Chapter 24.2

665 28 2
                                    

Pakiramdam ni Fina ay parang kaytagal ng kanilang paglalakbay papunta ng ekswelahan. Hindi siya mapakali sa likuran dahil kung anu-anong bagay ang kanyang naiisip. Partikular na ay ang baka kung makita sila ni Pia na bumababa sa sasakyan ni Elcid pagdating sa kanilang paaralan. Hanggat maaari ay ayaw nitong bigyan ang dalaga ng dahilan para pagbintangan na naman siya na nagpapapansin kay Elcid.

Binasag naman ni Tesa ang katahimikan.
"Kumusta ka naman Elcid?" Tanong ni Tesa sa binata.



"Okay  naman ako." Nakangiting sabi ng binata.
"Alam mo medyo nagtataka nga ako kung bakit halos lahat ng taong kakilala ko eh tinatanong kung ok lang ba ako? Mukha ba akong hindi okay sa tingin mo Tesa?" Sabi ng lalaki habang ang atensiyon ay nakatuon sa pagmamaneho.




Tumitig naman sa mukha ng binata si Tesa.
"Sa palagay ko okay ka naman Elcid. Ang gwapo mo nga ngayon. Parang iba  ang dating mo. Hindi ba Fina?" Pagbibiro ng dalaga at napangiti na lamangsi Elcid.

Tumingin ito sa front mirror upang silipin ang reaksiyon ni Fina na tahimik lamang sa likurang upuan. Nagtagpo naman ang kanilang tingin. Ngunit mabilis ibinaling ng dalaga ang tingin sa may bintana.


"Hoy Fina! Bingi ka ba?" Hindi ba parang iba ang dating ni Elcid ngayon? Hindi mukhang heartbroken?" Pagbibiro pa ni Tesa.
"Ay deadma niya ako!" Sabi pa ng kaibigan ng hindi siya sumagot.

"Biro lang Elcid ah, baka mapikon ka. At parang nalunok yata ng kaibigan ko ang kanyang dila kasi ayaw magsalita." Dagdag pa ng nang-aasar na dalaga.


"Okay lang Tesa. Salamat sa compliment ha? Okay naman ako, things happen for reason diba? Some things are just really not meant to be." Makahulugang sabi naman ng binata.

"Wow ah. Parang may pinaghuhugutan ka yata ah? Alam mo tama ka diyan Elcid. Minsan yung taong akala mo kilala mo na, yun pala ay napakaraming ugaling ikinukubli sa'yo diba?" Sabi pa ni Tesa.

Hinayaan na lamang ni Fina na magusap ang dalawa. Ayaw niyang makisali sa mga ito at magpakita ng interes sa paksang pinaguusapan.
Pagdating nila sa eskwelahan ay kitang-kita ang pagkaabala ng lahat, labas masok ang mga sasakyan sa kanilang Campus. Mabuti na lamang ay nakahanap si Elcid ng lugar na mapaparadahan. Bago pa sila bumaba ay nagpasalamat naman si Tesa.


"Maraming salamat Elcid. Goodluck sa sayaw ninyo mamaya. Pag-checheer ko kayo." Masayang sabi naman nito.

"Walang ano man. Anytime!" Sagot naman ng binata.


"Salamat." Ang tanging salitang binitawan ni Fina at nauna ng bumaba ng sasakyan.

Nagkatinginan naman si Tesa at Elcid.
"Elcid, pasensya ka na kay Fina. Medyo may sumpong yata." Pagbibiro pa ng dalaga. Bago pa ito tuluyang bumaba ay may sinabi pa ito.


"Pero alam mo masaya ako para sa'yo na okay ka. Minsan tumingin ka rin lang sa paligid mo. Kasi minsan may mga taong totoong nagmamahal sa'yo. Siguro masyado lang nakatuon ang atensiyon mo sa iisang tao, kaya hindi mo nakikita yung taong nandiyan lang pala para sa'yo."
Pagkasabi niyon ay bumaba na ng tuluyan si Tesa ng sasakyan ni Elcid.


Naiwan naman si Elcid na matamang nag-iisip kung ano ang ibig ipahiwatig ni Tesa sa mga sinabi nito. Ayaw niyang bigyan ng maling kahulugan ito, ngunit iba ang kaniyang pakiramdam. 'Si Fina kaya ang tinutukoy nito?' Nais niyang kumbinsihin ang sarili na imposible na ang dalaga ang tinutukoy nito. Sa mga ikinikilos nito ay parang wala itong kahit na anong interest na makasama at makausap siya. Ngunit bakit gusto niyang maging si Fina ang taong tinutukoy ni Tesa. Na siya ang babaeng totoong nagmamahal sa kanya?' Napangiti siya sa isiping iyon. Gusto niyang alamin ang katotohonan ang tungkol sa bagay na ito. At walang ibang pwedeng makasagot nito kundi si Fina lamang. Sa tamang paraan at pagkakataon.

Dinatnan naman ni Fina ang mga miyembro ng banda na naghahanda na para sa kanilang performance mamaya. Sila kasi ang kasali sa opening ceremony.

Pagpasok niya ng silid ay nasa malapit na pinto naman si Pia.
"Hay sa wakas dumating na rin." Mahinang pagpaparinig nito sa  kanya ng hindi nakatingin.

Hindi na lamang niya ito binigyan ng pansin.
"Pasensya na ha, kung medyo late ako." Pagpapaumanhin ng dalaga sa ibang kasama.

"Okay lang Fina. Hindi mo na kailangan ng warm up. Lagi ka namang handa." Sabi pa ni Tristan. Sabay ngiti sa kaibigan.
Lumapit ang binata sa kanya at may iniabot itong maliit na kahon na may nakataling pink na ribbon.
"Para sa'yo oh." Si Tristan.

"Ano naman ito Tristan?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

"Buksan mo para malaman mo."
Sabi ng binata.

"Uyyyyy nagpo-propose kana ba Bro!" Biro naman ni Cris.



"Hoy tumigil nga kayo. Palibhasa hindi kayo marunong mag wish ng goodluck sa mga girls na kasama natin!"
Hindi ba kayo proud? Si Fina at Pia parehong nasa band tapos kasama din sa competition mamaya."
At lumapit din si Tristan kay Pia at iniabot dito ang isa ring maliit na kahon kapareho ng kay Fina.

Hindi naman ito inaasahan ni Pia. Inabot niya ito at alanganing buksan.
"Salamat Tristan." At ngumiti na rin ang dalaga.

"O hindi niyo ba man lang ba bubuksan?" Sabi pa ng binata.

Binuksan naman ng dalawang dalaga ang mga kahon. Napangiti naman si Fina sa laman ng kahon. Isa itong silver neckalce na may solid pendant na may nakaukit ng kaniyang pangalan. Ganun din naman ang kay Pia.

"Salamat Tristan. Hindi ka na sana nagabala. Mamaya bawas ito sa allowance mo." Pagbibiro pa ni Fina.

"Thanks Tristan. I appreciate the thought." Sabi naman ni Pia.

"You're very welcome ladies. Ang tagal na kasi nating magkakasama kaya i thought of something that would remind you of me." Sabi pa ng binata at napatitig ito kay Fina. Nabasa naman ng dalaga ang ibig nitong sabihin. Si Tristan lamang kasi ang nakakaalam na aalis na siya ng grupo. Nalulungkot man siya pero ito ang kinakailangan niyang gawin.

"Naku nagdrama pa!" Komento naman ni Carlo at nagkatawanan na sila.

Siya namang dating ni Elcid.
"Did i miss anything? Mukhang ang saya niyo ah?!" Sabi naman ng binata.

"Wala naman Bro. Nagdadrama lang si Tristan." Sabay tawa parin si Carlo.

"Ikaw ba Elcid may pampa goodluck charms sa mga girls?" Tanong ni Cris. "Etong si Tristan eh meron. Ako sige sagot ko meryenda kahit kelan niyo gusto." Sabi pa nito.

Napangiti lamang ang binata at nakita sa kamay nito ang hawak ni Fina na silver necklace. Hindi naman nakatingin ang dalaga sa kanya. Parang bigla tuloy siyang nanibugho. Pakiramdam niya ay dapat siya ang nagbigay kay Fina niyon. Alam niyang magkaibigan lamang ang dalawa.  Pero kapag naiisip niyang tinatrato ni Tristan si Fina ng espesyal, hindi niya maiwasang hindi magselos. Kahit alam niyang hindi ito pumasa sa panliligaw sa dalaga. Hindi na lamang siya nagkumento sa pabirong tanong ng mga kasama.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon