Sa wakas ay nakarating na sila kina Fina. Hindi na makapaghintay si Fina na makababa ng sasakyan. Para kasi siyang sinasakal. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin. Bago pa siya umusad palabas ng pinto nagsalita naman si Pia.
"Can we just wait here?" Tanong nito.
Nagkatinginan sila ng kaibigang si Tesa.
"Oo naman, mas maganda pa nga siguro maghintay na lang kayo dito."
"Kami na ni Tesa ang magpapaalam sa Nanay.""Ahm Pia i think we should all go inside to give respect to Finas Mother. And besides we have to get her permission right?"
Hindi iyon inaasahan na sasabihin ni Elcid.
Bago pa siya ulit makapagsalita ay umibis na ito palabas ng sasakyan. Sumunod naman si Pia."Halika kayo pasok." Pagyaya naman ni Tesa.
Nadatnan nila ang Ina ni Fina na si Sol na kasalukuyang nananahi. Nagmano naman si Fina sa Ina kasunod si Tesa."Nay mano po."
"Kaawaan ka ng Diyos anak."
"May mga bisita ka palang kasama?"
"Naku hindi man lang ako nakapaghanda.""Goodevening ho Aling Sol!"
Masayang bati ni Elcid. At nagmano rin ito sa kanyang ina.
Nagulat na naman si Fina sa inakto ng binata."Teka, hindi ba ikaw si... El-Elcid??"
"Ikaw nga ba iyan iho?"
"Muntik na kitang hindi makilala. Ang laki-laki mo na!" "Ibang-iba na ang histura mo." Tuwang-tuwa ang kanyang ina sa pagkakita kay Elcid."Mabuti naman at magkakasama kayo?"
"Mabuti naman po at naalala niyo pa ako. Dito na po ako sa San Jose High magtatapos ng highschool. At sumali po ako sa banda nina Fina." Pagiimporma ng binata sa ina ni Fina.
"Siya nga ba?"
"Ipagpapaalam po sana namin si Fina may salo-salo po kasi kina Dave. Aalis na po kasi siya patungung UK."
Tahimik namang nakikinig ang lahat.
"Siya nga po pala si Pia kasama din po namin sa banda." Pagpapakilala din ni Elcid sa dalaga.
"Oo, naririnig ko ang kanilang mga pangalan sa anak ko pero hindi ko pa talaga sila nakikita ng personal. Hindi naman sila napapagawi dito sa amin, atsaka lagi rin akong wala dahil sa trabaho ko."
"Hindi po ba naglalako din kayo ng kakanin?" Si Pia.
"Oo, pero mas madalas nako sa Alteration shop. Ginagawa ko na lamang ang mga kakanin dalawang beses sa isang linggo." Pagkukwento ng ina.
"Naku hindi ba paborito mo ang halayang ube iho?"
"Itatanong ko nga po sana kung gumagawa pa kayo?"
"Ay Oo naman. Pero pag may nagrequest lang at umuorder. Mahirap kasi sa paghalo iyon eh. Nakakangawit ng braso."
"Pero alam mo eksakto ang dating niyo. Meron kasi akong nagawa na. May tinira ako galing sa order kahapon."
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.