw niyang umiyak sa harapan ni Elcid. Hindi niya iyon gagawin. Gusto niyang sagipin ang kanyang pride bilang babae. Parang pakiramdam niya ay inayawan na kaagad siya ni Elcid. Sinukuan kaagad ng hindi pa sila nagsisimula.
"Huwag kang mag-alala Elcid. Hindi naman ako umasa sa mga salitang sinabi mo. Mga salita lang naman iyo eh. Pwedeng totoo pwede ring hindi. At alam mo tama ka, siguro hanggang dito na lang tayo. Kung meron mang "tayo". Mariing sabi ng dalaga.
"Yun lang ba ang sasabihin mo?" Tanong pa niya kay Elcid.
Natahimik naman si Elcid ng ilang sandali.
Tumayo na ang dalaga at aktong aalis. Napatayo rin si Elcid at pinigilan ng binata ang isang kamay nito. Malapit lamang sila sa isa't-isa.
"Serafina...." halos bulong ni Elcid sa dalaga.
"Fina Elcid.... Fina" Mariing sabi ng dalaga ng hindi rin ito nakatingin sa maga ni Elcid. At tuluyan na ngang iniwan ang binata.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomantikNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.