Chapter 3.1

1.2K 32 0
                                    

Magkatabing nagbubulungan sa loob ng classroom ang magkababata ng naputol ang kanilang paguusap sa pagpasok ng kanilang guro sa Science at Adviser na si Maam Leonardo.

"Ok class listen! We have a new addition in this class." Kasunod nito sa likuran niya ang isang lalaki.

Biglang nagkatitigan ang dalawang magkaibigan. Hindi naman maiwasan ni Fina ang pagkabigla. Binulungan siya ni Tesa.

"Oh my gulay! Hindi kana mahihirapang makilala siya girlfriend! Ayan na siya oh!" Hihihi! Hagikgik nito.

Siniko niya at pinandilatan ng mata si Tesa. Sabay yuku. Pag angat niya ng tingin nakapako naman ang tingin ng lalaki sa kanya. Ngumiti ito sa kanya, at nahihiyang gumanti din siya ng ngiti dito.

"Please Kindly welcome Tristan!" "TRISTAN BELMONTE". He is the only son of our respected Principal Mrs. Claire Belmonte and Mr. Atty. Armando Belmonte." "Please make sure be good to him." Walang kagatu-gatul namang pagimporma ng guro sa buong klase.

"Tristan was in section Gold when he enrolled. As you can see this class is full, kaya doon siya nalagay. But fortunately, we have another student who didn't qualify in this section that's  why si Tristan ang nalipat dito." Saad ng guro.

Ang section Diamond kasi ang nangungunang section na ginagamit ng eskwela upang ma identipika kung sa saan nabibilang ang isang estudyante sa bawat lebel ng 1st, 2nd year, 3rd year at 4th year highschool. Karamihan kasi sa mga estudyante dito ay hindi baba sa 85 ang mga grado. Binabase kasi sa mga grado ng mga estudyante kung saang section sila mapapabilang. At kailangan mamintina ang kanilang mataas na garado. Kung hindi maari silang malipat sa mamabang section. Gaya na lang ng section Gold, para sa mga average na estudyante at Silver, Jade, at Sapphire naman sa mga Satisfactory na mga estudyate. Naging epektibo ito sapagkat naeenganyo ang mga estudyante sa pagiging kumpetitibo.

"Welcome to section Diamond Tristan!" Bati naman ng kanilang mga kaklase. 

"Thank you." Nakangiting tugon naman ng lalaki sa bago niyang section.

"And by the way class, Tristan here is in charge of recruiting students who wants to join the Choir. Also he is trying to form a band for our school. Kaya kung sino man ang gustong magtry na sumali sa grupo na bubuuin niya, plsease don't hesitate to talk to him."

Nagbulungan ang buong klase lalo na ang mga kababaihan. Halata naman kasi na kinikilig ang iba sapagkat hindi naman maikakaila na may hitsura ito.

"Maam, si Fina po ay marunong kumanta!" Biglang pagaanunsyo ng kanyang kababata.

"Tesa, ano kaba?!" Pagsaway sa kaibigan.

"Dati po siyang miyembro ng Choir noong Elementary at sigurado po ako na maari siyang maging bokalista ng bandang bubuuin nina Tristan!" Dagdag pagbibida pa nito.

"Is that so Miss De jesus?"
"Well, Tristan i think you just recruited one member for your band!" Pagbalin naman ng guro kay Tristan. 

Hindi naman mapigilan ni Fina ang hindi mahiya. Hindi kasi siya sanay na siya ang sentro ng usapan. Pinilit na lamang niyang ngumiti. Hindi na siya makatanggi sapagkat ang guro na mismo niya ang nagkumpirma ng kanyang pagsali sa banda ni Tristan.

"Fina, Fina right? We can talk about the details later after class if you have time." Nakangiting saad naman ni Tristan.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon