Parang araw at gabi ang pagkakaiba ng mood ni Pia sa isip naman ni Fina.
Kagabi lang eh hindi maipinta ang mukha nito sa di malamang kadahilanan. Ngayon naman eh sobrang pa-cute naman ito kay Tristan.Hindi tuloy niya maintindihan ang babae.
Ano ba ang problema nito sa kanya at simula kagabi eh ibang ugali ang ipinapakita nito.May kabaitan din naman si Pia. Malambing din minsan.
Sobrang arte nga lamang nito at gustong-gusto niya na napupuna siya. Sa kanyang suot, sa kanyang mahaba at itim na buhok, sa ganda ng kanyang legs
at pati sa pagkanta.Kaya hindi maniniwala si Fina kung siya ang dahilan sa parang pagkainsecure nito.
-o-
At sa wakas dumating na rin ang Papa ni Tristan. Nakita nito ang ama na nilapitan ang kanyang mama at hinalikan.
Minsan hindi niya maiwasan ang pagtatampo sa ama. Madalas kasi itong wala. Masyado itong okupado sa trabaho niya bilang Corporate Atty ng ISCorp. Lahat na lang ng oras nito ay iginugugol sa trabaho. Hindi nila ito madalas makasama sa mga importanteng okasyon.
"There you are!" Narinig na lamang ni Tristan ang Papa niya.
"Hello Papa!" Sabay yakap sa ama.
"How are you son?"
"I heard you guys did a pretty good job last night!" May saya sa mga ngiti nito."Yes, Papa"
"And its all because of this very talented friend of mine, Fina."
Sabay pakilala ni Tristan kay Fina.Tumayo naman ang dalawang magkaibigan upang magbigay galang sa Ama ni Tristan.
"Hello sir!" "Nice to meet you po."
"And her bestfriend Tesa." Dagdag pa nito.
"Same here ganting ngiti naman nito."
"Buti naman at may naisama ka ng mga kaibigan mo dito sa bahay." Sabi pa nito."okay iho, sasamahan ko muna ang mama mo sa pagistima sa mga bisita."
Lumakad naman ito palayo.Pumailanlan naman ang saliw ng musika. Nagsimula ng kumanta ang mga banda. Pagkatapos ng isang awit ay pumunta sa stage ang isang babae at inabot ang Mic.
Walang iba kundi si Pia."May we call on the stage our beautiful Celebrant and her most loving husband please."
"Tito, Tita... Pagtawag ni Pia."And also their beloved son , my friend Tristan."
Hindi malaman ni Tristan kung maiinis siya o matatawa sa lakas ng loob nito na pumapel.
Kung umakto kasi siya ay parang malapit na malapit siya sa kanyang pamilya.Hindi siya kaagad tumayo.
Naghahanap ang mga tingin ng mga tao at ang kanyang mga magulang na nasa stage na."Tristan tinatawag ka na."
"Puntahan mo na sila doon."
Sabi ni Fina."Alam mo Fina, sa lahat ng ayaw ko ay nilalagay ako on the spot!" May inis sa tono ng pananalita nito.
Tumayo na rin siya at deretso sa stage.
"Tristan come!" Sabi pa ni Pia.
"What do you think your doing?" Mariing pabulong na sabi ni Tristan ng makalapit na ito.
Hindi naman pinansin ni Pia ang sinabi ng lalaki. Nagpatuloy pa rin ito.
"Tristan siguro mas magiging maligaya ang iyong mama sa araw na ito kung kakantahan natin sila ng kanilang paboritong kanta ng iyong papa."
"Yesssss!!!" Sigawan naman ng mga bisita.
Tumingin sa kanya ang kanyang Mama.
Hindi niya ito pwedeng hindian sa espesyal na araw nito.Nagbigay na ng senyales si Pia sa banda para sa kakantahin nila.
"Tita, Tito you're very much welcome po to dance with the music." Sabi pa nito sabay abot ng isang mic kay Tristan.
Nagpatianod na lang si Tristan para mapaligaya ang ina. Kahit sa loob-loob niya ay naiinis siya kay Pia.
At pumailalim na ang awiting "i wont last a day without you.."
'Day after day I must face a world of strangers
Where I don't belong, I'm not that strong
It's nice to know that there's someone I can turn to
Who will always care, you're always there'Habang patuloy ang pagkanta ni Pia at Tristan hindi naman mapigilan ni Tesa ang bibig na walang sabihin.
"Alam mo saan kaya nakakabili ng lakas ng loob?"
"Kasi parang pinakyaw na lahat ni Pia eh!"
"Baka out of stock na nga eh!"Seryoso naman si Fina na nakapako ang tingin kay Tristan at Pia.
"Uyyyyyy... Ok ka lang?"
"Natahimik ka diyan?""Ah oo naman. Okay na okay!" Pagngiti pa nito.
"Alam mo saan ka nakabili ng lakas ng loob---na magdeny?"
"Isa ka rin eh!"
"Kunwari kapa!"
"Huwag mong sabihing nagseselos ka?!"
"Friend, I assure you. 'Iyan si Pia?"
"Hindi yan papasa kay Tristan!"
Nakita mo ba reaksyon ni Tristan sa ginawa ng magaling na babaeng yan?""Tama kana nga diyan Tesa."
"Hayaan na lang natin sila."
"Sila naman ang mas bagay eh.""Nakita mo ba kung anong buhay meron si Tristan?" "Walang wala ako kumpara kay Pia!" "Si Pia may kaya ang pamilya. Marami silang kamaganakan na maalwa din sa buhay."
"Doon pa lang talong-talo na ako."
Malungkot na sabi niya."Ang-OA mo naman!"
"Bakit ganun ba ang tingin mo kay Tristan?Tumitingin sa kayamanan na kung anong meron ka?"
"Matagal-tagal na rin natin siyang kilala, pero ni minsan ba nagyabang yan sa atin?""Alam mo Fina, huwag mo munang huhusgahan si Tristan kung ano at sino ang gusto niya."
"Malay mo hindi pala ikaw ang gusto niya?! "Malay mo ako pala?!" "Kaya huwag kang assuming!" Sabay hagikgik nito."Alam mo ikaw din humakot ng lakas ng loob, at apog! Pinakyaw mo din lahat!" Balik pang-asar din niya dito.At nagtawanan na rin silang makaibigan.
Natapos na rin ang pag-awit nina Pia at Tristan. Nagpalakpakan ang lahat.
Nagpasalamat naman ang mag-asawa sa dalawa. Lalo na kay Pia."You're so sweet Iha." "Thank you." Pasalamat ng mama ni Tristan.
Bineso-beso pa nito si Pia."You are very welcome Tita." Hanggang tenga naman ang ngiti ni Pia. At proud na proud sa ginawa.
Bumaling naman si Pia kay Tristan at bigla niya itong niyakap.
"Thank you! Tristan!" We can be a great Duo!" Sabi pa nito.Biglang bitaw naman ni Tristan.
"That's not necessary Pia!" Painis na sabi ni Tristan.
Bumaba na lamang siya ng stage at nagtungo pabalik kina Fina.
Sa loob-loob naman ni Pia, 'So fina, naungusan na naman kita noh?" "Buti nga sa iyo at manigas ka sa inggit!'
At may ngiti na sumilay sa kanyang mga labi at tinapunan si Fina ng masamang tingin kahit malayo ito sa kinaroroonan niya.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
Storie d'amoreNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.