CAUTION: Foul words ahead!
Pinapasok na ng kasambahay si Elcid. Sabi nito ay hindi pa raw dumarating si Pia. Nagpasya siyang hintayin na lamang ang dalaga. Hindi na niya pwede pang ipagpabukas ang kailangan niyang sabihin.
Halos magiisang oras na siyang naghihintay sa sala ng bahay. Iniisip kung paano ipapaunawa sa dalaga ang hihingiin niya ditong pakikipaghiwalay. Alam niyang lubusan itong masasaktan. Ngunit mas magandang habang maaga ay tapusin na niya ito. Para huwag ng umasa ang dalaga at maghintay. Alam niyang masasaktan si Pia ngunit ayaw niyang magkunwari sa dalaga at sa kanyang sarili sa tunay niyang nadarama.
Naputol ang kanyag pag-iisip ng may maulinigan siyang nagbukas ng pintuan. Iniluwa iyon si Pia.Nagulat naman ang dalaga. Hindi nito inaasahan na madadatnan si Elcid. Dahil sa nasaksihan niya kanina, nagpalipas muna siya ng oras sa bahay ng Tita Maribel niya. Napaisip siya kung anong sadya ni Elcid. Makikipagbalikan na ba ito sa kanya. Biglang may namuong pag-asa sa kanya. At bigla siyang nasabik.
"El-babe! What are you doing here?!"
Halos tumakbo siya at sabay yakap sa lalaki.
"Oh God! I've missed you!" Sabi pa nito.Hindi naman tuminag si Elcid. Hindi ito gumanti ng yakap sa dalaga. Kahit napansin iyon ni Pia, binalewala na lamang ito.
"What brings you here? Did you miss me? Are we----?
Biglang nagsalita si Elcid."Pia we need to talk." Seryosong sabi niya sa dalaga at walang kakurap-kurap ang mga titig niyo.
Heto na naman ang 'we need to talk' ni Elcid na nagpapakaba sa kanya. This time ano na naman kaya ang sasabihin nito? Sa isip ni Pia.
Bago pa ulit makapagsalita si Elcid, gusto niyang ibahin ang usapan. Ano man ang gustong sabihin nito ay makapaghihintay iyon. Gusto muna niyang istimahin ang lalaki. Paniguradong makikipagabalikan na ito sa kanya. Biglang may sumilay na ngiti sa mga labi niya."Babe, ano man ang sasabihin mo we can talk about it later. Parang alam ko na yan." Nakangiti pa niyang sabi.
"Let's have dinner first. Hindi pa ako kumakain. And I'm sure ganun ka rin."
"Yaya! Pakihanda na ang dinner please." Hiyaw pa ng dalaga sa kasambahay.
"So how's your day? Nakapagensayo na ba kayo ni Fina?" Kunwaring tanong niya ng walang bakas ng inis.
"Pia, about Fina----" nabitin na naman si Elcid sa sasabihin.
"Senyorita, handa na po ang hapag." Anunsiyo naman ng kasambahay.
"Okay, salamat yaya. C'mon babe let's eat first, I'm really starving. Wala kasing akong gana kanina. I went to Tita Maribel. Ngayon may appetite na ako kasi nandito ka na." Sabi pa ng dalaga.
Buntong hininga na lamang ang ginawa ni Elcid. Hinayaan muna niyang akayin siya ng dalaga sa hapag. Wala siyang ganang kumain. Ngunit pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon.
Hinayaan lamang niyang magkwento ang dalaga. Inasikaso siya nito sa hapag. Pilit pinauubos ang nilagay na pagkain sa pinggan nito.
"Pia i think I've had enough." Pagpigil sa dalaga ng nais pa siya nitong salinan ng pagkain.
"Pero Babe we still have dessert. Teka ipapahanda ko muna okay?" Aktong tatayo na ang dalaga ng pigilan ni Elcid ang mga kamay nito.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.