Dumating na rin ang araw ng kanilang pagluwas sa Ilocos. Nagkita-kita na lamang ang grupo sa may eskwelahan. Doon na sila naghintay ng Van na kanilang sasakyan na nirentahan ng Tito at Tita ni Pia pagbiyahe nila sa Ilocos.
Naunang dumating doon sina Carlo at Cris. Ilang sandali lamang ay dumating na rin si Tristan. Inihatid ang mga ito ng kani-kanilang driver. Si Fina naman ang sumunod na ring dumating. Sina Pia at Elcid na lamang ang kanilang hinihintay.
"Bakit kaya wala pa yung dalawa?" Tanong ni Cris.
"Oo nga eh, dapat 5am lalarga na tayo. Traffic pa naman sa ibang part ng norte papunta ng Ilocos." Kumento naman ni Carlo.
Tahimik lang naman si Fina sa isang tabi. Abala ang isip niya sa pag-iisip kung magkasama kaya sina Pia at Elcid. Sila na lamang kasi ang hinihintay ng grupo.
Lumipas pa ang kalahating oras, aligaga na rin ang lahat. Ngunit hindi rin nagtagal ay dumating na nga ang kanilang mga hinihintay. Magkasunod ang sasakyan nina Pia at Elcid na dumating.
Bumaba ng sasakyan si Pia at inanunsyo sa lahat na nagkaproblema ang Van na dapat ay kanilang sasakyan. Kaya pinuntahan na lamang ni Pia si Elcid upang ipaalam dito na kakailanganing dalahin na lamang nila ang kani-kanilang sasakyan.
Napagpasyahan ng mga ito na ang sasakyan na lamang ni Elcid at ni Pia ang gagamitin sa pagbiyahe sa Ilocos.Naghati ang grupo sa dalawa. Sina Carlo at Pia at Tristan ang magkasama sa sasakyan ng dalaga. At sina Elcid, Cris at Fina naman sa sasakyan ni Elcid.
Hindi na nagprotesta si Fina. Nagpatianod na lamang siya sa gusto ng mga ito. Susubukan niyang hindi na lamang siya magpaapekto sa presensya ni Elcid. Isa-isa na nilang pinagtulungan ilagay sa sasakyan ang kanilang mga gamit at umalis.Nagsimula na silang maglakbay papunta ng Ilocos. Sa sasakyan ni Elcid ay walang tigil naman ang daldal ni Cris. Tahimik naman si Fina na nakikinig sa kwento nito. Ganun din si Elcid. Minsan ay nahuhuli ni Fina ang lalaki na pasulyap sulyap sa rearview mirror nito. Umiiwas naman ng tingin ang dalaga.
"Fina, sigurado ka bang aalis ka na ng banda? Hindi ka na ba papapigil?" Biglang tanong naman ni Cris dito.
"Ah-eh, hindi na. Mas mabuti na rin siguro para makafocus ako ng husto sa pag-aaral." Tugon naman niya.
"Nakakalungkot lang kasi, parang hindi kami masasanay na wala ka. Hindi ba Elcid?" Sinama naman ng binata si Elcid sa usapan.
"Ha? Oo- oo naman." Tipid ba tugon ni Elcid.
"Si Pia naman ang papalit sa akin. Kaya im sure na magiging okay ang lahat. And I expect na you guys will support him like you did for me." Pahayag pa ng dalaga.
"Oo siyempre susuportahan rin namin siya, pero alam naman nating lahat how spoiled Pia is. Minsan gusto niya lagi siya ang nasusunod." Reklamo naman ni Cris.
"Maybe we should give Pia a chance. Some people can change for the better you know." Biglang sabi naman ni Elcid.
"Thats true. Oh well, will see na lang." Sabi ni Cris.
"I think we should grab a bite. Im hungry. Hindi na ako nakapagbreakfast coz ang aga ako dinaanan ni Pia sa bahay." Walang kagatul-gatol na pahayag ni Elcid.
"Ako rin bro! Hindi rin ako nakapagbreakfast eh! Pwede bang dumaan tayo somewhere na pwede tayong bumili ng food or kumain muna?" Sabi ni Cris.
"Of course." Sabi ni Elcid.
Kunut-noo naman si Fina sa narinig na sinabi ni Elcid. "Maaga si Pia sa bahay nina Elcid? Tapos late na late pa sila dumating? Ano kayang pinaggagawa ng dalawa?" Kausap na naman niya ang kaniyang sarili. Pilit niyag iwinaksi ang nasa isip. Ayaw niyang magentertain ng anumang bagay sa isip niya patungkol sa dalawa. Wala na siyang pakialam sa mga ito. Ang mahalaga ngayon ay magfocus siya sa pag-iwas kay Elcid hanggat maaari.
Nadaanan nga nila ang isang maliit na kainan. Huminto na muna sila doon at ganun na rin ang group nina Tristan. Nagsibabaan na ang lahat ng sasakyan. Pagkababa nila ng sasakyan ay pasugod namang lumapit si Pia kay Elcid bago pa makapasok ng kainan.
"Elcid, pwede bang sa car mo na lang ako sumakay? Maybe Cris and i can swap? Or may Fina and I can swap? Pleaseeeee.." Pakiusap ng dalaga.
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Fina at Cris ang sinabi ng dalaga. Hindi rin kaagad nakakibo si Elcid at napatingin naman kay Fina sa reaction nito. Tahimik lamang si Fina at parang hindi naman apektado sa pakiusap ni Pia. Bigla rin naman itong nagsalita..
"Pia okay lang sa akin. Pwede tayong mag-swap if thats what you want." Sabi naman ni Fina.
Nagulat naman si Elcid sa sinabi ni Fina. Parang sumama tuloy ang loob ng binata sa dalaga dahil parang ayaw talaga siya nitong makasama kahit sa loob ng sasakyan.
"Teka Pia, may problema ba kina Tristan at gusto mong makipag-swap? Pareho lang naman ang destinasyon na pupuntaha natin ah? Atsaka kailangan ka ni Tristan na navigator dahil ikaw ang may alam sa lugar na pupuntahan natin." Sagot naman ni Cris kay Pia.
Sumimangot na lamang si Pia dito.
"Hmp! Cris lagi ka nalang may masasabi. Para swap lang eh!" Umirap pa ang dalaga at tinalikuran ang mga ito.
"Fina ayaw mo ba na kami kasama mo ni Elcid sa sasakyan? Namiss mo kaagad si Tristan?" Pagbibiro naman ni Cris kay Fina at tatawa-tawa pa ang binata.
Ngumiti na lamang si Fina dito. Hindi naman natuwa si Elcid sa biro ni Tristan. Sumeryoso ang mukha nito at tuluyan na ngang pumasok sa kainan. Napansin naman ni Fina ang inakto ng binata. Hindi na lamang niya ito pinansin at umakto na lamang ng normal.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomansaNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.