Chapter 5.2

1K 33 3
                                    

Kinabukasan ng Sabado, mahimbing pang natutulog si Fina.

"Fiii--nnaaaa"... Sa malumanay na pagtawag ng pangalan niya.

"Fiii--nnaaa"... Napamulat at napapikit ulit siya sa antok. Para siyang naalimpungatan.

"Hoy Serafina!!!" "Gising!!!" Sigaw na ng kaibigang si Tesa.

"Ano kaba?!" Napakaingay mo umagang-umaga!" Paangil na sabi sa kaibigan. Sabay takip ng kanyang mukha ng unan.

"Hoy anong umaga?" "Para sabihin ko sayo magtatanghali na ano?!"

"Ha?!! Sabay bangon niya.
"Hindi man lang ako ginising ni Nanay?!"
Hindi kasi siya sanay magbabad sa higaan ng ganun katagal.

"Saan paba kayo nagpunta kagabi galing ng Sta Ignacia?" Paninitang tanong ni Tesa.

"Alam mo kung makapagtanong ka daig mo pa si Nanay." Sabi nito.
"Hindi mo muna ba ako babatiin bago ka magbintang ng kung ano diyan!?"

"Nanalo po kami sa contest kagabi!" Patiling pagbabalita ni Fina.

"Talaga?!" Hindi makapaniwala ang kanyang kaibigan.
"Im so proud of you friend!" Pagbati pa nito. Sabay yakap sa kaibigan.

"Ano kaba! Hindi lang naman ako ang nanalo, ang buong banda siyempre."

"Pero siyempre ikaw ang lead vocalist kaya ikaw ang mas sikat!" Pagmamalaki pa ng kaibigan sa kanya.

"Oo nga pala, umalis na ba si Nanay?"

"Oo! "Kaaalis lang ng dumating ako."

"Hindi ko man lang naibalita sa kanya ang pagkapanalo namin."

"Alam mo makita ka lang ng Nanay Sol na kumakanta sa entablado, panalong-panalo kana sa kanya." Sabi pa ni Tesa.

"Alam mo kaibigan nga kita."
"Lakas mo rin eh!"
"Lakas mong maka-bola!"
Sabay tawa nilang dalawa.

"Meron nga pala akong sasabihin sayo." Seryosong sabi ni Fina sa kaibigan.

"Alam mo ako rin, may sasabihin din ako sayo." Sabi ni Tesa.

"Sige ikaw na mauna." Si Fina.

"Toothbrush! Kelangan mo ng magtoothbrush friend!" "Panis na laway mo!" Sabay tawa nito.

"Baliw ka talaga!" Sabi ni Fina.

"Pero di nga, ano sasabihin mo?" Tanong ni Tesa.

Isinalaysay ni Fina ang kaganapan ng nagdaang gabi.
Kilig na kilig naman ang kaibigan sa kwento niyang pagyakap ni Tristan sa kanya.

"Sa wakas lord! Magkakalakas na yata ng loob manligaw si Tristan sa kaibigan ko!" Sabi pa nito.

"Grabe ka naman! Baka na-excite lang talaga yung tao. Atsaka hindi lang naman ako niyakap niya pati ang ibang miyembro."

"Asus!!! Kunwari kapa diyan!"
"Aminin mo nung niyakap ka niya may naramdaman ka!?" Pagpaparatang pa nito.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon