Nagtungo sina Pia at Fina sa isang Café malapit sa Plazuela. Sa may bandang sulok pinili ni Pia sila naupo ng dalaga. Binati naman si Pia ng isang crew doon. Halatang kilala ito sa lugar na kanilang pinuntahan. Nagboluntaryo pa ito na orderan siya ng pampalamig ngunit tumanggi siya. Nagpumilit naman ang dalaga at hinayaan na lamang niya ito. Sinuri niya ang paligid ng cafe. Hindi pa kasi siya nakakapasok sa mga ganitong lugar. Hindi naman kasi siya madalas magtungo sa may Plaza. At alam niyang mahal ang presyo ng mga simpleng pagkain doon. Nagsisimula ng magtayo ng ibat-ibang establisyimento sa kanilang lugar. Tanda ito na umuusbong sa pagunlad ang mumunti nilang bayan. At isa doon ang 'Coffe Pot' na kanilang pinuntahan ni Pia. Kilala ito sa lugar dahil sa tambayan ito ng mga may kaya lalo na ng mga estudyanteng anak mayaman.
Hindi pa nagbubukas ng paksa si Pia sa bagay na gusto nitong pagusapan. Wala naman siyang alam na sabihin dahil hindi naman talaga niya lubusang kilala si Pia. Ang alam lang niya ay mayaman ito at ang kanyang mga magulang ay nakabase sa ibang bansa. Mayroon itong Tita na siya na ring nagsilbing guardian nito. At alam din niyang may mga kaibigan din ito na sa kapareha ng estado nito sa buhay na nasa Maynila.
Maliban doon ay wala na siyang ibang alam.Naagaw ang kanyang atensiyon ng ihapag na ng waiter ang inorder ng dalaga.
"Fina, sige kumain ka muna." Alok ni Pia.
"Hindi kana dapat nagabala, pero salamat." Sagot naman niya.
"That's nothing. And besides hindi pa ako nakakakain ng maayos. Wala kasi akong gana." Sa malungkot nitong pagkasabi.
"Let's have a snack first then we could talk?" Tanong pa ng dalaga."S-Sige.." Pilit na ngiti niya sabay simsim sa straw ng kanyang juice.
Nagdaan ang mga kinse minutos halos hindi maubos ni Pia ang slice ng cake na kanyang inorder. Halos mabara kasi ito sa kanyang lalamunan dahil sa pinipigilang emosyon. Galit siya sa babaeng kanyang kaharap. At kaya niya ito niyayang mag-usap ay para hatiran ito ng mensahe na hindi nito pwedeng maagaw si Elcid.
"Fina, siguro alam mo na ang nangyari sa amin ni Elcid."
"Oo, nabanggit nga ni Tristan sa amin."
"Yeah, We just have to sort things out." Saad ng dalaga. At nagpatuloy na ito sa pagsasalita.
"You see Fina, Elcid and I, we really adore each other. We love each other so much. There are things na may mga hindi kami napagkakasunduan. Pero pinagdadaanan naman iyon ng mga magkasintahan hindi ba?""P-Pia, bakit mo sinasabi sa akin ito?"
"Fina, I just wanna ask if you could do me a huge favor?"
"Anong favor?" Kinakabahan na tanong niya.
"Can you please stay away from Elcid?" Biglang sabi nito.
"Stay away?" "Pero Pia hindi naman kami malapit ni Elcid eh."
"Hindi nga ba? Kasi he said you guy's are friends?"
"But it feels like something is brewing.""Anong ibig mong sabihin Pia?" Tanong naman ni Fina.
"Fina, to tell you honestly, sometimes we argue about you. And sometimes i feel jealous kasi alam kong naging kababata mo si Elcid. And i know he feels comfortable with you. And you are with him, I guess?" But sometimes, bilang babae i feel like something you do catches his attention. The way you look at him. The way you act around him. It bothers me, kasi parang feeling ko may gusto ka kay Elcid." Walang prenong sabi nito.
Bumuntong hininga na lamang siya.
"Oo, naging magkaibigan kami noong mga bata pa kami. At mula ng umalis siya hindi na kami nagkita at nagkausap. Kaya ngayon hindi ko masasabing matalik kaming magkaibigan." Nakayukong sabi niya."Can I ask you a question?"
Napatingin naman si Fina pabalik sa dalaga."Do you like Elcid, Fina?" Masuring tanong nito.
Hindi siya kaagad na sumagot. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ng dalaga.
"Ibig bang sabihin niyang pananahimik mo, you do?" May pangungutyang sabi nito.
"Pia, hin---"
Bago pa siya muling magsalita ay binara na siya ng dalaga. At biglang parang nanlisik ang mga mata nito. Ngunit pinili pa rin maging mahinahon."Fina alam mo, if I were you, save yourself from heartaches. Alam mo ba kung bakit? Kasi i know for the fact na kaibigan lang ang turing ni Elcid sa'yo. Kapag nagaaway nga kami, he always beg me and always assures me na he will never fall for someone like you." Mariing sabi ni Pia.
Napalunok si Fina sa mga tinuran ng dalaga. Hindi niya naiwasang mamuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Ngunit pinigilan niyang tuluyang malaglag ang mga iyon. Naalala na naman kasi niya ang mga narinig na sinabi ni Elcid sa mama nito. Na kaibigan lang ang turing ng binata sa kanya.
"We both know Elcids status right? And hindi naman kaila sa'yo iyon? His mom even called me and asked if me and Elcid could patch things up." And right now he doesn't need any distractions from anyone. Lalo na sa'yo. Kaya sana keep yourself away from him and whatever you feel for him, just forget about it. Masasaktan ka lang Fina. I'm just sayin'."
Pilit niyang ibinalik sa normal ang kanyang ayos. At tiningnan si Pia ng mata sa mata.
"Huwag kang mag-alala tatandaan ko 'yang sinabi mo. Pero sa tingin ko wala akong ginagawang masama para ma-bother ka. Wala akong intensiyong mang-agaw. At kung alam mo naman pala na kaibigan lang ang turing ni Elcid sa akin, hindi mo na kailangan pang magsayang ng oras na kausapin ako. Pero salamat na rin sa paalala mo. Pero kung ako sa'yo siguro mas kausapin mo si Elcid. Huwag niyo na akong idadamay sa hindi niyo pagkakasundo. Baka siya ang dapat mong kausapin na iwasan ako. Hindi ko na kasalanan kung na-didistract ang boyfriend mo sa akin. Problema niyo na yun."
"At kung wala ka ng sasabihin, mauuna na ako sa'yo. Salamat sa meryenda. Maiwan na kita."
Sabi pa ni Fina na tuluyan ng tumayo at iniwan ang dalaga.Nasabi lahat ni Fina ang lahat ng iyon ng walang preno. Ayaw niyang magpadala sa taas ng emosyon niya. Ngunit hindi siya papayag na siya ang masisi sa paghihiwalay ng dalawang magkasintahan.
BINABASA MO ANG
Somewhere in my past
RomantizmNo matter how painful the past may have been. No matter how far and how long it has been. True love really has a habit of coming back.