Chapter 22.1

616 29 1
                                    

Lingid sa kaalaman ni Elcid at Fina ay may nakasaksi sa kanila at nakarinig ng kanilang paguusap. Walang iba kundi si Pia. Nakasilip ito sa may bintana sa labas ng silid. Galit na galit ito. Gusto niyang sugurin ang dalawa. Ngunit bago pa niya iyon nagawa ay nakita niyang paparating na sina Mr. Santos at Miss Bea. Tumalilis siya ng takbo. Dala ang lubos na pagkamuhi kay Fina.
'Makakaganti rin ako sa'yo traydor na babae ka!' Sa isip-isip ni Pia.

Pagkatapos ng huling set ng practice ay dali-dali ng nagpaalam si Fina at nagpasalamat sa mga guro. Habang isinusuot niya ang kanyang sapatos ay bigla naman siyang nilapitan ni Elcid.

"Fina uuwi ka na ba? Kung gusto mo isasabay na kita. Idadaan na kita sa inyo." Pagaalok ni Elcid.

"Salamat Elcid pero huwag na. Baka maki---." napahinto siya sa sasabihin. Baka makaabala pa ako sa'yo." Sabi na lamang niya. Imbes na sasabihin sana niya na baka makita sila ni Pia.

"Bestfriend!!!!!" Bigla ang pagdating naman ni Tesa.

"Tesa! Nandito ka na pala." Sabi ni Fina.
"Maaga rin ba natapos ang ensayo niyo sa Drum and Lyre?"

"Huh?! Bakit hinihintay mo ba ako? Hindi ko naman sinabi sa'yo na dadaanan kita ah?" Sa pa ni Tesa.
"Pero Oo, kaya ako tumuloy dito para sabay na tayong umuwi." Dugtong pa nito na parang nahalata niya na may ipinahihiwatig ang tingin ni Fina sa kanya.


"Yun naman pala pwede ko na kayong isabay na dalawa pauwi." Pag-aalok pa rin ni Elcid.

Tumingin naman ng makahulugan si Fina kay Tesa. Sumenyas na tumanggi ito sa alok ni Elcid.

"Hay naku Elcid huwag na. Baka madagdagan pa ang mga tsismis!"
"Salamat na lang sa alok mo kaya na namin umuwi ni Fina. Atsaka susunduin kami ng Tatay ko ng tricycle lang naman namin."

Anong ibig mong sabihing madagdagan ang tsismis?"Nagtatakang tanong ni Elcid.

"Hindi mo pa ba nababalitaan ang ipinagkakalat na tsismis ng magaling mong nobya mo sa Drum ang Lyre group?" Mataray na pagtatanong ni Tesa kay Elcid.

"Tesa! Huwag na." Awat ni Fina.

"Anong ibig mong sabihin Tesa?" Si Elcid na walang kamalay-malay sa sinasabi ni Tesa.



"Alam mo Elcid minsan awatin mo naman ang nobya mo sa pagkakalat ng tsismis na hindi naman totoo. Pati ang kaibigan ko dinadamay. Kung may problema kayong dalawa eh pwede ba sa inyo na lang!" Walang pasintabing sabi ni Tesa.


"Anong tsismis ang ipinagkakalat ni Pia? Tanong ni Elcid.

"Tesa, hayaan na lang natin. Hindi naman totoo 'yun. Halika ka at umuwi na tayo." Yaya na ni Fina sa kaibigan.

Hindi pa rin ito nagpaawat sa mga gustong sabihin.


"Kasi nagpaparinig ang nobya mo sa akin. Na parang sinasadya ni Fina ang nangyaring aksidente para mapansin mo siya. Paagaw atensiyon daw si Fina."
"Tama ba naman iyon? Ang magkalat siya ng tsismis lalo na sa mga Freshman pa na bagong miyembro ng group namin!"
"Kaya pwede ba, nakikiusap ako sa'yo spare Fina some headaches!" Naiiritang tono na ni Tesa.

Natahimik na lamang si Elcid.
"Pasensya na sa gulo. Fina, ako na ang humihingi ng pasensya sa mga nasabi ni Pia. Im so sorry." Hiyang-hiyang sabi niya sa dalaga.

"Elcid, you don't need to say sorry. At wala namang katotohanan ang mga ibinibintang niya sa akin. We all know how she is. She is probably just upset." Sabi na lamang ni Fina.

"Upset or not, she should be very careful of what she has to say. Especially about you." Nakatiim bagang na sabi ng lalaki.

Ayaw sana ni Elcid na magalit kay Pia.
Pero sumusobra na ito. Pati ang pagtahi ng kwento ay ginawa nito. Hindi na siya makakapaghintay na makausap ito. Kailangan nitong tumigil sa mga gulong nililikha nito. Nakakahiyang pagtsismisan sila sa school ng dahil lang sa napakakitid niyang pagiisip at pangunawa. Hindi ito uubra sa kanya. Bibigyan na niya ng tuldok kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Iniwan na nina Tesa at Fina si Elcid. Hindi maiwasan ni Fina na hindi mangamba lalo na sa nakita niyang pagtagis ng mga bagang ni Elcid sa mga huling sinabi nito. Ayaw niyang mag-away ang dalawang magkasintahan ng dahil lang sa kanya. Naisip niya na paano na lang ang kanilang banda? Kung magkakaraoon ng sigalot sa pagitan nila? Ayaw niyang pati ang banda ay madamay dahil sa mga usaping hindi naman niya ginustong madamay.

Habang pauwi na sina Tesa at Fina may nabanggit naman ang kaibigan ng hindi niya inaasahan.
"Fina, alam mo bang may nakapagsabi sa akin na si Elcid at Pia ay parang naghiwalay na?"

"Ano?!" Gulat na reaksiyon niya.

"Oo ayaw ko nga maniwala eh. Pero parang cool-off yata sila ganun. Hindi naman officially break-up." Dagdag pa ni Tesa.


"Naku Tesa huwag na tayong makisali sa usapang iyan. Huwag na nating dagdagan ang tsismis." Sabi pa ni Fina.


"Pero ano kaya ang pinag-awayan ng dalawa. Si Elcid daw ang nag-initiate ng cool-off eh." Si Tesa parin.


"Ano man ang dahilan, ayoko ng malaman at ayokong madamay." Sabi na lamang ni Fina.

Hindi natutuwa si Fina sa nangyayari sa pagitan nina Elcid at Pia. Lalo na kung damay siya rito. Ayaw niyang isipin na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa kung totoo man ang mga naikwento ng kaibigang si Tesa.

Samantala nagtungo naman si Elcid sa bahay nina Pia. Kakausapin na niya ang babae at hihingin dito na gusto na niyang maghiwalay na sila at tuluyang  tapusin na ang kanilang relasyon. Wala itong patutunguhang maganda. Madadamay lang mga taong hindi dapat madamay. At hindi na siya sigurado sa nararamdman para sa dalaga. Ayaw niya itong saktan pa ng dahil sa pagseselos nito kay Fina. Ngunit gusto niyang maging maayos ang kanilang paghihiwalay. Gusto niyang maging magkaibigan parin sila ng dalaga. Sana ay tanggapin nito ng maluwag sa loob niya ang kanyang desisyon. Iyon ang tanging ipinagdarasal ni Elcid.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon