Kinakabahan na naghihintay sa likod ng back stage ang grupo ng Banda nina Fina. Ito ang pangatlong pagkakataon na mapasali ulit sila sa Battle of the band na ginaganap taun-taon sa Bayan ng Sta Ignacia. Noong unang taon niya sa Higschool ang unang pagsali nila nina Tristan sa patimpalak na ito.
Nang mabuo na nila ang banda tinawag nila itong SJ (Stands for San Jose) Medley. Naging parte na rin nila ng grupo si Pia Samonte. Bilang isa sa mga vocalist. Lead guitar si Tristan at madalas din siyang mag second voice. Madali na rin silang nakahanap ng miyembro para sa Base guitar, Keyboard at Drums pati na rin sa Sax.
Sila ang pinalad na manalo noong unang pagsali nila sa Battle of the band. Hindi niya akalaing mabubuo nila ang grupo at magkakaroon ng pagkakataon na maisakatuparan ng unti-unit ang mga adhikain hindi lamang ni Tristan kundi pati na rin ng lahat ng miyembro ng banda.
Naging student model sila ng San Jose High. Iminulat nila ang mga estudyante doon na hindi kinakailangang maging kumplikado ang pagsali sa banda. Ipinakita nila sa mga estudyante na hindi komo bahagi ka ng isang banda ay kailangan ng mapabayaan ang pag-aaral at matutong magkaroon ng bisyo. Ang adhikain nila ay para makatulong sa mga tao, at para maging ehemplo na rin sa mga kabataan para hindi malihis ng kanilang mga landas.
Patuloy silang nanghihikayat ng mga estudyante na sumali sa kanilang grupo o kaya naman ay sa Choir. Ibinabahagi din nila ang kanilang talento sa mga estudyanteng gustong matuto ng mga instrumento gaya ng pangigitara, sa drums, sa keyboard at Saxophone. Ganun na rin sa pagkanta. Tuwing nakikita niya ang resulta ng pagsali ni Fina sa banda laging may sigla sa pakiramdam niya. Kaysarap kasing maibahagi sa mga katulad nilang kabataan ang mga talento nila.
Hindi siya mapakali. Kagat-labing pabalik balik siya sa paglakad sa harapan ni Tristan.
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman." Malalim na pagbuntung hininga.
Inabutan siya ng tubig nito.
"Thank you." Aniya."Ikaw naman parang hindi ka na nasanay." "This is our 3rd year of joining."
"Kung ano ang hindi mo pagpapakita ng kaba sa stage kapag kumakanta ka, kabaliktaran naman kapag naghihintay ka ng resulta."Nakangiting saad ni Tristan."Masisisi mo ba ako?" "Tatlong taon na rin tayong magkakakilala hindi ka pa rin nasanay sakin." Alam mo namang natural na akong nerbiyosa."
"At isa pa alalahanin mo last year hindi tayo ang nanalo."
Nagkaroon kasi ng isyu noon dahil isa sa mga judge na kinuha ng patimpalak ay adviser pala ng isa sa mga section ng isang eskwelahan na kasali sa patimpalak. Nanalo ang mga ito, sila naman ay 1st runner up lamang. Hindi tuloy maiwasan isipin ng iba na nagkaroon ng luto sa patimpalak.
"Pero bakit kapag kumakanta ka wala kang kakaba-kaba?"
"Tristan, iba naman yun." "Kasi pag kumanta na ako sa stage nadadala na ako sa rhythm ng music pati na rin sa Lyrics."
"Kung sabagay tama ka. Sa pagkanta naman kinakailangan ay konektado ka kung ano man ang inaawit mo." Sabi pa nito.
Tahimik na lamang siyang pinagmamasdan ni Tristan.
"Ammm, Fina may gagawin ka ba bukas?"
Biglang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
Любовные романыNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.