Chapter 27.2

590 32 2
                                        

Magtatakip-silim na ng mapagpasyahan ng lahat ang umuwi. Marami pa kasing naikwento ang kanilang guro na si Mr Santos. Hindi mapagsidlan ang tuwa nito. Nagdrama pa ito na sa tagal daw ng kanyang pagtuturo ay ang kanilang batch ang kanyang paborito at pinaka-maaalala niya kapag siya ay nagretiro.

Napansin naman ni Fina ang kaibigang si Tesa na dikit kay Elcid. Parang close na magkaibigan ang dalawa kung magbulungan ang mga ito. Hindi na lamang niya ito pinansin. Nagkayayaan na ang lahat at nagsipaghanda na para umuwi. Nararamdaman na ni Fina ang pagod sa maghapong walang pahinga.
Nilapitan na siya ni Tesa. Bitbit-bitbit nito ang sangkatutak na mga prutas na nasungkit sa mga puno. Habang palabas na sila ng kubo ay nagsalita ito.

"Fina, pwedeng sumabay na lang tayo kay Elcid pauwi para naman hindi na tayo mag-iba ng daan at mamasahe pa? Okay lang naman sa kanya eh. Sige na please..." Pakiusap pa ng kaibigan.

"Bakit nag-offer ba siya sayo na ihahatid ka niya? Kung 'Oo, eh di sumabay ka! Okay lang naman sakin." Sagot nito.

"Hindi ko sinabing ako lang. Sabi ko 'tayo'! Kung pwede lang naman. Kasi maghapon na tayong pagod diba? Tapos bibyahe pa pauwi. Ang sakit na nga ng mga paa ko kanina sa layo ng nilakad namin sa Parade. At nakikita mo ba itong dala-dala ko? Ang bigat kaya nito." Pagdadahilan pa ni Tesa.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na ubusin mo ang bunga ng mga puno dito. Tapos ngayon problema mo pa yan sa pagbitbit." Sermon naman ni Fina dito.

"Sige okay lang kung ayaw mo. Wala ka naman talagang concern sa akin eh." Pagdadrama pa nito para lang pumayag siya.

"Alam mo ang dami mong drama. Malapit na kitang sabunutan sa mga pinag-gagagawa mo." Inis na sabi ni Fina.

"Ano na naman? Wala naman akong ginagawa ah? Ikaw puro ka bintang at maling akala. Kaya napapahamak ka eh. Masyado kang assuming sa mga bagay-bagay. Minsan magimbestiga ka rin." Ganti namang sagot nito sa kanya.

"May imbestiga ka pang nalalaman. Umuwi na nga tayo at maggagabi na." Hinila na siya ni Fina patungo sa jeep. Sinadya namang bagalan ni Tesa ang paglakad nito.

Nagmamadaling lumapit naman si Tristan sa dalawang dalaga pagkatapos kausapin si Elcid. Napahinto ang dalawa sa paglalakad.
"So are you ladies ready? Ihahatid na raw kayo ni Elcid pauwi. Para hindi na kayo lumayo pa. I have to get my car sa school pati narin sina Carlo at Cris."

"Oo naman ready na kami. Kayo na lang ang hinihintay." Sabi ni Tesa.
Lumapit na rin si Elcid pagkatapos mamaalam sa ibang mga kasama at sa kanilang guro.

"O sige Bro! Ingat! Salamat sa food."  Pamamaalam na rin ni Tristan sa mga ito at humabol na ito para makasakay sa Jeepney.

"Pero, Teka Tris---" nakalayo na si Tristan ng mapagtanto ni Fina na hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong magdesisyon kung payag siya o hindi na sumabay kay Elcid. Napangiwi na lamang siya.

"I guess wala na tayong choice kung hindi sumabay kay Elcid. Wala na tayong ibang masasakyan Fina." Umalis na ang jeep." Kunway nalulungkot pa nitong sabi.

Tinulungan na ni Elcid si Tesa sa mga bitbit nito at inilagay sa may trunk ng kanyang sasakyan. Sumakay na siya sa likod at si Tesa naman sa harapan.
Hindi na lamang siya kumibo at nagpatianod na lamang sa hiling ng kaibigan. Wala na siyang lakas pa na makipagtalo dito dahil naubos na sa maghapong aktibidades sa eskwela.

Tahimik lamang siya habang binabagtas ni Elcid ang daan pauwi.
"Tesa, Fina, may dadaanan lang ako sandali kung ok lang. It will only take me 5 minutes. May nakalimutan kasi ako eh, importante lang." Sabi ng binata.

"Okay lang Elcid." Si Tesa na ang sumagot sa lalaki.

Hindi pansin ni Fina kung saang lugar huminto si Elcid. Hindi kasi mawaglit sa kanyang isip ang nakita kanina bago sipa umalis ng eskwelahan. Pagbaba ni Elcid ng sasakyan ay bigla niyang pinuna ang kaibigang si Tesa.
"Close na kayo ganun?!" Paninita ni Fina sa kaibigan.

"Anong close?"

"Kasi kung magusap kayo parang siya ang bestfriend mo! Sabihin mo na kung ipinagpalit mo na ako sa Elcid Villaflor na yan!"

Natawa naman ang kaibigang si Tesa.
"Alam mo para kang eng-eng! Kanina ka pa ganyan. Kanina pa mainit ang ulo mo. Masyado kang apektado! Dahil ba yun sa kanina, ung kay Pia?"
"Alam mo huwag mo ng isipin iyon. Sinasayang mo lang ang energy mo sa pagiisip. Alam ko namang nagseselos ka. Pero alam mo hindi mo kailangang magselos kasi..."
Nabitin ang sasabihin nito dahil nakita ni Tesa na pabalik na si Elcid. Tumuloy ito sa may trunk ng sasakyan at inilagay doon ang kung anong bitbit nito. Ngunit may idea na si Tesa kung ano iyon.

"Kasi ano?!" Ulit naman ni Fina.

Hindi na  sumagot si Tesa dahil nabuksan na ni Elcid ang pinto at lumulan na sa sasakyan.

"Fina, do you mind if we drop off Tesa first?" Tanong ng binata.

"Naku naman Elcid, tinatanong pa ba yan? Siyempre naman okay lang." Sabat naman ni Tesa.

"Bakit ba ikaw ang sagot ng sagot hindi naman ikaw ang tinatanong?" Hindi na napigilan ni Fina ang inis nito at
inirapan na lamang si Tesa at hinayaan na ang kaibigan.

"Bestfriend!!! Uyyyyy... Peace tayo." Pangungulit pa nito.

Hindi na nagsalita pa si Elcid. Ngingiti-ngiti na lamang ito. Kapareho ni Tesa. Hindi rin niya maintindihan ang kaibigan kung bakit parang high na high ito. Parang hindi mapakali at ang kulit pa nito. Pakanta-kanta pa ito ng lovesong ni Ariel Rivera na inawit niya kanina.

"Elcid, nagustuhan mo ba yung kanta kanina?" Biglang tanong ni Tesa sa binata.

"Oo naman." Simpleng tugon nito.


"Magaling ba?" Tanong ulit ni Tesa.

"Oo, it was..... lovely."
Walang paligoy na sabi nito.

"Alam mo tama ka. Yung feeling na parang nakaka-inlove ganun. Ganun di ba?" Kinikilig pang sabi ni Tesa.

Natahimik naman si Elcid sa sinabi ni Tesa at pinili itong huwag sagutin. Ayaw kasi niya na mailang si Fina sa kanya.

"Nakakainlove talaga haaayyyy..." Bumuntong hininga pa ito.
"Nakakainlove talaga si Ariel Rivera ano? Ang galing kumanta tapos feel na feel pa diba?!"


" Aahh---Si Ariel Rivera naman pala ang tinutukoy mo!?" Sarkastikong sabi naman ni Fina.


"Sino pa ba? Hindi ba siya ang original na kumanta nung inawit mo?! Ang kilabot ng mga kolehiyala at higschool?!" Tili pa nito.


Magsasalita pa sana si Fina ngunit huminto na ang sasakyan ni Elcid sa tapat ng bahay nina Tesa.
Nawiwirduhan siya sa dalawa niyang kasama. Parang kung mag-usap ang mga ito ay wala siya roon at walang naririnig. Nakita niyang nasa may labas ng bahay ang ina ni Tesa kaya bumaba na rin  siya upang magbigay galang sa ina ng kaibigan.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon