Chapter 23.1

576 21 2
                                    

Blanko ang isip ni Elcid habang naglelecture ang kanilang teacher.  Inaasahan niya na hindi papasok si Pia. Nagaalala siya para sa dalaga. Baka kasi ano ang ginawa nito. Hindi ito pumasok sa kanilang first period.  May practice sila sa banda ng araw na iyon. Hindi siya sigurado kung aattend ang dalaga pagkatapos ng nangyari kagabi.   Lumipas ang maghapon ng hindi niya ito nakikita. Hanggang sa magpunta na nga siya sa silid kung saan ang kanilang practice. Nadatnan na rin niya doon ang mga miyembro. Binati niya ang mga ito at napatingin naman ang lahat sa kanya.


"Elcid, Bro okay ka lang ba?" tanong ni Carlo.


"Oo nga Bro,  i hope okay ka lang. Pwede tayong lumabas mamaya pagkatapos ng practice kung gusto mo." Sabi naman ni Cris.


"Oo naman okay lang ako." Napakunut-noo na lamang siya sa kakaibang akto at tanong ng mga ito.


Nakita niyang nagkatinginan naman sina Fina at Elcid pagkasabi niyon. Parang may alam ang mga ito na hindi niya alam sabi ng isip niya.


"Elcid, nasaan si Pia? Hindi mo ba kasama?" Tanong naman ni Tristan.


"Hi--Hinid eh. Hindi nga siya puma-----."
Bago pa nito masabi ang sasabihin bigla naman lumitaw si Pia sa pinto.


"hi, Guys! "I'm sorry i was late."


Lahat naman ay napunta ang atensiyon sa kadarating na dalaga. Natahimik ang lahat at nagpapakiramdaman.


" I guess ako na lang ang hinihintay?" Basag naman ni Pia sa katahimikan ng mga kasama.


"Yeah, I'm glad you made it Pia." Nagaalangan na sabi ni tristan.

Ngunit halata sa ikinikilos ng dalaga na may pag-iwas itong mapatingin Elcid. Gayun din si Elcid. Parang may tensiyon na namamagitan sa dalawa.  Hindi na iyon kaila sa grupo. Nalaman na nila mula kay Pia ang hiwalayan nila ni elcid. Tinawagan ni Pia si Tristan sa bahay nito upang ipaalam dito ang tungkol sa kanila ni Elcid. Ang sabi ng dalaga ay nakipaghiwalay na siya kay Elcid. At kung maaari ay irespeto ang pananahimik nito. Sabi pa nito ay ayaw niyang maapektuhan ang kanilang grupo kung aakto sila ni Elcid ng hindi normal kagaya ng dati. Bigyan daw muna sila ng panahon para makapag-adjust. Hindi nito idinitalye pa ang nangyari.

Umayon naman si Tristan kay Pia sa pakiusap nito bilang respeto sa pribadong buhay ng dalawa. Hindi niya inaasahan na si Pia ang makikipaghiwalay kay Elcid. Ito kasi ang parang may higit ang pagkagusto sa lalaki. Alam na alam niya ito, sa mga inaakto nito at sa paraang pagkontrol nito kay Elcid. At kahit hindi nito sabihin ay parang may pinagseselosan ito. At alam niyang si Fina iyon.

"Okay, let's start then." Anunsyo ni Tristan.

Wala namang naging problema sa ensayo. Nakipag coordinate ang lahat. Kahit paminsan-minsan ay natatahimik na lamang si Pia tuwing nagsasalita si Elcid. Hindi ito mukhang galit at hindi rin ito mukhang natutuwa. And suddenly she was being nice to Fina.

Nang magpahinga muna sila ng sandali nagulat na lamang si Fina ng kinumusta siya ng dalaga.

"So, Fina how's your foot? Okay na ba? Hindi na ba masakit?" Na parang concerned ang tono nito.

"Ah Oo, okay na magaling na."


"Mabuti kung ganun. I hope manalo tayo sa competition." Pilit na ngiti nito.

"Sana nga." Tugon na lamang niya.
Naninibago naman si Fina sa biglaang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Pia. Kahit na hindi nito hayagang ipakita ang pagkadisgusto nito sa kanya, ramdam niya iyon sa dalaga. Kaya hindi siya makapaniwala na bigla na lang itong naging concerned sa kanya.

Mariing nakikinig lamang si Elcid. Ayaw niyang magbigay ng kahit anong reaksyon sa naririnig na usapan ng dalawa. Hindi rin siya sigurado kung gaano kaseryoso si Pia sa biglaang pagiging concerned nito kay Fina. Ng maghiwalay sila kagabi wala siyang ibang makita sa mga mata nito kung hindi galit sa kanya. At alam niyang may lihim itong galit kay Fina na ayaw lamang nitong ipakita. Dahil na rin sa mga bagay na hindi niya napigilang ipagtapat sa dalaga. Nagdududa tuloy siya kung ano na naman ang balak nitong gawin. Pinagsisisihan tuloy niya kung bakit nasabi pa niya kay Pia ang tungkol sa damdamin niya para kay Fina. Iniisip niya na baka sabihin nito sa dalaga o kaya naman ay sisihin nito si Fina sa kanilang paghihiwalay. Gusto niyang protektahan si Fina sa ano mang maaring gawin ni Pia dito.

Napagisipan ni Elcid na kausapin na lamang si Fina. Bibigyan niya ito ng babala sa ikinikilos ng kanyang dating kasintahan. Hindi siya kumportable sa inaakto nito. Kung may binabalak man itong hindi kaaya-aya na masasangkot ang pinakamamahal niyang si Fina ay sisiguraduhin niyang hindi nito hahayaang mangyari iyon.

Nang matapos na sila sa ensayo naging normal lamang ang pagkilos ni Pia. Hindi nito pinapansin si Elcid. Nauna na siyang nagpaalam sa kanyang mga kasama.

Nagpaalam na rin si Fina sa mga kasama paglabas na ni Pia ng silid. Habang naglalakad siya sa may pasilyo muntik na siyang mapalundag sa gulat ng bigla na lamang may kumalabit sa kanyang balikat.

"Fina! Uuwi ka na rin ba?" Si Pia, na sinadya talagang hintayin makalabas ang dalaga. Nagbakasakali siyang matitiyempuhan ito, at hindi naman siya nagkamali.

"Ah-Oo," sa matipid niyang sagot.

"Fina, pwede ba kitang makausap kahit sandali lang?" Si Pia sa tonong may pakiusap.

"B-Bakit? Tungkol naman saan?"

"Huwag sana tayo dito magusap. Pwede bang sa labas na lang ng campus?" Pakiusap pa rin ni Pia sa dalaga.

"O sige, pero hindi ako pwedeng magtagal Pia, baka kasi gabihin ako at wala na akong masakyan pauwi, alam mo na."

"Don't worry i'll ask my driver to drop you off sa bahay niyo incase ma-late ka na ng uwi. I just really need someone to talk to."

"Ganun ba? S-Sige, payag na ako."

At nagtungo na nga sila sa sasakyan nina Pia. Habang sila'y naglalakbay hindi naman maiwasan ni Fina ang hindi kabahan. 'Ano kayang paguusapan nila ng dalaga?' Tanong ng isip niya. Parang mukhang kailangan talaga kasi nito ng kausap. At parang alam na niya ang sasabihin nito. Alam na niyang naghiwalay ang magkasintahan. Pero kung kailangan nito ng makakausap tungkol kay Elcid, bakit siya ang pinakiusapan nito? May mga kaibigan naman ito na maari niyang takbuhan. Bakit siya pa? Gusto niyang bigyan ang dalaga ng pagkakataon na baguhin nito ang ugali. Kung ito man ang hakbang nito para doon ay gusto niya itong bigyan ng chance. Ayaw na sana niyang magkaroon ng kahit anong pakialam kay Elcid at Pia. Gusto niyang umiwas sa gulo kung maari. Pero kung meron siyang maitutulong sa dalaga na mailabas ang saloobin nito, ay handa siyang makinig. 'Haayyy Fina... Bakit ba walang masamang tinapay sa'yo?!' Bulong niya sa isip.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon