Mula ng gabi na maihatid ni Elcid si Fina sa kanilang bahay ay hindi pa rin nagkikita ang dalawa. Naging abala kasi ang binata sa mga bagay na pinaasikaso ng kanyang Mama sa Ricemill ganun din ang pangungulit nito na fill-upan ang application form para sa kanyang Student Visa. Gusto siya nitong ipadala sa US para doon mag-aral pagkatapos niya ng highschool. Minsan na nila itong napagtalunan ng kanyang ina. Mayroon pa siyang isang taon na nalalabi para makapagdesiyon at para maisatinig ang bagay na gusto niyang gawin. At ang kurso na gusto niyang kunin pagtuntong sa kolehiyo. Ipinipilit kasi nito ang Business Management para na rin sa kanilang lumalagong negosyo. Ngunit hindi ito ang ninanais ng loob ni Elcid.
Gusto niyang maging isang mahusay na arkitekto. Ito ang kanyang gustong kuhanin na kurso pagtuntong niya sa kolehiyo. Ngunit alam niyang maghihisterya ang kanyang mama kapag isiniwalat niya ito ng wala pa sa panahon.Isang hapon lulan si Elcid ng kanyang sasakyan pagkagaling sa Bayan ng makita si Aling Sol na nagaabang sa kanilang gate.
Kunut noo ang binata ng makasigurong ang ina nga ni Fina ang nakatayo sa may gate. Hinintuan ito ng binata at bumaba ng sasakyan.Nakita naman ni Sol ang binata na paparating. Kanina pa siya nagaalangan kung tama ba o hindi ang pagsadya niya kay Elcid. Gusto kasi nitong makausap ng pribado ang binata. Nagaalala siya para sa anak na si Fina. Nang masaksihan niya ng nakaraang gabi ang titigan ng dalawa at kung paano masuyong yapusin ni Elcid ang kanyang prinsesa hindi maikakailang may umuusbong na damdamin sa pagitan ng mga ito. Kaya bilang isang magulang na may pagmamahal at pagiingat sa anak, naisipan niyang kailangan niyang gumawa ng isang hakbang upang mapigilan kung ano man ang namamagitan sa dalawa. Natatakot siya para kay Fina. Gusto niyang maprotektahan ang damdamin ng anak. Ayaw niya itong masaktan sa bandang huli.
"Aling Sol, magandang araw po. Bakit po kayo naririto? Bakit hindi ho kayo pumasok?"
"Ah Elcid magandang araw iho." Tugon niya.
"Pumasok po tayo sa loob." Paanyaya ng binata.
"Ah-eh Elcid ang totoo nito, gusto sana kitang makausap ng pribado. Pero sana sa ibang lugar hindi dito sa mansiyon." Pakiusap ni Sol.
"May problema po ba Aling Sol?" Tanong ng binata.
"Pwedeng mamaya ko na sabihin iho?"
"Sige ho." Tugon naman niya ng may tipid na ngiti.
Habang binabaybay nila ang daan ni Sol
sa loob ni Elcid ay hindi naman maipaliwanag ang kabang kanyang nadarama. Ngunit may hinala na siyang patungkol kay Fina ang kanilang paguusapan. 'Ano naman kaya ang sasabihin ni Aling Sol sa kanya?' 'Galit kaya ito sa kanya dahil sa hindi pagpapaalam kay Fina nung isang gabi? Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip niya. Tumungo sina Elcid sa Coffe Pot Cafe, doon niya dinala ang Ina ni Fina sapagkat walang masyadong taong naroroon kapag alanganing oras.Inalalayan niya si Aling Sol na makaupo at umorder siya ng pampalamig. Umupo na rin siya paharap dito. Inalok niya ito ng makakain ngunit tumanggi naman ito. Tahimik lamang si Elcid at naghihintay na unang magsalita ang kanyang kaharap. Nang mailapag na ang kanilang inumin hindi na nakatiis ang binata at tinanong si Sol.
Tumikhim ang binata at nagsalita.
"Aling Sol mukhang importante po yata ang gusto ninyong sabihin? May problema po ba?""Wa-wala namang problema Elcid." Saad nito at huminga ng malalim.
"Ngunit meron sana akong ipapakiusap sayo iho." Tumingin ito ng deretso at walang kakurap-kurap sa mga mata ng binata."Ano ho iyon?" Tanong ni Elcid at ang kaba na kanyang nadarama ay unti-unti ng nadagdagan. Halos mabingi siya sa kabog ng kanyang dibdib. Ngunit pinilit niyang umakto ng normal at kalmado sa harapan ng ina ni Fina.
"Gusto ko sanang ipakiusap sayo na.... Na kung ano man ang namamagitan sa inyo ng anak ko, kung maari ay huwag niyo ng ipagpatuloy."
Umurong ang dila ni Elcid. Halos pigil niya ang kanyang hininga. Hindi kaagad rumihistro sa kanyang pandinig ang sinabi ni Aling Sol. Ng marealize niya kung ano ang ipinakikiusap nito ay hindi niya napigilang tanungin ang ina ni Fina.
"Pero Aling Sol, bakit ho? Kung iniisip niyo na lolokohin ko si Fina, nagkakamali po kayo. Malinis po ang intensiyon ko sa kanya. Mahal ko ho ang anak ninyo." Walang kagatul-gatul na sabi ng binata.
"Elcid, alam kong mabuti kang bata. Hindi kaila sa akin ang bagay na iyon. Ngunit hindi pa napapanahon ang mga bagay na ito para sa inyo ng anak ko. Marami akong pangarap para sa kanya. At ganun din si Fina.. Ayokong maging distraksiyon kung ano mang bagay na namamagitan sa inyo ng anak ko. Mga bata pa kayo. Sa ngayon intindihin niyo muna ang mga pag-aaral niyo. Ang makatapos at magkaroon ng direksiyon. Iho, ikaw may nakikita ka ng future mo, pero ang anak ko ay unti-unti pa lang niyang binubuo ang kanyang mga pangarap. Sana mintindihan mo ang bagay na ito. Kung talagang magiging kayo sa bandang huli may tamang panahon para dito. Kaya Elcid, pakiusap iho. Hindi kana rin iba sa akin.. Sana pagbigyan mo ang hiling ko. Mas makabubuti na putulin niyo na ano man ang nasimulan ninyo ng anak ko."
Hindi makaapuhap si Elcid ng sasabihin. Sa mga sandaling iyon si Fina lamang ang nasa isip niya. Hindi niya makita ang kanyang sarili na kaya niyang iwasan ang dalaga pagkatapos ng lahat. Hindi pa man nangyayari ay kaybigat na sa kanyang pakiramdam. Sumasakit ang kanyang sintido iniisip pa lamang niya ito.
"Elcid...." Pinukaw ang kanyang pansin ni Aling Sol sa kanyang pagkatulala.
"Iho maasahan ko ba ang pakiusap ko sayo?" Tanong pa nito.Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan sa pagitan ng dalawa. Nang di lumaon ay nagsalita na rin ang binata.
"Maasahan po ninyo..." Saad niya. Halos hindi lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang kanyang sinabi.
"Maraming salamat Elcid. Aasahan ko ito sa iyo. Sana maintindihan mo na para kay Fina ang lahat ng ito. Sa tamang panahon at pagkakataon, kapag pareho na kayong establisyado. Sana rin iho ay sa pagitan na lamang nating dalawa ang ating napagusapan. Hindi ko ipagdaramot na maging kaibigan mo pa rin ang anak ko. Ngunit hanggang doon na lamang sa ngayon." Dagdag pa nito.
Tumungo at tipid na ngiti na lamang ang kanyang nagawa. Ayaw niyang suwayin ang pakiusap ni Aling Sol bilang respeto dito. Hindi nagtagal ay tumayo na ito at nagpaalam na ito sa kanya. Inalok niya ito na ihatid sa kanilang bahay ngunit tumanggi ito. May dadaanan pa daw ito at baka siya magtagal. Inihatid na lamang niya ito malapit sa sakayan ng mga Tricycle. Nagpasalamat din ito sa binata.
Ng makalayo na ang ina ni Fina, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya malaman ang gagawin kung paano biglang iiwasan na lamang si Fina pagkatapos ng mga bagay na kaniyang sinabi at kanilang pinagsaluhan. Parang kailan lang ay yapos niya sa kanyang mga bisig ang dalaga at ngayon ay parang bigla na lamang siyang maglalaho na parang panaginip lamang ang lahat.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.