Chapter 19.1

577 26 7
                                    

Huling araw na ng practice ng kanilang sayaw ng araw na iyon. Ilang araw na lamang ay Intrams na nila. Mula ng manggaling sina Fina sa mansiyon nina Elcid hindi na rin ito madalas makipag-usap sa kanya. Magkapareha nga sila sa sayaw at madalas na magkadikit ang mga katawan ngunit ang layo ni Elcid. Alam niyang sadya siyang iniiwasan nito at nararamdaman niya iyon. Maging sa kanilang ensayo sa banda lagi itong nakadikit kay Pia at kausap ito. O kaya naman kausap ang ibang miyembro ng grupo. Nagtataka naman siya kung bakit. Naisip niya na siguro mas mabuti na lang na ganoon at hahayaan na lang niya na mismong si Elcid na rin ang umiwas sa kanya. Siguro ay pinagsabihan na siya nito ng kanyang Mama.

"Okay guys last set na!" Anunsyo naman ni Miss Bea.

Nagsikilos na ang lahat at nagsipaghanda para sa kanilang sayaw.
Natapos naman nila ng maayos ang kanilang sayaw ng walang nahuhulog sa bangko ni isa sa kanila. Sabay-sabay na silang nag-vow. Binitawan na ni Elcid ang kamay niya na pakiramdam niya ay parang laging napapaso ito tuwing hinahawakan siya. Hindi na siya inaalalayan ni Elcid kagaya ng dati.
Nang handa na siya para bumaba ng bangko ay aksidenteng naapakan ni Elcid ang isang paa niya. Napapihit siya bigla at naramdaman niyang parang may naipit na bahagi sa kanyang paa. Sa bigat ni Elcid ay hindi niya maiwasang hindi masaktan. Ganun na lamang ang pagkagulat ni Elcid at huli na ng pareho silang mawalan ng balanse at malaglag sa bangko. Dahilan para matumba ang bangko sa kanilang pagkalaglag.

Mabuti na lamang at mabilis pang nakapagisip si Elcid at bigla niyang nahaklit ang mga kamay ng dalaga at imbes na madaganan niya si Fina ay siya ang naunang humandusay sa sahig at sa ibabaw niya si Fina.

"Ayyyyyy!!!" Pagsigaw naman ng lahat sa nasaksihan.

Napaungol si Elcid sa pagkakabagsak nilang dalawa. Si Fina naman ay ganoon din. Hindi kaagad nakatinag ang dalawa, ramdam niya ang pagkirot ng kanyang paa. Nasa ibabaw parin siya ni Elcid at nakayakap ito sa likod niya.

Pag-angat ni fina ng kanyang mukha halos magkiskisan ang tungki ng kanilang ilong. Nagulat na lamang siya sa sensasyong dulot nito sa buong bahagi ng kanyang katawan. At mabilis ang pagakyat ng dugo sa kanyang mga pisngi. Hindi niya malaman kung dahil ito sa pagkagulat o dulot ng sensasyong hindi niya maipaliwanag kung ano man iyon.



"Oh my God!" Histeryang lumapit si Pia, gayundin ang ibang mga kasama.

At inilayo ni Fina ang mukha kay Elcid. Niluwagan naman ng binata ang pagkakayakap sa kanya. Iniinda pa rin nila pareho ang sakit sa katawan ng kanilang pagkakalaglag.

"Oh My gosh! Oh my Gosh!!!" Tarantang reaksiyon din ng kanilang PE teacher na si Mr Santos. Lumapit na ang mga ito sa kanila ni Elcid.

Pinilit naman ni Fina na mapaupo at lumayo ng kaunti kay Elcid.

"Babe! Are you okay?! Saan ang masakit? Oh my God! Ano ba kasing nangyari?!"

"Fina! Ano ba naman kasi ang ginawa mo? Pati si Elcid dinamay mo pa!" Paasik na sabi ni Pia.


"Pia, aksidente ang nangyari. Naapakan ko ang paa niya!" May tonong pagkainis ang salita ni Elcid.

Si Tristan naman ang dumalo kay Fina at tinanong ito kung okay lang siya.
Masakit ang kanyang kanang paa. Sa pakiramdam niya ay parang naipitan siya ng ugat. Nakaupo pa rin sila sa sahig ni Elcid.

Hinihimas-himas ni Tristan ang paa ni Fina. Ngunit napa-aray siya ng madiinan ni Tristan ang bahaging iyon na kaagad ng namaga.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon