Chapter 17.1

597 31 4
                                    

Nagsidatingan na nga ang iba pa nilang kagrupo sa mansion nina Elcid. Maliban lamang kay Pia. Hindi rin nagtagal ay lumabas na ng silid si Elcid at nakita na nilang pababa ito ng hagdan.

"Hello mga bro!" Masayang bati niya.

Mukhang okay na nga ang pakiramdam nito at parang nagdahilan lamang kagabi sa tingin ni Fina.

"Hi, Fina!" Matamang titig niya sa dalaga.

"Hi!" Simpleng sagot na lamang ni Fina at paiwas ang tingin kay Elcid.

"Hey, we heard mukhang nagdeliryo ka kagabi ah?" Sabi ni Cris.

"Yeah, i was very sick man!"
"Buti na lamang magaling ang nurse ko."
Bigla namang kinabahan si Fina. At napatingin kay Elcid.
Sinalubong naman siya ng tingin ng binata.

"Iba ka talaga Elcid may personal nurse ka pa pala. Si Pia ba yun?" Pagbibiro naman ni Carlo.

"Hindi bro." Sagot niya.

"Ang mama mo ba?" "Ginawa mo pang Nurse ang Mama mo?" Tanong ulit ni Carlo.

"Hindi Bro!" Tanggi ni Elcid.

Padating naman si Aling Pasing na may dalang malamig na inumin. At hindi nakaligtas sa kanyang pandinig na inuusisa si Elcid.

"Ako ang kanyang personal Nurse syempre! Sino pa ba?!" Pagsabat ng matanda.

"Of course!" My ever caring Yaya! Sino pa nga ba?! Guys this is Nanay Pasing!" Pagpapakilala naman ni Elcid at hindi pa rin maiwasan nito ang pagtitig kay Fina.

Sadyang ibang-iba kasi ang aura nito. Bagay na bagay nito ang kanyang suot. Napakasimple, at ang kanyang makintab at mahabang buhok na itinrintas ay bumagay sa buo niyang hitsura.
Ngunit isa sa mga nagpalambot ng kanyang damdamin ay ang kaalaman na inalagaan siya ni Fina kagabi.

Oo at hindi maganda ang kanyang pakiramdam at napakasakit ng ulo niya kagabi. Hindi niya alam kung nananaginip siya na hawak niya ang mga kamay ni Fina. Parang totoo ang lahat ng iyon. Pero hindi siya sigurado kung alin doon ang panaginip o ang totoo. Parang naramdaman din niya na may masuyong humahaplos sa kanyang mukha kagabi. Inaasam-asam ng puso niya na sana ay totoo ang lahat ng iyon.

Hindi pa siya nakakapagpasalamat sa dalaga. Gaya parin ito ng dati, tahimik at hindi masyadong nagsasalita.
'Nahihiya ba ito sa kanya?'
'Hindi ba dapat siya ang mahiya sa dalaga dahil inalagaan siya nito?'
'Nabanggit pa ni Nanay Pasing na nasukahan pa niya ito.'

"Elcid, where's Pia nga pala?" Tanong ni Tristan. 

"Pinasundo ko na siya sa driver." Sagot naman ng binata.


"Bro, nandito na rin ba ang Mama mo?"

"Oh yeah! May pinuntahan lang siya saglit. She will be here in a moment.

"Don't be shy and feel at home, let me know what you guys want. Marami akong pinahanda."

"Wow! Excited na ako sa chibugs!" Pagbibiro naman ni Carlo.

"Feel free to check our place, pwede ko kayong samahan sa may Lawn. We have swimming pool in the back at mini golf course may billiard table din doon." Sabi ni Elcid.

"Okay bro! Halika kayo lets check it out." sabi naman ng excited na si Cris.

Eksaktong lumabas naman ng kusina si Aling Pasing at tinawag ang pansin ni Fina.

"Fina, halika!" Pagtawag sa dalaga.
Alanganin naman siyang lumapit.

"Tutal puro mga bulugan naman yang mga kasama mo halika samahan mo ako sa kusina. Magkwentuhan tayo."

"Ho?"

"Sige Fina, okay lang sasamahan ko muna sila sa Lawn." sabi naman ni Elcid.

Ngiti lamang ang isinagot kay Elcid.

"Sige ho, at tutulungan ko na rin kayo."

"Naku hindi iha baka madumihan kapa. Napakaganda mo pa naman sa suot mo. Bagay na bagay sayo iha."
Nahihiya naman siyang nagpasalamat.

"Bago ko nga pala makalimutan ako na ang pinakiusapan ni Elcid na magabot ng bayad sa mga kakanin."

Iniabot nito ang sobre.
Napansin niyang parang sobra naman ang bayad ni elcid sa mga kakanin.

"Aling Pasing, sobra po itong bayad ni Elcid. Hindi ko po ito lahat matatanggap."
"Yung isang putahe po na gawa ni Nanay, regalo po iyon para sa kanya. Pasalamat daw ni Nanay kasi madalas ay inihahatid ako ni Elcid kapag ginagabi kami sa ensayo."

"Fina, huwag mo ng tanggihan iyan please." Si Elcid, hindi niya namalayan na naroroon pala ito sa may pintuan ng kusina at nakikinig.

Hinarap siya ni Elcid.
"Kunin mo rin ito bilang pasasalamat kagabi." At pinagsalikop ng binata sa mga palad ni Fina ang sobre ngunit hindi pa rin nito iniaalis ang kanyang mga kamay.
Nakatitig lamang ito sa kanya.

Napalunok naman si Fina.
"Hindi Elcid, hindi ko ito matatanggap." Protesta pa ni Fina.

Hindi naman malaman ni Aling Pasing kung matatawa o tutuksuhin ang dalawa. Para kasi silang magkasintahan na hindi magkasundo sa isang bagay. Tahimik na lamang siya at kunwari'y abala sa mga inaasikaso nito.

"Yung kagabi, wala iyon." Huwag mo ng alalahanin yun. Kahit sino namang kaibigan gagawin ko iyon kung kinakailngan." Dugtong pa ni Fina.

"Kahit kay Tristan?" Nagulat naman si elcid sa sarili niyang tanong. Hindi niya inaasahan na lalabas iyon sa sarili niyang bibig. Hindi na niya ito mabawi.

"Oo, kahit pa kay Tristan." Walang pikit matang sagot niya kay Elcid.

Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

"Sir, dumating na po ang Mama ninyo." Paganunsyo naman ng isang kasambahay.

Binawi ni Fina ang kanyang mga kamay. At ibinalik kay Elcid ang ibang laman ng sobre ng hindi ito nagsasalita. Walang bakas ng galit o tuwa sa mukha nito.

"Fina, i didn't mean to offend you." Sabi ni Elcid.

"Okay lang yun Elcid. Huwag mo ng alalahanin yun. Magkaibigan naman tayo hindi ba?" "Simpleng 'thank you', okay na iyon." Seryosong sabi ng dalaga.

Ngunit alam niyang may nasaring siyang damdamin ng dalaga.
Wala ng nagawa si Elcid kung hindi tanggapin na lamang pabalik ang ibinigay sa dalaga. Hindi kasi niya alam kung paano magpapasalamat kay Fina. Hindi niya sinasadyang maramdaman ni Fina ang kakulangan sa pinansyal na bagay. At lalo na ang pagtatanong kung gagawin din ba nito ang ginawa niyang pagaalaga sa kanya kay Tristan.
Naisip niyang wala siyang karapatan na usisain ang bagay na iyon sa dalaga.

Pero ang isipin na gagawin ni Fina ang bagay na ginawa nito kagabi kay Tristan ay ayaw iproseso ng isip niya. Nagpoprotesta ang kanyang isip at damdamin niya.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon