Chapter 10.1

843 30 0
                                    

Lumipas ang ilang araw bago pa dumating ulit ang kanilang pageensayo sa banda. Pilit iwinaksi ni Fina ang mga isipin patungkol kay Elcid at Tristan. Hindi ito ang mga bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin.

Simula ng araw na sabihin ni Tristan ang balak nitong pag akyat ng ligaw, hindi na niya ito muling binanggit. Nagkikita man sila sa klase ay parang normal lang ang kanilang paguusap.

Nasa loob sila ng klase ng biglang lapitan ni Pia si Tristan.

"So Tristan, i heard we have a new band member?" "Is that true?"

"Oo, siguro naman you've heard about Dave? He's leaving."

"Yeah i heard. So who is this Elcid?"
"Is it true he's the only Son of the Villaflors? Yung mayaman at negosyante na may-ari ng malaking mansion hindi kalayuan dito?"

Naulinigan ni Fina kung sino ang pinaguusapan ng dalawa. Nagkunwari siyang hindi niya ito naririnig.

"Oh my God!"
"I can't wait to meet him!" "Too bad i was'nt here the other day." May panghihinayang pa sa tono nito.

"You'll meet him later. He will start joining us kahit aattend pa si Dave ng practice mamaya." Sabi ni Tristan.

"Oo nga pala, Dave is inviting us for a simple dinner. Are you able to make it later after ng practice?"

"Of course i'll go."

"I haven't told Fina yet." "Pwede ikaw na rin magsabi sa iba?" "Kanina lang kasi niya ipinaalam sa akin." Pakiusap ni Tristan kay Pia.

"Okay, no problem. Ako na bahala." Sabi nito.

Bumaling naman si Tristan kay Fina. Lumapit siya sa kinauupuan nito.

"Ahh Fina, mamaya nga pala after ng practice nagyayaya si Dave, send off party. Tayo-tayo lang."

"O-okay. Magpapalam ako kay Nanay."
"Pwede bang umuwi muna tapos sunod na lang ako. Ibigay mo na lang sa akin ang address nina Dave."

"Gusto mo bang ipagpaalam kita?"

"Naku hindi na kailangan."
"Pero pwede ba natin isama si Tesa?"
"Para may makasabay ako pag-uwi."

"Oo naman walang problema. Actually sasabihin ko nga sana sa iyo, naunahan mo lang ako." Pag-ngiti pa nito.

"Nasaan nga pala siya?" Paghahanap ni Tristan. 

"May kinuhang Libro sa Library. Pabalik na rin yun at sasabihin ko sa kanya."

Tahimik lamang si Fina at nakikiramdam. Mula ng araw na ipaalam ni Tristan sa kanya ang nais nitong panliligaw, parang may pagkailang na siyang naramdaman.
Naiinis siya sapagkat ayaw niyang magkaroon ng bahid ang pagkakaibigan nila ni Tristan.

Naguguluhan siya sa damdamin.
Hindi naman ito mahirap magustuhan.
Kaya nga papansin ng papansin sa kanya si Pia, dahil na rin ito sa katangian ng lalaki. At alam din niyang marami ang humahanga kay Tristan sa ibang sections. Hindi niya kaya ang magkunwari sa sarili niya. Siguro nga ay tama si Tesa, ano man ang namumuong damdamin niya para kay Elcid, kailangan na niya itong tapusin. Hindi ito makakabuti para sa kanya.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon