Kalalabas lamang ng banyo ng eskwelahan ni Fina. Matagal siyang nakipatitigan sa salamin. Daig pa niya ang nabato balani. Hind pa rin siya nakakabawi sa pagkabigla ng makita si Elcid kani-kanina lamang. Naglalakad siya sa pasilyo ng marinig niyang may tumatawag sa kanya.
"Fina!!!" ang malakas na boses ng kaibigang si Tesa. Nilapitan siya nito.
"Kanina pa kita hinahanap ah?"
Hindi siya nagsalita.
"Okay ka lang ba? "Parang namumutla ka?"
"May buwanang dalaw kaba?"
Umiling siya.
"Eh bakit parang daig mo pa ang nakakita ng multo?"
"Tesa sana kung multo na nga lang. Kaso totoo siyang tao."
"Ha ano?!" "anong sinasabi mo hindi ko maintindihan."
Hinila niya ang kaibigan paupo sa isang bakanteng upuan sa gilid ng pasilyo.
"Nandito siya Tesa!"
"Sino?"
"Si Elcid!!!" pagbabalita sa kaibigan.
"El-Elcid? As in Elcid Villaflor na long lost bff/boyfriend mo? Este crush mo nung Elementary?!!!" Bulalas nito.
"Sssshhhhh!!!! Ang ingay mo." "Kelangan ba e-broadcast?!" Inis na sabi niya.
"Ayyyyyyyy edi ang saya!" Patili pang sabi nito.
"Pero teka anong ginagawa niya dito?"
"Nagkabanggaan kami kanina sa may Library, at yun dun ko nalaman na nagtransfer pala siya dito."
"Transfer?" "Bakit daw?"
"Hindi ko alam." "Hindi ko na tinanong." Umalis na agad ako."
"At bakit naman?" "Pawalk-out ang drama mo?!" "Hindi kaba masaya bumalik ang dati mong kababata?"
"Ikaw na rin ang nagsabi, "dating kababata!"
"Sabagay ang tagal na nga nun ano?"
"Oo, matagal na nga yun..." Nangalumbabang sabi ni Fina.
Nagbalik tanaw si Fina sa nakaraan at sa kakikitang si elcid kani-kanina lamang. Ibang-Iba na ang histura nito. Lalo itong tumangkad. Parang halos hanggang dibdib lamang siya nito. Kaykisig nito sa batang edad. Para itong kagaya ng mga Athlete na nakikita niya sa telebisyon. Hindi ito payat, ngunit fit na fit ito. Kay ganda pang manamit. At ang kanyang mga ngiti...Hindi nakaligtas kay Fina ang mga ngiting iyon. Mga ngiting kaytagal niyang hindi nasilayan. Hindi maalis sa kanya ang pananabik na muli itong makita.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomansNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.