Lumipas ang mga araw hindi na siya umasang makikita pa si Elcid. At sa wakas ay pumasok na rin ang kanyang dating kababatang si Lani.Hindi niya napigilan ang sarili at tinanong si Lani kung nagkausap ba sila ni Elcid bago ang pagluwas nito sa Maynila.
"Lani, alam mo ba kung anong nangyari kay elcid?". Tanong niya.
Tinitigan lamang siya ni Lani at kapagkuway nagsalita."Alam mo Fina, masyado kang intrimitida!" Painis na sabi nito.
"Hindi kasi siya nagpaalam man lang bago siya lumuwas ng Maynila." Pagpapatuloy ni Fina.
"Hahaha!" "At bakit naman siya magpapaalam sayo magkaano-ano ba kayo?" Patawang sambit ni Lani.
Bigla namang nahiya si Fina at napagtanto na oo nga naman bakit nga naman kelangan pa magpaalam ni Elcid sa kanya. Hindi naman sila magkaano-ano?!
Ngunit may pagaalala kasi sa puso niya para sa dating kababata. Natahimik siya at nagpaalam na lamang kay Lani.
Hindi tuloy nya maiwasan ang pagkapahiya. Inismiran naman siya ng dating kababata at nagpatuloy ito sa paglakad.Nagdaan ang maraming mga araw at sa wakas ay malapit na ang kanilang pagtatapos ng Elementarya. Hindi parin nawawaglit sa isip niya si Elcid. Isang araw habang naglalakad siya pauwi ay napagisipan niya na sadyain ang ricemill nina Elcid. Doon din kasi nakatirik ang mansion ng mga Villaflor.
Mataman siyang nagmasid at pabalik-balik sa paglakad nagaabang kung may lalabas o papasok ng gate. Sa wakas ay may isang guwardiyang lumabas upang pagbuksan ang isang palabas na sasakyan. Bago maisara pabalik ng guwardiya ang gate ay napansin siya nito.
"Hindi ba ikaw si Fina?." Tanong ng guwardiya. Dali dali namang lumapit si Fina.
"Opo manong ako nga po si Fina." Tugon niya.
"Anong ginagawa mo ditong bata ka?
" Hindi ba't ikaw ang anak ni Aling Sol?" "Yung masarap gumawa ng halayang ube?" Pangingilala ng matandang guwardiya.
Napangiti siya at nagpasalamat na buti na lang ay kakilala pala ng kanyang ina ang matandang lalaking kausap.
"Anong sadya mo ineng?" Ang guwardiya.
"Nagbabakasakali lamang po akong makausap si Elcid." "Naririyan po ba siya?" Magalang niyang tanong.
"Naku ineng huling-huli kana. Mahigit dalawang Linggo ng wala dito sina Elcid at ang kanyang mga magulang. May kailangan kasing asikasuhin ang mag asawang Villaflor sa Maynila. Baka doon na muna sila manirahan pansamantala." Pangunumpirma ng matandang guwardiya.
Magtatanong pa sana siya tungkol kay Elcid ngunit tinawag na ito ng isa pang kasamahang guwardiya.
"Sige ineng babalik na ako sa aking trabaho." Pagpapaalam nito sa kanya.
"Sige ho, maraming salamat."
Matamlay na paalam narin niya.Lulugu-lugo niyang tinahak ang daan pauwi ng kanilang bahay. Ngunit bigla na lamang siyang napahinto at tinahak ang isang malapit na burol. Magtatakip silim na kasi. Gustong-gusto niyang pagmasdan ang paglubog ng araw. At namnamin ang sariwang hangin na gustong-gusto niya sa bayan ng San Jose. Sumalampak siya sa matingkad na mga damo at nangalumbaba. Tanaw niya ang isang malawak na lupain. Karamihan sa mga ito ay pagaari ng mga magulang ni Elcid.

BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.