Namagitan ang ilang minutong katahimikan sa kanilang dalawa.
Si Nanay Pasing ang bumasag sa katahimikang iyon ng puntahan sila nito sa Greenhouse."Sabi ko na at naririto kayo eh." Napukaw naman ang kanilang atensiyon sa pagdating ng matanda.
"Fina, anong masasabi mo sa mga tanim ko? Hindi ba ang gaganda?! Bukod kay Elcid iyan pa ang mga pinakamamahal kong alaga." Sabi pa nito.
"Oo nga ho Nay Pasing. Ang gaganda ng mga tanim ninyo at kakaiba ang mga bulaklak! Siguro ho ay may green thumb kayo." Pilit pinasaya ng dalaga ang boses nito para hindi nito mahalata ang pagkailang sa pagitan nila ni Elcid.
Tumikhim naman ang binata at nagsalita.
"Nay Pasing maiiwan ko muna ho kayo. May kukunin lang ako sa kwarto." Pagpapaalam ng binata."O sige, magbalik ka kaagad para makapanghimagas na tayo. Naroon na sa may Gazebo ang Leche flan na pinahanda ko."
"Sige ho saglit lang ako." Sabi ni Elcid.
Hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ni Elcid.Nalulungkot siya sa nakikitang pagkalungkot ng binata sa kanyang sinabi. Gusto niya tuloy pagsisihan at bawiin ito.
"Fina, heto ang Orchid na gusto kong iuwi mo." Inabot sa kanya ni Nanay Pasing ang isang klase ng Orchid na nasa paso. Namukadkad na ang puting bulaklak nito.
"Nay Pasing maraming salamat po. Sana maalagaan ko po ito at hindi mamatay. Baka kasi hindi niyo ako katulad na may greenthumb." Sabi pa ni Fina.
" 'The Lady Slipper'" iyan ang tawag diyan. Mabubuhay ito sa loob ng bahay basta huwag mo lang masyadong lunurin sa tubig. Basta e-maintain mo lang yung moisture ng lupa." Paalala pa ng matanda.
"Alam mo sa pagaalaga ng halaman minsan hindi rin ako naniniwala sa 'Greenthumb' na sinasabi nila eh. Para sa akin kasi, basta gawin mo lang tama at bigyan mo ng nararapat na atensiyon at pagaalaga ang mga halaman siguradong mabubuhay yan. At siyempre kailangan bigyan mo ng tamang fertilizer, tamang lupa at tamang dami ng tubig. Importante rin iyong nasa tamang panahon ang pagtatanim."
"Parang sa pag-ibig din yan eh. Kapag nagtanim ka ng pagmamahal sa isang tao, siyempre pinakaimportante sa lahat ay magsimula sa pagkakaibigan. Iyon dapat ang maging pundasyon ng isang relasyon. Kagaya ng tamang lupa sa iyong pananim. Iyon ang iyong pundasyon.
Siyempre hahayaan mo munang makilala ang isang tao hindi ba? Makita ang lahat ng maganda at hindi sa pagkatao niya. Ngayon kapag sa palagay mo eh kaya mong tanggapin at mahalin yung mga imperfections niya, malay mo kapag binigyan mo ng sapat na panahon at pasensiya, uusbong ang tamang pagmamahalan niyong dalawa, sa tamang panahon." Mahabang paliwanag nito.Matiim lang siyang nakinig sa mga sinabi ng matanda. Natutuwa siya kung paano nito ihalintulad ang pag-ibig sa isang halaman. Ngunit tama ito sa kanyang mga sinabi. 'May pagiibigan na umuusbong sa tamang panahon at nararapat lamang na may sapat itong pundasyon.' At sa tamang panahon niya gustong ibigin si Elcid. Hindi sa mga panahong sadlak sila sa kahirapan. Hindi sa panahong hindi pa niya naabot ang kanyang mga pangarap. Hindi sa panahong natatakot siya na ibigay dito ang kanyang buong puso. Gusto niyang ibigin ang binata ng walang pag-aalinlangan at ng walang bahid ng guilt na hindi niya maiwasan dahil kay Pia.
Kung mahal talaga siya ni Elcid makakapaghintay ito kung kailan siya handa. 'Sana ay makapaghintay ito.' Sagot naman ng isang bahagi ng isip niya.Nagbalik na sila ni Nanay Pasing sa Gazebo. Hindi pa rin nagbalik si Elcid.
"Nasaan na kaya ang lalaking iyon?" sabi ni Nanay Pasing.
"Sige Fina maupo ka at tikman na natin ang Leche Flan. Sana magustuhan mo. Alam kong masarap magluto ang Nanay mo. Siguradong ikaw din hindi ba? Kaya sabihin mo kung ano sa palagay mo ang lasa ha?"
Excited pa ito ng salinan siya ng lecheflan sa platito.Samantala si Elcid ay nasa kanyang kama nakahiga at nakikipagtitigan sa kisame. Nasaktan siya sa sinabi ni Fina. 'Hindi ko kaya' ang sabi ng dalaga. Hindi ba siya kayang mahalin nito? Wala bang nararamdaman ang dalaga para sa kanya? Hindi ito ang sinasabi ng mga kilos niya at ng mga tugon nito sa halik niya. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na mahal din siya ni Fina. Nararamdman niya iyon. Siguro ay nabigla niya ang dalaga. Hindi ito sanay sa mga ganoong bagay. Lalo na ang paghalik dito. Alam niyang wala pang karanasan si Fina sa pagkakaroon ng nobyo. Ayaw nga nitong magpaligaw maski na kay Tristan. At alam niya na siya ang unang halik ng dalaga.
Naiinis tuloy siya sa kanyang sarili. Hindi malaman kung magsisisi sa kanyang mga ginawa. Siguro kaya ganun na lamang ang pagtanggi ng dalaga sa kanya dahil akala nito ay dinadaan siya sa bilis. Hindi naman ganoon ang gusto niyang mangyari. May mga pagkakataon lang talaga na gusto niyang malapit sa dalaga.
Napagtantu niyang matagal na pala siyang nawala mula ng iwan niya sina Fina at Nay Pasing. Napabalikwas siya ng tayo at tiningnan ang oras. Kailangan na niyang ihatid si Fina at baka mag-alala ang ina nito.Natapos na sina Fina ni Nanay pasing ng kanilang panghimagas ay wala parin si Elcid. Ipinagbalot pa siya nito ng Leche flan para maiuwi sa kanyang ina. Niyakag na siya nito pabalik sa mansiyon upang maihatid na pauwi.
"Naku iha teka at ipapatawag ko na si Elcid. Ano kaya ang ginawa nito at hindi na nagbalik?!" Sabi pa ng matanda.
Pagkasabi niyon ay siya namang pagbaba ng binata sa hagdan galing sa kanyang silid.
"Hayyy nakung bata ka, anong ginawa mo? Hindi kana nagbalik. Hindi mo man lang kami sinamahan ni Fina kumain ng dessert." Reklamo ng matanda sa alaga."Pasensya na Nay Pasing. May ipinacheck kasi si Mama na e-mail na kailangan ko daw fill-upan kaagad. Medyo nawala ako sa oras." Pagdadahilan pa niya at kakamot-kamot sa ulo.
"Ihahatid na ba natin si Fina?" Tanong niya sa mga ito.
"Oo, baka gabihin pa ng sobra lagot tayo sa Nanay niya." Biro pa ng matanda.
"Teka at kukunin ko lang ang sweater ko parang medyo nilamig ako sa labas." Sabi pa nito.
Nang akmang maglakad ito patungo sa kanyang kwarto ay napahinto at hawak ang noo. Sabay namang napatingin si Fina at Elcid at dinaluhan ang matanda."Nay Pasing okay lang ho ba kayo?" Pagaalala ni Fina.
"Parang bigla na lang ako nahilo." Nakapikit pa ito ng mariin at nagmulat ng mata. "Oh yan wala na okay na." Kaagad na bawi nito.
"Siguro ho mas magandang hindi na lang kayo sumamang maghatid. Magpahinga na lang po kayo at ng makabawi kayo ng lakas." Sabi ni Fina.
"Naku eh paano ang Nanay mo baka magalit?" Pagaalala naman nito.
"Huwag niyo na pong alalahanin iyon. Ako na po ang bahala." Sagot naman ni Fina.
"Ako na hong bahalang magsabi kay Aling Sol, Nay Pasing. Tama si Fina magpahinga na lang po kayo." Giit din naman ni Elcid.
Inakay na ni Fina at Elcid ang matanda sa kwarto nito na nasa ibabang bahagi lamang ng Mansiyon. Nang maiayos na ito sa kanyang higaan at bilinan ang isang pang kasambahay ay iniwan na nila ito.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
Storie d'amoreNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.