Kinaumagahan ng Linggo, masakit man ang kanyang katawan ay maagang bumangon si Fina para tulungan ang ina sa paglilinis. Naamoy niya ang mabangong sinangag ng kanyang ina. Bumangon na nga siya ng tuluyan ng marinig na niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Naalala niya na hindi pala siya nakakain kagabi dahil na rin sa pagaalala kay Elcid.
"Kumusta na kaya siya?" Tanong sa isip niya.
Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang nagdaang gabi. Ang pagtawag ni Elcid ng kaniyang pangalan. Ang pagyakap ng kamay niya sa dibdib nito. Napailing na lamang siya at pinilit ginising ang sarili. Itururing na lamang niyang panaginip ang mga nangyari kagabi."Nay, magandang umaga ho."
"O anak, mabuti at gising ka na? Pasensya ka na at hindi na kita nahintay kagabi. Nakatulog na ako. Naisip ko naman na ihahatid ka ni Elcid kaya nakampante naman ako."
"Oo nga ho Nay, pasensya na kung ginabi ako ng uwi." Ikinwento naman niya ang pagkakasakit ni Elcid habang sabay silang kumakain.
Pagkatapos ng almusal ay sinimulan na niyang maglinis ng bahay. Inspiradong inspirado siya ng araw na iyon. Pakanta-kanta pa siya habang nilalampaso ang sahig.
"Mukha yatang maganda talaga ang gising mo anak?" Panunukso ng kanyang ina.
"Nay naman, hayan na naman kayo."
"Bakit wala naman akong masamang sinabi?"
"Alam ko na kasi yang mga ganyang panunukso ninyo."
"Eh alam ko naman kasi kung may nagpapasaya sa araw mo." Biro ng ina.
Ngiti lang ang itinugon niya sa kanyang ina.
Nagpaalam na rin ito para bumisita sa simbahan at dumaan sa puntod ng Tatay niya. Nakaugalian na kasi ng kanyang ina na dalawin tuwing Linggo ang puntod ng yumao niyang Ama.
"Nay sa susunod na Linggo sasama po ako sa pagbisita.""O sige anak. Huwag kang masyadong magpagod at baka ikaw naman ang magkasakit niyan."
"Opo Nay. Mag-iingat po kayo"
"Baka hindi na kita maabutan paguwi ko. Kaya mag-iingat ka rin ha. Pakisabi kay Elcid na magpagaling siya."
"Makakarating po." Tugon niya.
Tinapos na nga niya lahat ng kanyang mga gawain pati na rin ang kanyang mga aralin. Ng malapit ng maghapon ay naghanda na siyang maligo at magayos.
Hindi niya malaman ang kanyang susuutin. Mas kumportable siya sa bestida kaya ito na lamang ang kanyang napiling suutin.Simple lamang ang kanyang ayos, isinuot niya ang mala ubeng bestida niya na lampas tuhod at may tamang manggas. Hapit ito sa kanyang baywang kaya kita ang kurbada ng kanyang katawan. Hindi man siya katangkaran ay masasabing maganda ang kurbada ng kanyang pangangatawan.
Pinarisan niya ito ng puting sandalyas.
At itrinintas naman ang kanyang mahabang buhok at inilaylay sa kanang bahagi ng kanyang balikat. Naglagay naman siya ng kaunting pulbos at manipis na lipstick.
Tinitigan ang sarili sa salamin at napangiti naman siya sa nakita sa kanyang repleksyon."Tao po!" Pagtawag ng pamilyar na boses ng isang lalaki sa tapat ng bahay nila.
Sumilip siya sa bintana at nakita si Tristan. Pusturang pustura ito. Maganda rin ito kung manamit. Simpleng polo shirt at maong na pantalon at tinernuhan ito ng puting sneakers.
Pinagbuksan na niya si Tristan ng may ngiti sa mga labi.
"Whoa!" Fina, ikaw ba yan?" Pagbibirong tanong ni Tristan.
"Iba yata ang aura mo ngayon? Hindi ka mukhang napagod sa pag gawa ng kakanin." Dagdag pa nito."Ikaw talaga Tristan, lagi na lang ako ang napapansin mo. Ganun ba ako kapangit? Pangit ba ang suot ko?"
"Bakit iyon ba ang sinabi ko?"
"Nagulat lang kasi ako dahil hindi kita madalas makita sa ganyang ayos."
"At hindi ko ipagkakailang napakaganda mo ngayong araw na ito." Sabi pa nito."Ngayong araw na ito lang? Hindi ba pwedeng araw-araw?" Tatawa-tawang biro naman ng dalaga.
"Hindi ngayon lang. Baka kasi mamaya mamihasa ka kung araw-araw." Pagpapatuloy na biro ng binata.
"Halika ka na nga at lumakad na tayo." Pagyaya na nito sa binata.
Nilisan na nila ang bahay nina fina patungo kina Elcid.
Habang nagmamaneho nabanggit naman ni Tristan na tumawag si Elcid dito. At sinabi na nilagnat daw ito kagabi."Akala ko nga ica-cancel niya ang dinner sa kanila eh. Eh bumuti naman daw ang pakiramdam niya at nagpahinga lang sa bahay."
Nagaantay naman si Fina kung may sasabihin pa si Tristan na sinabi ni Elcid. Hindi siya sigurado kung may nabanggit ito sa binata na naroroon siya kina Elcid kagabi. Hiling niya na sana ay huwag na lamang itong banggitin ng lalaki. Baka kasi ano pa ang isipin ng mga ito lalong lalo na si Pia. Mas maganda ng sa kanila na lamang iyon ni Elcid. Hiningi lamang iyon ng pagkakataon at hindi naman lahat ay sinadya. Sa isip niya.
Pagdating nila sa mansion nina Elcid, tahimik ang paligid at mukhang simpleng salo-salo nga lang naman ang mangyayari. Pinatuloy na sila ng isang katulong sa loob ng bahay at pinaupo muna sila sa sala. Wala pa ang iba nilang mga kagrupo.
"Parang tayo pala ang naunang dumating." Sabi ni Fina.
"Oo nga." Patingin-tingin naman sa loob ng bahay si Tristan.
Bigla namang lumabas ng kusina si Aling Pasing.
"Fina?" Pagtawag nito sa dalaga.
Napatayo naman siya at binati ang matanda.
"Naku salamat naman anak at nakabalik ka.""Ah, o-oho.."
"Si Tristan nga po pala kaibigan namin. Kasama din po siya sa banda." Pagpapakilala kay Tristan."Kumusta po kayo?"
"Mabuti naman iho."
Hindi naman napigilan ni Tristan ang magtanong tungkol sa narinig na tinuran ng matanda.
"Nagpunta ka na pala dito?""Ah-eh O-Oo,-kahapon hinatid ko yung mga kakanin." Nauutal na sabi niya.
Nahalata naman ni Aling Pasing na parang ayaw ipaalam ni Fina ang pagpunta nito kagabi sa mansion. Nakuha niya ang pakiusap sa mga mata ni Fina kaya nagpaalam na ito na tatawagin si Elcid."Hindi mo naabutan si Elcid?" Tanong ulit ni Tristan.
"Hi-hindi eh, wala pa siya ng dumaan ako." Hindi siya makatingin ng deretso kay Tristan.
"Naku naman Tristan ang dami mong tanong." Sabi ng isip niya.Ayaw niyang magsinungaling kay Tristan. Ngunit ayaw din niyang malaman nito na naroroon siya sa tabi ni Elcid at inalagaan ito sa pagkakasakit. Baka kasi makarating ito kay Pia. Kahit alam niyang mapagkakatiwalaan si Tristan. Ayaw niyang gumawa ng usapan lalo na ay nasa iisang grupo sila.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.