Tuloy-tuloy na siyang naglakad patungo sa pintuan. Hinabol naman siya ni Elcid.
Pilit siyang pinipigilang umalis nito."Fina, ihahatid na kita. Gabi na at maulan pa sa labas." Pahingal na sabi ng binata.
Napansin naman ni Fina na parang namumutla ito at malamlam ang mga mata. Hindi kasi niya iyon napansin kanina dahil sa pagkabigla ng magkabanggaan sila nito.
Biglang sinapo ng binata ang kanyang ulo at minamasahe ang sintido."Elcid okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Fina.
Bago pa ito nakapagsalita ay napahawak na siya sa mga balikat ni Fina. At sapo ang ulo nito.
Dinama naman ni Fina ng kanyang mga palad ang mga pisngi ni Elcid at sinalat din ang noo nito. Inaapoy pala ito ng lagnat.
Napayakap na si Elcid sa mga balikat ni Fina, at inaalalayan niya ito na maupo sa malapit na sofa."Nanay Pasing! Nanay Pasing!"
Tarantang tawag ni Fina sa matanda.Dali-dali namang lumabas ang matanda sa kusina at histerya itong nagtatanong kung ano ang nangyari.
"Nay Pasing, inaapoy po si Elcid ng lagnat."
Lumapit dali-dali ang matanda at hinipo ang ulo ni Elcid.
"Naku Elcid bata ka, ang taas nga ng lagnat mo."
"Fina, maari mo ba akong tulungan at ng maiakyat natin siya sa kanyang silid?""Sige ho." At tumalima naman si Fina.
Inalalayan nila si Elcid paakyat ng kanyang silid. Inihiga ito at mabilis na kinumutan.
"Fina, maari bang dito ka muna at bantayan siya? Maghahanda lang ako ng mainit na tubig para mahilamusan at mahimasmasan siya." Pakiusap ng matanda.
"Sige ho, dito lang po ako. Babantayan ko po siya." Sagot naman niya.
Lamig na lamig si Elcid. Halos takpan na nito ang buong katawan ng kumot. Parang nadedeliryo na ito. Sobrang nagaalala si Fina para dito. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Kaya wala sa sariling niyakap na lamang si Elcid sa ibabaw ng kumot nito. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng buong katawan nito.
Ng lumaon dumating na rin si Aling Pasing dala ang mga gamot at mainit na tubig panghilamos kay Elcid.
"Kung kailan padating pa naman ang kaniyang Mama doon pa ito nagkasakit."
Sabi pa ng matanda."Tulungan ko na po kayo." Sabi ni Fina.
"Okay lang ba iha? Alam kong gabi na at baka hinahanap ka na sa inyo. "Pero ipapahatid na lamang kita sa driver ha?"
"Okay lang Nay Pasing."
"O sige, gagawa muna ako ng mainit na sabaw para kay Elcid. Siguradong hindi pa yan kumakain."
"Sige ho ako na ang bahala."
At dahan-dahan niyang pinunasan ng bimpo si Elcid sa noo nito, sa leeg at sa mga kamay. Inalis na ni Fina ang pagaalinlangan. Sa oras na iyon kailangan ni Elcid ng isang kaibigan na magaaruga sa kanya.
Pumasok naman ulit si Aling Pasing sa kwarto.
"Fina kailangan siguro na mapalitan ang pangitaas na damit ni Elcid."
"Oo nga ho, pawis na pawis na po siya."
Kumilos naman ang matanda at kumuha ng T-shirt ng binata. Pinagtulungan nilang ibangon si Elcid para mapalitan ang damit nito.
Pagkatapos nito ay nagpaalam na ulit ang matanda para kuhanin ang mainit na sabaw para kay Elcid.Hindi naman umalis si Fina sa tabi ng binata. Nakatitig lamang ito sa natutulog na si Elcid.
"Ano kasing pinag gagagawa mo? Akala ko pa naman eh malakas ka, naulanan ka lang yata ng kaunti nagkaganyan ka na." Pagkausap sa nahihimbing na binata.
Umungol naman ito. Siguro ay nananaginip.
Tinanggal niya ang bimpo na nasa noo nito para salatin kung bumababa na ang lagnat niya. Ng akmang babawiin na niya ang kanyang mga kamay, biglang gumalaw si Elcid paharap sa kanya. At parang unan na niyakap ang kanyang mga palad sa dibdib nito. Hinayaan na lamang niya ito.Umuungol pa rin ito.
"Fina, ihahatid na lang kita." Biglang sabi nito sa mahinang boses.
"Finaaaaa... Finaaaa..""" "Sorry Fina." Paulit ulit pa nitong tinawag ang pangalan niya.
Nananaginip nga yata si Elcid. At naaalala ang mga eksena kanina.Hindi naman niya mapigilang haplusin ang pisngi nito. At kausapin si Elcid kahit hindi nito naririnig ang mga sinasabi niya.
"Magpagaling ka Elcid. Walang uubos ng mga kakaning inorder mo." Sabay ngiti pa niya.
At biglang sumiryoso ang mukha niya at patuloy ang paghaplos sa mukha ng nahihimbing na siElcid.
"Magpagaling ka. Ayaw kong nakikitang ganyan ka. Gusto kitang makitang masigla at laging nakangiti."Sa may pinto hindi namalayan ni Fina na naroroon lamang si Aling Pasing at dinig na dinig nito ang kanyang mga sinabi. Napangiti naman ang matanda.
"Fina, heto at pakainin natin si Elcid para makainom na siya ng gamot."
Dahan-dahan naman niyang binawi ang mga kamay sa dibdib ni Elcid. At pilit naman itong ginising ni Aling Pasing.
"Elcid, iho gumising ka kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot."
Ilang beses pa itong pinilit gisingin. At pinilit na rin nila itong alalayan pasandal sa headboard.Iniabot naman ni Aling Pasing ang mainit na sabaw kay Fina para subuan ang binata.
"Fi-fina?" Nanghihinang tanong ni Elcid.
"Nandito ka?" "Baka nag-aalala na si Aling Sol sa iyo.""Wag kang mag-alala sa akin, isipin mo muna ang paggaling mo. Kaya heto kumain ka para makainom ka na ng gamot."
"Pasensya ka na. Pasensya ka na kanina." Hawak parin nito ang sintido dahil sa sakit ng ulo.
"Huwag ka na munag magsalita. Kumain ka na lang muna." At pinilit kumain ang binata at pinainom ng gamot.
Pagkatapos nito ay nagbalik na si Elcid sa pagtulog. Nagtagal pa si Fina ng isang oras. Nakuha ng sumuka at magpapalit palit ng damit ni Elcid at ng sa wakas ay bumaba na ang lagnat nito.
Pasado alas-onse na ng gabi ng naisip na niyang magpaalam kay Aling Pasing."Nay Pasing. Mauuna na ho ako. Tutal bumaba na po ang lagnat ni Elcid. Para makapagpahinga na rin ho kayo."
"Maraming salamat sayo Fina. Magiingat ka ha. Ihahatid ka na ng driver. Sana asahan kitang dumating bukas." Niyakap pa siya ng matanda.
"Wala hong ano man. Opo dadalo po kami bukas. Basta ba gumaling na ng tuluyan si Elcid. Siguro huwag na lang muna siyang lumabas at pumunta kung saan para hindi siya mabinat."
"Oo, sasabihin ko iyan ang bilin ng Nurse Fina niya." Biro pa ng matanda at nagkatawanan pa sila nito.
Bago pa siya tuluyang lumabas ng silid ni Elcid, nilapitan niya ulit ito, inayos pa niya ang kumot nito, at hinaplos ang noo. Napangiti na lamang siya dahil parang ang sarap sa pakiramdam na alagaan ang isang taong may puwang sa puso niya.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.