Chapter 27.1

653 27 2
                                    

Pagkatapos kumain nagpunta naman sila ni Tristan sa may maliit na kubo na may duyan. Umupo doon si Fina at mahina naman siyang idinuduyan-duyan ni tristan.

"Fina, hindi naba talaga magbabago ang isip mo? Tuluyan na ka na ba talagang aalis sa banda?"
"I mean you dont need to. If there's one person that needs to stay in the band, ikaw iyon. You should be the last person to leave. You're the lead vocals. Sino naman ang inaasahan mo na papalit sayo?" Makikita sa mukha ni Tristan ang frustration nito.

"Tristan, Pia is there. She is the only person who can replace me. She is good. Iba lang siya at  mahirap pakisamahan kung minsan. But Give her a chance. It will all work out. Sabi naman ni Fina.

"Si Pia?!" Ewan ko Fina. Ewan ko." Iyon na lamang ang mga nasabi ng binata.

Sa di kalayuan ay nagmamasid naman si Elcid sa dalawa. Parang may seryosong pinauusapan ang mga ito. Naalala niya na may itinatanong pala si Tesa kanina sa kanya na hindi niya narinig. Hinananap ng kanyang mga mata kung nasaan ang naririnig na malakas na boses ng dalaga. Lumakad siya palabas at napatingin siya sa itaas ng puno ng mangga. Naroroon ito at sinusungkit ang mga bunga. Nasa baba naman ang iba nilang kasama at naghihintay malaglag ang mga sinusungkit nito.

Napatingin ang dalaga sa gawi ni Elcid. Kinawayan siya ng binata. At dali-dali na siyang bumaba. Abala naman ang iba sa pagkuha ng mga bunga at iniwan na ang mga ito.

"Tesa, hindi ba may gusto kang itanong sakin kanina?" Sabi ni Elcid.

"Oo, pero halika muna doon tayo sa may loob ng kubo uhaw na uhaw na ako eh." Sabi na lamang ng dalaga ngunit ang totoo ay ayaw niyang makita sila ni Fina na naguusap na dalawa ni Elcid.

Pagkatapos niyang lagukin ang isang basong tubig ay tinanong na niya ang binata.
"Elcid, huwag mo sanang mamasamain ito ha?"

"Oo naman. Ano ba iyon?"

"Ikaw ba ang nagbigay ng mga bulaklak?"

Hindi kaagad sumagot ang binata. At parang alam na niya ang ibig sabihin ng dalaga.

"So ikaw nga?"

"Oo ako nga." Kakamot-kamot sa ulo na pagamin ni Elcid.

"Ah- Okay. Yun lang." At aalis na sana ang dalaga ng pigilan siya ni Elcid.

"Teka ka lang. Bakit nagalit ba si Fina? Hindi ba niya nagustuhan?"

"Ha?!!" Gulong-gulo si Tesa sa binata.

"Ayaw ko kasing iabot sa kanya sa harapan ng maraming tao. Alam mo na baka ano na naman ang isipin nila. Lalo na si Pia. Alam mo naman yun iba mag-isip." Pagpapaliwanag ng lalaki.

"Naguguluhan ako sa'yo. Ang ibig mong sabihin ang isang kumpol ng pulang rosas na iyon hindi para kay Pia?!" Gulat na gulat na tanong ni Tesa sa binata.

"Ano?! Hindi noh?! Sadya ko iyong iniwan sa ibabaw ng bag ni Fina. Hindi ko na nga inilagay ang pangalan ko sa maliit na card."

"Card? Anong card? Walang card doon Elcid. At ang bulaklak na sinasabi mo ay nasa ibabaw ng bag ni Pia. At may nakasulat pa nga na note mo doon eh. 'To the most beautiful girl in my life. My Pia.'  Congrats. Elcid.' Namemorya pa ng dalaga ang nakasulat sa note na sinabi ni Fina sa kanya ng mabasa ng dalaga ang nakasulat doon.


"What????!" Napahawak sa noo si Elcid.
"Oh my God! It's Pia. She wrote that note." Iiling-iling na sabi ng lalaki.


"So, ibig nitong sabihin si Pia ang gumawa ng note? At inangkin ang bulaklak na hindi naman pala para sa kanya?!"
"Haaayyyy grabe ang X mo ah?!" Nag-inarte pa sa harapan ng kaibigan ko na 'you're so sweet daw."


"Im sorry. I didn't mean for this to happen. Hindi para kay Pia ang mga bulaklak na iyon. It's for Fina. I just wanna give her something to Congratulate her. Hindi ko kasi alam kung paano ko iaabot sa kanya." Sabi ni Elcid.

"Elcid, tapatin mo nga ako. Sigurado ka na ang mga bulaklak na iyon ay para lang e-congratulate ang kaibigan ko?"
"O baka naman may iba kapang ibig sabihin doon?" Prangkang tanong ni Tesa sa binata.

Bumuntong hininga ang binata.
"Tesa, Wala akong masamang intensiyon kay Fina. All i want is to see her happy. To make her smile. To be near her and care for her." Parang wala sa sariling nasambit iyon sa harapan ng dalaga habang nakatuon ang tingin sa dako ni Fina sa may duyan.

"Elcid, sa mga sinasabi mo parang may gusto ka sa kaibigan ko. May gusto ka ba kay Fina? Tapatin mo nga ako. Gusto mo ba siyang ligawan?"

"May pag-asa ba naman ako sa kaibigan mo? Sa lagay na yan eh parang bantay sarado siya ni Tristan." At pareho silang napatingin sa may kubo kung saan naroon si Tristan at Fina.

"Oh my gulayyyy!!!" Kinikilig ako kinikilig ako!! Hindi maawat si Tesa sa tuwa.
"Basta ako wala akong gagawing hakbang para mapalapit ka ng husto kay Fina. Bahala kang maghirap. At kung gusto mo siyang ligawan, huwag mong idaan sa mga palihim na bigay ng bulaklak! Hayan tuloy iba ang nakakuha."

"Oo nga eh. Wrong move." Sabi pa ni Elcid.

"Atsaka alam mo Elcid, siguro kailangan mong kausapin si Pia. Siguradong magwawala yun kapag nalaman na nililigawan mo si Fina. Ayaw mo naman sigurong magkaroon sila ng mas malalang issue diba?" Pagaalala ni tesa.

"Sinabihan ko na siya. She was in denial about it. She still hopes na magkakabalikan pa kami. Kahit sinabi ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman na may mahal na akong iba."

"Elcid, wala akong karapatan na manghimasok sa inyo. Pero damay kasi dito ang kaibigan ko eh. Sana protektahan mo si Fina kay Pia."
"Sa lahat ng mga sinabi mo at pag-amin mo sa pagtingin mo sa kaibigan ko, nagpapatunay lamang na walang katotohanan ang mga sinabi ni Pia sa kanya ng mag-usap silang dalawa."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Elcid.

Ikinwento na nga ni Tesa ang nangyaring paguusap ni Fina at Pia sa Coffee Pot. At ang mga bagay na sinabi nito sa dalaga. Nagulat si Elcid sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na gagawin ni Pia ang magtag-tagpi ng mga salita. He really owes  Fina an apology. Humingi din siya ng paumanhin kay Tesa.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon