Mula ng maaksidente Si Elcid sa paglalaro ng Basketball, hindi na nga ito pinayagan ng kanyang mga magulang na sumali sa larangang ito. Partikular na ang kanyang Mama. Napansin tuloy ni Elcid simula ng lumuwas sila galing ng San Jose, naging masyadong over protective ang kanyang Mama. Minsan tuloy naiisip niya na baka sa isip ng iba ay Mama's boy siya. Hindi niya maiwasang hindi mayamot sa ina.
Bakasyon na at bagut na bagot na siya sa Mansion. Maghapon siyang laging nasa bahay at nanonood ng Telebisyon.
Dati rati kasi nung Elementarya pa siya sa San Jose madalas silang magbakasyon ng kanyang mga magulang. Nagpupunta sila sa mga lugar na malapit sa dagat. Ngunit mula ng manahin ng kanyang mga magulang ang businesses ng kanyang yumaong Lolo Ignacio hindi na ito nangyari pa. Madalas kasi na nasa business trips ang kanyang Papa. Ang mama naman niya ay madalas nasa mga social events at sa ibat-ibang mga foundations at charity na dinadaluhan nito. Kaya malimit ay nagiisa siya.Kating-kati na ang kanyang mga paa na maglaro ng basketball. Ang lumabas at makita ang kanyang mga teammates.
Alam niyang hindi ikatutuwa ng kanyang ina ang pagsali ulit dito. Pero ang sports na ito ang gustong-gusto niya."Mama, aalis mu na po ako." Paalam sa ina ng sadyain niya ito sa study room.
"And where are you going?"
"Mama, i just want to see my friends."
"And who are these friends?"
"Mga team mates ko po sa basketball."
"Elcid, I'm telling you...Don't be so stubborn and hurting yourself sa basketball na yan!" Banta ng ina.
"Mama, were not going to play basketball. We're just gonna hang out sa mall and play arcades ." Paiwas ang tingin sa ina.
"You know, instead of doing all those unimportant things, don't you have any interest in learning our business?"
"Heto na naman po siya.." Sa isip ni Elcid.
"You should go with your dad sometime in his office para makita mo how he runs the business para masanay kana."
"Mama, dont you think its too early for me to do that? " And besides I'm not even in Collage yet!" Pangangatwiran niya.
"Aba! At marunong ka ng mangatwiran sa akin ngayon?!"
At siyang pag bukas naman ng pinto at pumasok ang amang si Thomas. Kagagaling lamang nito sa isang business trip sa Malaysia.
"Papa!" Sabay salubong nito at yumakap sa ama. Parang nakakita tuloy siya ng kakampi.
At batid na nito ang pinagdidiskusyunan ng mag-ina.
"Miranda, let Elcid enjoy this time." Paglalambing nito sa esposa.
Sabay lapit at halik nito sa asawa.
"Some things can be done in due time.""Thomas, i just want Elcid to get used to our business. Hanggat maaga mas maganda na masanay na siya sa mga pasikot sikot sa kumpanya."
Tahimik na mang nakangiwi si Elcid at nakikinig sa diskusyon ng mga magulang.
"I know what you mean. But we can't force him on something he doesn't want to do."
"Well, he doesn't have a choice!"
"Sooner or later, he needs to learn how to run our company." Ayaw pang magpaawat nito."I got your point." "But for now just let him be.." Lets have him enjoy being a kid!"
"He is not ready for this yet."
"Elcid, is a bright young man."
"I know that someday if i need his help to run the business he will."
Hindi ba anak?" Tanong naman nito kay Elcid."Of course Papa!" Sagot naman niya.
"But for now, lets leave him alone." "Have him experience things."
"As long as he's not doing anything bad."
"I trust our Son." "And you have to do the same." Malumanay na saad nito sa asawa.Sa loob-loob ni Elcid, tuwang-tuwa siya. Mas naiintindihan kasi ng Papa niya ang nga bagay na gusto niya. Ayaw kasi niyang dinidiktahan siya. Pero dahil narin na paggalang at pagmamahal sa Mama niya, madalas ay pinagbibigyan niya ito.
"At ngayon kayo nang dalawa ang magkakampi, ganun ba Thomas?!" May himig ng tampo sa boses ng asawa.
"C'mon sweetheart, parang hindi naman tayo nagdaan sa pagiging teenager." "I just want him to experience the normal teenagers life." "Ayokong may ma-miss ang ating anak sa kanyang paglaki. "Alam mo namang ako maaga akong sinabak ni Papa sa business." "That's why i didn't get to enjoy my teenage years." Patuloy na paglalambing pa ni Thomas sa asawa at inakbayan at hinagod-hagod pa ang likuran nito.
Parang sila na lamang mag-asawa ang nasa loob ng study room na iyon. Nahahalina si Elcid tuwing maglalambingan ang kanyang mga magulang. Ang Papa kasi niya ang laging nagpapakalma sa kanyang mama. At ang mamaya naman niya ay kaagad bumibigay sa lambing ng kanyang Papa.
Nakikita niya sa mga magulang ang pang-unawa sa bawat isa, ang wagas, malalim at tapat na pagmamahal."Balang araw gusto ko rin ng ganyang pagmamahal. Mapang-unawa, wagas, malalim, at tapat." Nasabi na lamang sa sarili.
Sa aktong yun ng kanyang mga magulang siya biglang tumikhim.
"Ehem!"
"Mama, Papa can i go now? It seems like you guys need to be left alone." Pangi-ngiting sabi nito sa mga magulang."Alright Iho."
"Enjoy your day at ako ng bahala sa iyong mama." Kumindat at may ngiti pang sabi nito.Bago pa siya makalabas ng study may pahabol pa ang kanyang mama.
"Elcid! You know the rule.. Be home before dinner." Paalala pa ng kanyang ina.
"Okay Mama. I will."
Nagbalik naman siya sa kanyang kwarto at kinuha ang Gym Bag. Hinalungkat ang loob noon, napangiti siya ng makita ang basketball outfit niya.
"Sorry Mama. I miss playing basketball."
"Just this time Mama, just this time."
Pagkausap sa sarili...
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomanceNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.