Chapter 13.2

685 22 0
                                    

Nagsimula na ang pageensayo nila ng Sayaw sa Bangko. Hindi pa rin mapakali si Fina. Mas lalo lamang kasi siyang kakabahan dahil sa magiging pisikal ang pagkakadikit nila ni Elcid. Hinihintay na nila ni Tristan ang iba pa nilang mga kasama. At heto na naman siya.
Palad-lakad sa harapan ni Tristan. Dahil sa kaba.

"Pwede bang maupo ka at kalmahin mo ang sarili mo." Sabi ni Tristan.

"Tristan bakit hindi na lang kasi ikaw ang kapareha ko. Sila na lang ni Pia ang magkapareha."

"Narinig mo naman ang sinabi ni Sir Santos hindi ba?"

Dumating na rin ang kanilang mga hinihintay. Halos magkakasabay lamang ang mga ito at kasama na rin ang kanilang guro na si Mr. Santos at isang babae na hindi nila kilala.

"Okay, nandito na pala tayong lahat. So before we start i want to introduce Miss Bea, she will help us with the choreography. Nagawa na kasi nila ito noon kaya she knows exactly what you guys need to learn."

"Hello sa inyo!" Bati naman ni Miss Bea.
"So, for now we're not going to use the benches. Gusto ko muna kayong isanay sa mga partners ninyo. In dancing you should always trust your partner. Both of you actually. And know the steps very well. Listen to the music. Once you get the beat and you learn the timing and steps, everything will be easy. It will become smooth and natural."

"Okay sige at pumwesto na kayo sa inyong mga kapareha." Utos na nito.

Kumilos naman ang lahat at magkakaharapan na ang mga ito.

"Mr. Santos why dont we show them the first step of the dance? Para sundan nila tayo." Sabi ni Miss Bea.

"Okay, sure!" Sabi naman ng guro.


"Isipin niyo kunwari ay nakatuntong na kayo sa bangko." Sabi ni Miss Bea.

Una ay magkahawakan ng mga kamay ipinakita ng mga guro. Sumunod ang paghawak sa likuran ng babae para suportahan na hindi mahulog sa bangko sabay ang pagtalon nito sa kabilang bahagi ng upuan. Kinakailangan mailipat lipat ng lalaki ang babae ng hindi nahuhulog habang ginagawa din nila ang iba ang mga steps ng sayaw.

"Lets all do it together para masanay kayo." Sabi pa ni Miss Bea.

"Fina, shall we?" Sabi naman ni Elcid at inilahad ang kamay nito. Inabot naman iyon ng dalaga.

Magkahawak na ang kanilang mga kamay. Hindi alam ni Fina kung ang kamay ba niya ang malamig o ang kay Elcid. Pero sigurado siyang kinakabahan siya. Hindi niya matitigan si Elcid sa kanilang pagkakalapit. Nahihiya siya. Lagi naman ang titig ni Elcid sa kanya at parang hinuhuli ang kanyang mga tingin.

"Fina, okay lang?" Pagpapaalam nito na alalayan ang likod niya upang magaya ang step ng sayaw.

Tumango naman siya. Nagsunuran na rin  ang lahat ng kanilang mga kasama. Lagi naman ang tingin ni Pia sa kanila ni Elcid. Para itong guwardiya na sinasaliksik ang bawat galaw nila. Pinilit niyang maging kumportbale kay Elcid. Maingat naman ito at inaalalayan siyang mabuti. Sa bawat pagdidikit ng kanilang katawan at pagkakalapit ng kanilang mga mukha, ay kasabay din ng parang boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa kanilang katawan. At parang ramdam ng bawat isa ang ganoong damdamin.

Tuwing magkakatitigan sila ni Elcid parang humihinto ang mga nasa paligid. Parang sila lamang ang nasa loob ng silid na iyon. Parang ibang saliw ng musika ang kanilang naririnig. Nang biglang matapos na ang musika isang tawag ng babae ang kanilang narinig. Hindi na nila alintana na tapos na pala ang musika at inanunsiyo ng kanilang guro na magpahinga muna.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon