Chapter 19.2

577 32 8
                                    

Habang naglalakbay na pabalik ng eskwelahan sina Elcid at Tristan hindi naman mapigil ni Elcid na may sabihin kay Tristan.

"Bro, sorry ha?" Paumanhin niya kay Tristan.

"Para saan?" Takang tanong naman nito.

"Sa nangyari kay Fina." Anito.

"Wala namang may gusto ng nangyari. Aksidente iyon Elcid."

"Pasensya na rin sa pagbuhat ko kay Fina kanina. Naisip ko na hindi naman ako ang dapat gumawa nun kundi ikaw. Ikaw ang boyfriend hindi ba? Nakita ko kasi sa mukha niya na nasaktan talaga siya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pasensya na." Walang patid na sabi nito.


"Te-Teka!" Naguguluhang sabi ni Tristan.
"Elcid, humihingi ka ba ng paumanhin dahil iniisip mo na baka galit ako sa nangyari kanina?"

"Ayoko lang isipin mo na pinangungunahan kita. Bilang boyfriend ni Fina, gusto kong isaalang-alang ang damdamin mo."
"Pero kaibigan ko siya kaya nag-alala lang ako para sa kanya."


Napapailing naman si Tristan. Hindi niya alam kung matatawa siya kay Elcid. Napakaseryoso kasi nito.

"Bro, don't worry about it. Hindi naman ako galit. Walang may gusto ng nangyari. Pare-pareho nating kaibigan si Fina. And i worry about her too. Pero para isaalang-alang ang damdamin ko? Dahil ako ang nobyo niya? Sa palagay ko hindi mo na kailangan ding alalahanin iyon. Kasi hindi naman ako boyfriend ni Fina." Saad nito.

Muntik ng mapapreno si Elcid sa pahayag ni Tristan.


"What?! Teka ang ibig mong sabihin hindi 'kayo'?!" Manghang tanong ni Elcid.

"Sorry to say... Pero hindi kami."
"I wanted to court her, but she turned me down. She said she wants to save our friendship." May lungkot sa mga salita nito.
"But i still care for her." She is special to me. At hindi na iyon mababago. Kaya kung nasasaktan siya, ganoon din ako para sa kanya." Madamdaming sabi nito.


Hindi naman makapaniwala si Elcid sa mga narinig. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano? Parang lalong nabulabog ang damdamin niya.

Pagdating nila Elcid at Tristan sa eskwela. Ipinaalam nila ang kundisyon ni Fina kay Mr Santos. Laking pasalamat din nito ng malaman na hindi naman grabe ang kalagayan ng paa ni Fina. Nagpaalam na rin si Elcid kay Tristan upang puntahan si Pia. Nasabi kasi ni Mr Santos na parang nagalit daw ito sa ginawa niyang pagbuhat kay Fina kanina. Halatang nagseselos daw ang kasintahan. Nagpunta daw ito sa kanilang ensayo sa Drum and Lyre.

Hinintay na lamang niya si Pia hanggang sa matapos sa paractice upang sila ay makapagusap. Hindi kasi niya mapapalampas ang mga salitang binitiwan nito kanina ng mangyari ang aksidente sa kanila ni Fina. Parang wala na sa lugar ang mga pagseselos nito. Naiisip niyang nakakapagod din pagbigyan ang mga hiling nito. Pinipilit naman niya ang lahat para maging masaya ang dalaga pero ngunit bawat galaw niya ay gustong malaman nito. Kung nasaan siya? Sinong kasama niya? Anong ginagawa niya. Dito ka lang. Huwag kang sasama kay ganito at ganyan. Parang ngayon pa lang magnobyo sila ay sakal na sakal na siya. Paano pa kung maging sila na sa bandang huli? Seryoso naman siya sa damdamin para sa dalaga. Alam niyang mahal siya nito. Ngunit may mga pagkakataon na parang hindi niya ito kilala. Parang may itinatago itong ugali na minsan ay napapansin niya. Hindi nito mapigilan ang emosyon lalo na ang kanyang pagseselos.

Hindi namalayan ni Pia na nagaabang pala si Elcid sa kanya sa pasilyo. Masama ang tingin niya rito. Inaasahan naman iyon ni Elcid.

"Buti bumalik ka pa?" Naninitang tanong ng dalaga.

"We have to talk." Sabi naman ni Elcid.
At nagpatiuna ng lumakad ang binata papunta sa sasakyan nito.

Huminga muna ng malalim si Pia at sumunod ito kay Elcid. May anong kaba siyang nadarama. Mukhang seryoso sa sasabihin ang binata. 'Ano kaya ang sasabihin nito? Baka makipaghiwalay na si elcid sa kanya dahil sa ipinakita niyang ugali kanina. Kailangang gumawa siya ng paraan. Kung kinakailangang mag-drama siya at umiyak sa harapan nito ay gagawin niya.' Sabi ng isip niya.

Nilisan nila ang eskwelahan at nagtungo sa Park malapit sa Plazuela.
Tahimik lamang ang dalaga at hinihintay magsalita si Elcid.


"Pia, i think we need to take a break." Sabi ng binata.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Pia.
"Bakit Elcid? May ginawa ba akong masama?" Naiiyak na tanong nito.


"The way you acted earlier, I can't tolerate that."
"It was an accident, hindi sadya ang nangyari. And imbes na mag-alala ka hindi lang para sa akin kundi pati kay Fina na rin, but instead umandar na naman ang pagseselos mo. Sinisisi mo pa si Fina kung anong ginawa niya at pati ako dinamay!"

"Kahit konting concerned man lang sana nagpakita ka para doon sa tao. I know she's not your friend, pero sana kahit bilang tao na lang. Nakita mo na may nasaktan, are you just going to ignore that? Paano kung sa iyo mangyari iyon?" Walang reserbasyong sabi ni Elcid at ipinaalam dito ang tunay na nararamdaman sa nangyari.

Nakita niyang tumutulo na ang luha ng dalaga. Kaya inabutan niya ito ng kanyang panyo.


"Babe, I'm sorry. I didn't mean to act that way. I admit, nadala ako sa galit at pagseselos ko kay Fina. But that doesn't mean I don't care. I'm not that bad of a person." Maluha-luhang pagtatanggol nito sa sarili.

"Nag-alala lang ako for you kanina."
That was just me, as your girlfriend! Siyempre mas concerned ako sa iyo dahil nobyo kita." Pagpapaliwanag nito.
"Please don't do this to us. We can fix this right?" Pakiusap pa ng dalaga.

"Let's give ourselves some space for now."
"I need to breathe, medyo nakakasakal na kasi." Pahayag ni Elcid.
"Minsan hindi ko na makuha ang mga pagseselos mo. I hope you understand." Sabi pa ng binata.

"Babe, I can change. Just give me a chance. I will try my best and be good to Fina."

"It's not just to Fina, Pia. Be good to everyone. You can't just be good to one person.. You have to be good at all times." Sabi pa ni Elcid.


Hindi naman maampat ang luha ni Pia. Galit na galit siya sa loob-loob niya. Sinisisi niya si Fina kung bakit sila nagaaway ng ganito ni Elcid. Hindi niya hahayaan ng dahil sa babaeng ito ay maghihiwalay na sila ng tuluyan ni Elcid.

"Babe, kahit ayoko sige papayag ako. For us to take a break. I respect your decision. But bear in mind na hindi ako ang may gusto nito. We're not totally breaking up. And i want you to know that i love you. Very very much. Nothing will ever change the way i feel for you." Hihikbi-hikbing sabi ng dalaga.

"Ssshhhhh.. Tama na yan." Alo naman ni Elcid.
"Ayokong nagpapaiyak ng babae." Sabi nito.

"Then don't do this to us?" Giit ni Pia.

"We need this... To sort things out." Si Elcid.

Wala na ngang nagawa pa si Pia kundi ang pagbigyan ang hiling ni Elcid. Ayaw niyang ipagpilitan ang gusto niya. Baka mas lalong lumayo na ito ng tuluyan sa kanya. Pero hindi rin naman siya makakapayag na mawala ito sa kanya. Kung kinakailangang makiusap siya sa Mama nito upang kumbinsihin si Elcid, gagawin niya. Alam kasi niyang pabor ang ina nito sa kanya. Hindi man nito harapang sinabi ay alam niyang gusto siya ng Mama ni Elcid para sa anak. At iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para mapakiusapan ang Mama ni Elcid na kumbinsihin ang anak nito na hindi siya tuluyang hiwalayan.

Somewhere in my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon